1st.

33 1 0
                                    

Ako nga pala si Rhea. Isang HS student.  

May pagka anti-social nga daw ako eh. 

Kasi bahay-school-bahay lang naman ako. 

Medyo boring nga eh.

Pero simula nung naging crush ko si Kent, nagbago ang buhay ko. 

Mas ginanahan ako pumasok sa school, mas naging inspired sa buhay.  

Normal lang naman siguro magkaroon ng crush diba?  

Hindi naman siguro masama humanga sa isang tao.

A/N : Si Rhea yung nasa gilid --->

Si Kent nga pala yung isa sa mga hearthrobs sa school. 

Halata naman kasing hearthrob siya eh.  

Mayaman, matalino,mabait, gwapo, matangkad, magaling sa halos lahat ng sports. 

Package na nga daw siya sabi ng iba.  

Lahat na ng hanap mo sa isang lalaki, nasa kanya na lahat.

Ewan ko nga kung bakit ko 'to naging crush eh. 

Dati naman, yung gusto ko lang yung mga tipong mababait, puro academics lang at konting sports.  

Na gayuma ata ako netong taong to eh.

Naging close lang kami ni Kent dahil sa FB.  

Ewan ko nga kung bakit biglang nagPM sakin to eh. 

E ako naman tong si ateng di uso ang snob. Wala eh, crush ko eh. 

Kung ano ano tinanong sakin. Age ko, birthday, likes, dislikes. 

Anyare kaya dun? Di kaya crush din ako neto?  

Hmm. Maputi naman ko, sakto lang yung height, laging nakangiti. 

Ay nako, feelingera much? Bayaan ko na nga lang, atleast may bago na akong ka chat.

Heartbreak (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon