One

23 2 0
                                    

Keanna's POV

Ako nga pala si Keanna Gomez , nag iisang anak lang ako pero hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, hindi ako spoiled brat alam ko kasi ang limitation ko. Mayaman kami kaso hindi ko pinagyayabang. Mabait ako sa mga taong mabait sakin. Simple lang ako hindi ako sosyal kahit mayaman kami. Gusto ko kasi yung normal lang. Medyo may pagka boyish ako, ayoko kasi yung maarte at ako ay isang dakilang NBSB. May kaibigan akong tatlo, Rheann, siya yung tomboy samin, pero NBSB yan.Si Pia ang pinaka girly saaming apat, hindi naman siya maarte sakto lang at NBSB rin at si Deryll yan yung bestfriend ko, siya yung pinaka close ko,siya yung partner in crime ko, parang ako lang siya may pagka boyish din, maganda siya maraming nagkakagusto pero nirereject niya lahat ng manliligaw niya at NBSB.

"Keanna, bes bilisan mo jan, VIP ka nanaman" sabi ni Deryll. Pupunta kasi kami sa mall ngayon para bumili kami ng gamit namin para sa pasukan next week na kase.

"Wag ka nga bes, hindi ko naman kasi sinabing hintayin niyo ako" sabay baba ko sa hagdanan.

"Pasalamat ka nga girl at may mga kaibigan kang ganito" sabi ni Pia sabay subo sa kinakain niyang chocolate, mataba kase yan pagkain ang inaatupag pero magaling may utak siya yung pinakamagaling saaming apat.


"Oo na oo na ako na talo, Tara na nga dami niyong daldal" sabi ko sabay lakad palabas. "Oh bakit ang tahimik mo" sabi ko kay Rheann sabay sakay sa kotse, hindi kasi siya nagsasalita, ang tahimik. Hindi ko pala nasabi ako ang pinaka madadal saaming apat.

"Hah? Wala. Iniisip ko lang kung magkakapareho ba tayo ng section, ang hirap kasi mahiwalay sainyo eh" sabi niya.

"Hayy naku hindi yan magkakalevel kaya utak natin" sabay tawa ng malakas.

"Wag mo akong itulad sa utak mo bes, utak ipis" sabi naman ni Pia.

"Ayy nahiya naman ako sa utak mo, oh edi ikaw na magaling ako na hindi" sabi ko

"Nasaan kaba kasi nung umulan ng katalinuhan, Keanna?" Sabi ni Deryll.

"Nasa langit nagdodonate" sabi ko sabay baba sa kotse. Nandito na kasi kami sa mall.

"Hanep, ikaw pa talaga nagdonate? Kaya pala wala ng natira sayo" Haha . Tawa ni Rheann.

"Oh nagsalita yung magaling" sabi ko sabay batok sa kanya.

"Wag nga kayo, tularan niyo ako maganda na, matalino pa" sabi naman ni Deryll

Binatukan ko nga "kapal ng mukha mo bes" sabi ko

"Aray! Makabatok naman toh wagas sipain kaya kita jan" sabi niya sabay himas sa ulo niya.

"Oh sige nga" sabi ko sabay lapit sa kanya.

"Wag na hindi ako pumapatol sa utak ipis" sabi niya sabay takbo sa national bookstore. Sumunod nalang kami sakanya.

"Oh ano nakapili na ba kayo?" Tanong ni Pia.

"Hah? Oo, teka Punta ako don" sabi ko sabay takbo sa pamilihan. Ng mga ballpen habang tumatakbo ako may naka bunggo ako at nabitawan ko yung basket na bitbit ko. "Huh? Ano ba yan" sabi ko sabay pulot sa mga notebook at binalik sa basket. "Sorry" sabi ko sa naka bunggo ko.

" no I'm sorry, wala kang kasalanan ako kasi yung hindi tumitingin sa daan" sabi niya sabay bigay sa mga notes sakin. "Sige alis na ako, bye" sabay takbo.

"Huh? Ang tanga niya ako nga yung nakabunggo sa kanya eh" sabi ko sa sarili ko. "Infairness gwapo" sabay kuha ko ng nga ballpen .

"Hi miss" sabay sabi ng isang lalake.

Sana'y Panaginip Lang (Kathniel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum