Keanna' POV
"And you are?" tanong ko sa lalakeng lumapit sakin. "Sorry pero hindi ako kumakausap sa panget" sabi ko tapos naglakad na ako. Pero hinawakan niya ang kamay ko
"Napakasungit mo naman, sayang ang ganda mo pa naman" sabi niya , sabay hatak ko sa kamay ko.
"I don't care" sabi ko, aalis na ako pero hinatak niya na naman ako. "Bitawan mo nga ako" sabi ko pero hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"Ba't ko naman gagawin yun? Eh gusto nga kita eh." Sabi niya sabay lapit ang mukha niya sakin.
Saktong hahalikan na niya dapat ako pero may nanghila sa kanya at sinuntok niya ito. " wag ka ngang bastos pare" sabi niya sa lalake.
"Ano ba kala ko ba kaibigan kita? Ba't dimo nalang ako suportan pare." Sabi ng lalakeng gustong humalik sakin.
" ano ? Susuportahan kita sa katarantaduhan mo? Pare konting respeto naman, babae yan oh wag mong bastusin" sabi niya sa lalakeng bastos
" ano gusto mong gawin ko? Eh sa gusto ko eh may magagawa ka? " sabat naman ng lalakeng bastos.
Susuntukin na naman sana niya yung lalakeng bastos kaso ako ng pumigil sa kanya " stop, ok na hindi naman niya ako nahalikan" sabay hawak ko sa kamay niya.
"Sorry miss , wala talaga akong mapagtripan eh" sabi ng lalakeng bastos. "Sorry talaga, sige alis na ako" Sabi niya sabay takbo.
"Ok ka lang miss?" Tanong sakin ng lalakeng tumulong saakin.
"Ikaw na naman? Haha. Pero salamat narin, ah oo ok lang ako" sabi ko sakanya. "Oh I'm Keanna ,and you are?" sabay abot ko sa kamay ko.
"Ahh sige alis na ako" sabi niya sabay takbo at naiwan akong tulala.
"Baliw" sabi ko sa sarili ko , diman lang sinabi pangalan.
Bumalik na ako sa mga kaibigan ko"Oh anyare sayo bes? Para kang nawalan ng piso sa itsura" tanong ni Deryll sakin.
"Hah? Wala. Oh ano tapos na kayo mamili? Kasi ako tapos na magbabayad na ako. "Sabi ko sakanila.
" OO KANINA PA" sabay sabay nilang sabi.
"Oh eh bat kayo naninigaw?" tanong ko sakanila
"Eh pano kanina ka pa namin hinahanap kong saan saan ka nagpupupunta" sabi Rheann
"Hah? Eh hindi niyo ba ako nakita eh nakatayo lang naman ako dun. " sabi ko sakanila.
"Hindi kaya lalake nakita namin nakatayo doon may kausap" sabi ni Pia
"Ahh ganun ba?" Sabi ko nalang dahil ang nakita nila yung kausap kong lalake kanina .
Pagkatapos naming bayaran lahat ng kinuha namin. "Uyy kain na muna tayo" sabi ko
"Yan , yan ang gusto ko, tara KFC " Sabi ni Pia
"Halah, gutom ka na naman? Eh kanina kapa kain ng kain eh" sabi ni Rheann kay Pia
"Eh anong pake mo eh sa gutom ako eh, may magagawa ? Wag mo nga ako itulad sayo ang payat payat parang kawayan" sagot ni Pia sabay tawa.
"Eh ka ng eh,tayo'y mag eh eh eh , eh eh eh ,mag eh eh, eh eh ka. Sige ka deretso ka sa CR yan. Haha. "(Otso otso tono yang kanta) sabi ni Deryll sabay tawa naming lahat
"Uyy wag nga kayo baka umiyak si piggy bank" sabi ko haha. Napag tripan na naman nila si Pia eh.
"Ayy grabe kayo, hindi porket mataba ako eh ganyan na kayo, huhu" sabi niya saamin.
Pagdating namin sa KFC humanap kaagad kami ng upuan ang dami kasing tao "oh order na kayo, alam niyo na yung akin" sabi ko sakanila.
Tapos nagsitayuan sila, naiwan ako ditong nakatulala, inisip ko kasi yung lalake kanina parang umiiwas siya saakin at take note familiar yung mukha niya Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. "Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa sarili ko.
"Huy! Anong iniisip mo? at para kang baliw na nagsasalita jan mag isa" tanong ni Deryll saakin.
"Wala pakelamera" sabi ko sakanya sabay kuha sa pagkain ko.
"Huh? Pasecret secret ka pa, alam ko inisip mo yung nerd sa school noh, ano ulit pangalan? Alexander ba?" Sabi niya sabay subo sa pagkain.
"Haha lol at bakit ko naman siya iisipin? Saksak ko sayo tong tinidor eh gusto mo? Dami mong alam bes?" Sabi ko sa kanyak, ba't naman niya naisipang sabihin saakin yung nerd nayun? Hayyss bestfriend ko talaga.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang isipin yung lalake kanina.
Sino ba talaga siya? Bakit ayaw niyang sabihin pangalan niya?