Chapter six:

1 0 0
                                    

Still,still,still,STILL?

Natulog na ako......

KINABUKASAN:
Pumunta na ako sa sementeryo at nakita kong nandoon na pala si Detective Yohan.

"O, nandito ka na pala"sabi ko sa ka kanya

"Iha, lumapit ka sa akin,may nakita akong kakaiba dito sa lugar na pinagtayuan ng  boyfriend  mo."

Anong ibig mong sabihin?!

Lumapit na lang ako sa kanya.May tinuro siyang bakas ng dugo sa gilid ng sementong ginamit na pang secure sa katawan ng boyfriend ko.

"Mga dugo,pero wala akong ma detect na mag kaparehas ng dugo tulad nito kundi dugo ito ng boyfriend  mo"sabi niya.

HA?!Hindi kita maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?"

*flashback*
Detective Yohan:
"Mauna ka na iha,may gagawin lang ako hindi naman ito tatagal"yon ang huli kong sinabi sa kanya bago siya nauna sa kotse ko.

Malaki ang kutob kong may nangyari sa inyong hindi maganda bago ka namatay Drake,at malaki ang kutob ko na ikaw ang nagpapakita at nagte text sa kanya.

Lumapit ako sa lugar ng pinaghukayan niya at dumeretso sa likod ng lapida nito..

DUGO?!Bakit may dugo dito?!

Tumutulo ito kaya alam kong bago bago lang ito nangyari.kumuha ako ng isang patak at tumakbo papunta sa kotse at hinatid si Kate sa kanilang bahay...

At dumeretso na ako sa ospital para magpa DNA para malaman ko kung kanino yon..

 Till Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon