Clean Intentions

109 12 0
                                    

"Panginoon, dinadalangin ko po sa inyo ang kaluluwa ni Sir Victor Howell. Napakabuti po niyang tao. Dinadalangin ko ang kanyan kapayapaan ganun nadin ng sa kanyang mga naiwanan. Amen!"

Binuksan ni Glaiza ang kanyang mga mata pagkatapos nitong magdasal. Nakaupo siya ngayon sa isang maliit na chapel na nasa kanilang bahay. Tumingin siya sa kanyang ama na nakaupo sa isang wheelchair sa kanyang tabi. Tulala lang ang matanda kahit ng hawakan ni Glaiza ang kamay nito.

Wala pa ring pagbabago sa kundisyon ng matanda matapos ang aksidenta isang taon na ang nakakaraan. Lagi lang itong tulala, hindi makausap hindi kumikibo. Paminsan minsan ay bigla nalang itong sisigaw na mukhang takot na takot ngunit wala naman makaintindi sa kanyang sinasabi. Sabi ng mga doctor mukhang normal naman ang lahat ng pagsusuri na isinagawa nila kaya marahil dahil sa trauma kaya ganito pa din ang kanyang kalagayan.

"Tay pupunta po ako ngayon sa Maynila para dalawin si Sir Victor." Biglang umungol ang kanyang ama. "Tay hindi ko po kayo masasama pasensya na. Hindi po makakabuti sa inyo ang mahabang biyahe. Wag kang magalala ipaparating ko sa pamilya niya ang pagdamay ninyo."

........

Matapos hinabilin ni Glaiza ang ama sa mga tauhan at taga pangalaga sa hacienda, tumuloy na siya sa kanyang kwarto upang maghanda para sa kanyang biyahe. Pinalitan niya ang suot niyang shirt at jeans sa isang black pencil cut dress. Biglang pumukaw sa kanyang attensyon ang isang kahon na nakalagay sa bookshelf sa likod ng kanyang office desk. Kukuhanin na niya sana ito ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok..."

"Ma'am Glaiza, si Ma'am Katrina po nasa sala hinahanap kayo."

Napataas ang kilay ni Glaiza nang marining niya ang pangalan ni Katrina. Naisip niya, "ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng to skin?"

"Ma'am?"

"Ya, pakisabi lalabas nako sandali."

Pag dating sa may sala, nakita ni Glaiza si Katrina. Nakasuot si Katrina ng plaid shirt, jeans at boots na abot hanggang sa tuhod. Kulot ang mahabang buhok nito. Mukhang kagagaling lang niya sa kanyang mga alagang kabayo pero pusturang pustura pa rin ito. Huminga ng malalim si Glaiza. Napangiti naman si Katrina ng makita niyang papalapit si Glaiza sa kanya.

"Hi hon.." pagbati ni Katrina. sinalubong nito si Glaiza at hinalikan sa labi.

Tinulak ni Glaiza si Katrina palayo.

"Katrina, ano ba?"

"Ito naman, parang kiss lang eh. Bakit masama na bang halikan ang girlfriend ngayon?"

"Ex girlfriend Katrina. Ilang beses naba natin napagusapan ang tungkol dito? Wala na tayo di ba?" gigil na sabi ni Glaiza.

"At ilang beses ko na din sinabi sayo hon na nabigla ka lang sa mga desisyon mo. You'll reconsider, tignan mo man. Hindi mo kaya kayang mabuhay ng wala ako. You need me darling." Sabay haplos ni Katrina sa mukha ni Glaiza.

"Katrina, ano ba? Bakit ikaw ba you reconsidered bago mo ako lokohin?"

"Glai, that was just one time. I was drunk, and di ba ngbenefit ka din naman?He turned out to be your biggest client"

"Kung hindi ko lang iniintindi ang hacienda na to, hindi ako papayag. Kaya pwede ba tigilan mo na ko. Lalo na ngayon may lakad ako."

"Bakit saan ba ang lakad mo at mukhang you are properly dressed?"

"Pupunta ako sa Maynila para dalawin ang kaibigan ni tatay."

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon