Over

138 13 0
                                    

Glaiza's POV

Nagulat ako nung tawagan ako ni Rhian para makipagkita sa kanya and that pumapayag na siya sa proposal ko. I know this is for business but I wanted for her to have this amazing wedding proposal so I reserved the whole restaurant where we met before all to ourselves. I hired a string quartet to play habang nagdidinner kame. I wanted it to be special para kay Rhian. Gusto ko maramdaman niya na mahalaga siya sa akin. Gusto ko din siyang bigyan ng magarbong kasal. Sigurado ayaw niya yun pero I want the best for her.

I looked at the ring I got her one more time bago ko ito itago ulit sa bag ko. I saw her walking in so tumayo ako to meet her. Nang makita ko siya bigla nalang bumagal ang takbo ng oras. Napakaganda niya sa suot niyang pink sphagetti strap dress. Nakatulala lang ako sa maganda niyang mukha hanggang makalapit na siya. Walang ano ano ay bineso ko siya. Hindi ko alam bakit ko ginawa yun, pero parang yun ang dapat o natural kong gawin. surprisingly, hindi siya umilag at hindi niya ako itinulak palayo. Hinila ko ang upuan niya para siya makaupo. I saw her nape and her toned back and para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano bang nangyayari sayo Glaiza? You're acting crazy riht now. Nang mahimasmasan na ako ng konti umupo na ako sa harap niya.

Nagsimula ng tumugtog ang string quartet at sinerve na sa amin ang napili kong appetizer. Wala pa rin siyang kibo mula ng dumating siya dito. Patuloy lang siya sa kanyang pagkain.

"Hindi ka magsisisi Rhian. Gagawin ko lahat para lumigaya ka. I'll be a good wife to you."

"That's not what I want you to say. Ang kondisyon mo regarding sa hacienda gusto ko yun ang tuparin mo. At isa pang kondisyon na hihilingin ko sayo Glaiza. You will not touch me, you will not sleep with me. I will take your name and I will give you my service but that's it. Also, I will not stop working."

I pulled the box with the ring from my bag and placed it in front of Rhian. "Paano ko isusuot to sayo kung hindi ko mahawakan ni dulo ng daliri mo?"

Rhian looked at me and then look at the box. She opened it, took the ring out, and wore it on her finger herself.

"Oh ayan engage na tayo. Without much fan fare, without much ado na siya naman dapat dahil kunwa-kunwarian lang ang kasal na to di ba?"

Parang wala lang nangyare she just went back to eating after. Wala siyang imik the whole night, until we finished the full course dinner. Hanggang paghatid ko sa bahay nila, wala siyang sinabi. Wala ring makikitang ano mang reaction sa mukha niya. Umpisa pa lang mukhang mahihirapan na kaming magkasundo pa.

.......

Abala ang mga tao ngayon dito sa hacienda dahil naghahanda na sila sa pagdating ni Rhian. Pina renovate ko yung master's suite na may connected na office para doon kami tumuloy na dalawa. Walang alam ang mga tao sa kasunduan namin ni Rhian maliban nalang kina Chynna at kay Tommy. Sabi ni Rhian kailangan niya sabihin sa kuya niya kung hindi, di ito papayag. Sa palagay ko naman that was a bad idea, hindi ko pinagkakatiwalaan ang kuya niya.

"Tsong! So ready kana bang magpatali sa lab lab mo?"

"Huh, saan mo naman nakuha yung lab lab na yan?"

"Uy kunyari pa eh kinikilig ka naman. You're welcome po ha. Ngayon hindi mo na kailangang magisip ng kung ano anong terms of endearment. Bagay ang lablab sa inyo. Yihiiiiiiiiiii!" Natatawa ako sa mga sinasabi ng kaibigan ko. "Oh kinikilig ka nga, nawawala yung mga mata mo sa sobrang saya mo. tsong? Sigurado ka bang this is all for business?"

"Huy wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo. At please wag na wag kang gumanyan kapag nandito na si Rhian. Baka lalo yung mafeel awkward around here and around me."

"Pero tsong seriously, sigurado ka na ba sa ginagawa mo? I mean, kilala kita, when you invest your feelings eh mahirap mo nang mabawi kahit luging lugi kana. I can sense it, gusto mo si Rhian. Hindi mo yun madedeny sakin. Wag mo lang kakalimutan na para sa kanya this is all business. Ayaw lang kitang masaktan tsong!"

"Salamat Chyns. Huwag kang magalala gusto ko tong ginagawa ko."

"Dun nga ako mas nagaalala, na gusto mo yang ginagawa mo!" Biglang nagulat si Chynna at may tinuturo na nasa likuran ko. Pag ikot ko sa direksiyon na tinuturo niya nakita ko si Katrina.

"So totoo pala?" tinignan ko si Chynna. Narinig kaya niya lahat ng pinagusapan namin? Chynna patted my back, a signal na aalis siya para makapagusap kami ni Katrina. "Totoo pala na magpapakasal ka na. Dun ba kay Rhian Howell? Yung anak ng dating may-ari ng haciendang ito? Kailan pa Glaiza? Bakit ang bilis naman yata?"

Mukhang hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Chynna kanina, "Oo Katrina, magpapakasal na ako kay Rhian."

"Sabihin mo sa akin? Is this for business? Sa pagkakaalam ko, kararating lang niya after spending years sa states, bakit bigla na lang kayong magpapakasal? Please tell me this is all for business."

"No Katrina. Pakakasalan ko si Rhian dahil... mahal ko siya," napalunok ako sa huli kong sinabi hindi dahil nagsisinungaling ako, kundi dahil ngayon ko lang nasabi ang matagal ko na palang nararamdaman. "Mahal ko si Rhian, bata pa lang kame alam ko siya na. I'm sorry Katrina sa ganito mo pa nalaman. Wala eh, nung makita ko siya ulit, narealize ko siya lang, siya pa rin ang mahal ko." I cannot believe ngayon pa ako ngcoconfess at kay Katrina pa. Si Rhian dapat ang una kong sinabihan nito. Pero baka lalo yung hindi pumayag sa kasunduan namin kung pinagtapat ko ang nararamdaman ko.

Bigla ko nalang naramdaman ang malakas na sampal ni Katrina sa mukha ko.

"Bakit ginawa mo sakin ito?" Nakita ko umiiyak na si Katrina at nasasaktan na. "How dare you do this to me? After everything I have done for you. Akala ko ako ang pakakasalan mo sa bandang huli, na galit ka lang, na ako pa din ang mahal mo. Ngayon bigla ko na lang maririnig na magpapakasal ka na sa iba?"

"I'm sorry. Matagal na walang tayo. Maliban sa pagmamahal, malaki ang utang na loob ko sa pamilya nina Rhian" pagpapaliwanag ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pagiyak.

"At sa akin hindi ka tatanaw ng utang na loob? Marami rin naman akong nagawa para sa'yo ah? Baka nakakalimutan mo ako ang nagpatuloy sa pagpapaaral sa iyo. Itinuro ko sayo ang pasikot sikot sa pagpapalakad ng negosyo. Tinulungan kitang umunlad ang hacienda. Ipinakilala kita sa buong lipunan. Nang dahil sakin umunlad ka. I made you, damn it!"

"Malaki din ang utang na loob ko sa'yo. Hinding hindi ko makakalimutan yun."

"Then don't do this. Ako.. ako na lang ang pakasalan mo."

Hinawakan ko ang mukha ni Katrina at pinunasan ang mga mata niya.

"Magkaiba tayo Katrina. Hindi tayo para sa isa't isa at higit sa lahat hindi ikaw ang mahal ko. Patawarin mo ko. Patawarin mo ko dahil hindi ako naging mabuting girlfriend sayo dati, napabayaan kita. Nung maghiwalay tayo, dapat noon pa lang pinutol ko na ang lahat ng namamagitan sa atin, maging sa negosyo para hindi kana patuloy na nasasaktan. I think tama lang na putilin na natin ngayon pati ang mga business ties natin. I'm sorry."

"Sinong nagsabi sayo na tatanggapin ko ang sorry mo?" Ang lungkot sa kanyang mukha ay napalitan na ng galit ngayon. "Itong tandaan mo, lahat ng akin ay pinaglalaban ko nang patayan. Hindi ako papayag Glaiza, akin ka! At yung Rhian na yun, sinusumpa ko sayo hinding hindi siya sasaya sa piling mo."

Pilit kong iniintindi na nasasaktan lang siya pero nang marinig ko ang banta niya kay Rhian ay hindi ko na napigilan ang magalit, "Katrina, ilang beses ko bang sasabihin sayo, it's over!"

"Mark my word Glaiza, hindi ka mapupunta sa Rhian Howell na yon, dahil akin ka lang. Akin lang!" bigla siyang tumakbo palabas ng bahay at wala nkong nagawa kundi umupo at huminga ng malalim.  Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Katrina pero pinapangako ko na poprotektahan ko kay Rhian kahit kanino pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon