Glaiza's Plan

111 9 0
                                    

"What? This is insane!"

"I told you so. Interest pa lang ng bangko doon sa mansion, lubog na lubog na sila. Kahit ilang trabaho pa ang pasukan ni Rhian she won't be able to keep their house. Even if they choose to sell it, mahihirapan din sila. Sino ba naman may matinong utak na bibili ng bahay na lubog sa utang?" paliwanag ni Chynna sa akin.

Inaamin ko mula ng makita ko kung gaano kagalit si Rhian sa amin, hindi na maalis alis sa isip ko kung paano ko papatunayan na mali siya. Masakit para sa akin pero mas nasasaktan ako para kay tatay. Mula pa ng bata ako nakita ko na ang loyalty ni tatay kay Sir Victor. Pinagsilbihan niya ito ng buong puso, at kung pinagkatiwalaan man siya nito sa hacienda yun ay dahil karapatdapat siya. Alam ni Rhian yun, bata pa lang siya kilala na niya si tatay. Pero imbes na magalit ako sa lahat nang pinagsasabi ni Rhian, I have this urge of helping her out. More than anything, I owe this to Sir Victor. Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya and by helping Rhian, alam ko magiging masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Kaya sa tulong ni Chynna, pinaimbistiga ko ang financial status nina Rhian. Kasama din nito I've asked Chynna to look after her.

"Nakahanap na ba siya ng trabaho?" tanong ko kay Chynna.

"Oo, assistant art director sa isang advertising agency. I heard na nagustuhan ng art director ang photography niya. She presented a good portfolio, kaya kahit wala pa siyang experience working in an advertising agency eh binigay sa kanya ang posisyon. It pays decent pero kulang na kulang para sa kanya, isama mo pa ang kuya niya na super tamad, as in tambay is his middle name!"

"Paano ko kaya siya matutulungan kung alam ko naman hinding hindi siya tatanggap ng tulong galing sakin. Ikaw kaya mag offer ng tulong sa kanya?"

"Hindi tanga si Rhian no! Nakita niya kaya ako na kasama mo, hindi ka na ba nagiisip Galura?"

"Aaaaaaah. Hindi na nga yata. Sumasakit na ang ulo ko." Bigla na lang may pumasok na ideya sa isip ko. "Chynna...."

"Oh ano?"

"Alam ko sasabihin mo sira na ang ulo ko, pero may naisip akong paraan para matulungan ko siya."

"Kinakabahan ako at parang ayaw ko yatang marinig ang sasabihin mo.. pero ako ang bestfriend mo kaya dapat kong malaman.. para pag super stupid nito masasapok kita.. kaya kahit na kinaka..."

"Chynna! Shhhhhh.. listen to me."

Pagkatapos kong ipaliwanag kay Chynna ang plano ko natulala nalang siya at hindi na nakapagsalita. Iniwan ko nalang siya sa office habang nakatulala sa karimlan. Hindi ko alam kung papayag si Rhian pero I have to risk it. Kailangan niya ito ngayon. Kailangan niya ako ngayon.

.........

Rhian has been occupying my mind lately. Is it just all because of my self-imposed obligation to help her? I admit bata pa lang kami I had a crush on her pero hindi ko naman iniisip na sa pagkikita naming muli eh marerealize ko na maybe that feeling I had for her has never changed. In fact, when I saw her again I can't explain it but all of a sudden I saw the future through her eyes. Mahal ko ba siya? Is that even possible? I have always been a realistic person so the thought of love at first sight, well on our case love at the first sight version 2.0 never cross my mind to be possible. Is this love or just mere obligation?

Sa lagi kong pagiisip kay Rhian nakalimutan ko na tonight na pala ang party ng isang investor ng Galura Farms and Enterprises. I am not in the mood para sa isang party and worse I have to go with Katrina dahil siya ang nagpakilala sakin sa investor na yun. Buti na lang hindi na siya nagpumilit na sunduin ako dito sa hacienda, ime-meet ko nalang siya doon sa venue.

............

Tuwang tuwa si Katrina ng makita niya akong bumaba sa kotse. She is wearing a red coctail dress while I'm wearing a black lace up dress she specifically chose to "complement" her outfit. Hindi nako naki pag argue pa dahil pinagkasunduan namin na this will be the last event we will have to go together.

Lumapit si Katrina sakin at nagsimula na naman uminit ang ulo ko. Just one more night Glaiza, you can do this so pinilit kong ngumiti. Hinila niya ang kamay ko at pumasok na kami sa event.

"We'll have a great night tonight, hon!" simula ni Wila.

As usual, party ito ng mga mayayaman na nagpapatutsada kung ano ang meron sila na wala ang iba. Kunware ay nag-eenjoy na nakikinig sa kwento ng isa't isa pero deep inside iniisip nila kung gaano kayabang ang isa't-isa. Never ako nagka interest sa mga ganito pero ng ipakilala ako ni Katrina sa kanyang mga business partners nung naguumpisa pa lang ang negosyo namin, kinailangan ko sumama sa kanya. Pero ngayong gabi ang gusto ko lang ay umuwi na at magpahinga dahil bukas pupuntahan ko na si Rhian to tell her about my business proposal. Iniisip ko paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang lahat when Katrina interrupted my train of thought.

"Come gusto kang makilala ng mga kaibigan ko they are dying to meet you!" hinila ako ni Katrina papunta sa grupo ng mga socialite friends niya.
"Glaiza I want you to meet my friends. This is Anne, Solenn and Georgina."

"So the news is true after all," sabi nung Solenn. "You got yourself a good catch."

"Of course as always pipili ba ako ng ikahihiya ko?. I always choose someone I can be proud of!" Katrina pulled me closer to her. Her friends are giggling, at hindi ko na mapigilan mainis so I excuse myself out. Kahit noon pa, ganyan na si Katrina. Ginagawa niya akong trophy girlfriend, pinapamukha niya sa lahat na she made me to who I am today. I mean I owe her a lot but not my dignity.

Pinatawag ko na ang driver at hinihintay ko itong dumating ng sundan ako ni Katrina. Sasakay na sana ako ng kotse pagparada nito sa harapan ko ng pigilan niya ako.

"Glaiza wait. Why are you leaving?"

"Pagod na ako Katrina, so hayaan mo na ako please."

"Did I do something? Hon we are just having fun in there. Come on, wag kang pikon."

Pilit ko mang pigilan bigla na lang uminit ang buong katawan ko, para bang lahat ng nararamdaman ko mula pa noon ay gusto ng lumabas sa dibdib ko.

"Ginagawa mo kong laruan!" galit na galit na ako. "Hindi ako isang laruan mo na makintab at magara na kailangan mong ipagparangalan ar ipaginggit sa mga kaibigan mo."

"Ano ka ba it's just for fun, for kicks lang!"

"Just for fun?"

"Yes. I did not mean to often you!"

"Well I was offended! Lagi ka nalang ganyan lagi mo kong pinaparada sa mga kaibigan mo."

"And it work didn't it? Dumami mga kilala mo. Nadagdagan ang mga kliyente natin ang mga kliyente mo. Akala mo ba kung di dahil sa mga plastic parties na ganito eh mabebenta mga kabayo natin? ang mga products ng hacienda mo? hindi! Look. Do you think nagpapaparty ang mga mayayaman at dumadalo ang mga guests is for the simple pleasure of it? Of course not! Business din yun Glaiza. That's where you meet people and meeting people is the core of any business. So if you want to be successful dapat mapansin ka at para mapansin ka kailangan mong pumarada. Kaya wag kang magtampo kapag pinaparada kita dahil iyon ang simula ng tagumpay mo at tagumpay natin." Bigla niya hinawakan ang pisngi ko at akmang hahalikan niya ako ng sinaway ko siya at tinulak papalayo.

"Ano bang problema mo?" mukhang naiinis na din siya sa inaasta ko.

"Pagod na ako Katrina. Pwede ba hayaan mo na akong umuwe? Please!"

Sumakay na ako sa sasakyan pauwi ng hacienda. I cannot let Katrina drain may patience and energy, kailangan ko lahat yun para bukas.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon