A/N : Paki play po yung nasa gilid. ^__^
Buong gabi lang ako umiyak.
Iniisip ko lahat ng nangyari.
Bakit ba ngayon ko lang nalaman.
All this time pala, nagpapakatanga lang ako para sa kanya.
Yung guy of my dreams ko, niloloko lang pala ako.
Nawalan na ako ng gana pumasok sa school.
Pero pinilit ko parin.
Ni hindi ko na naiintindihan yung mga lessons.
Hindi ko na namamalayan yung oras.
Wala akong gana kumain o kahit makipag-usap sa mga kaklase ko.
Lumipas ang mga oras, umuwi nalang ako kaagad.
Kumain nalang ako agad ng hapunan ko tska nagkulong sa kwarto ko.
Buong gabi nanaman akong umiyak.
Wala na ako sa sarili ko.
Eto na yung last day ng school namin.
Hindi parin ako makarecover hanggang ngayon.
Lagi nalang akongg tulala at tila walang pakielam sa mga nangyayari sa paligid ko.
Hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
Pinutol ko na yung lahat ng connection ko sa kanya.
Pinilit ko nalang kayanin lahat.
Lahat ng sakit.
Tiniis ko yun.
Tinago ko nalang sa sarili ko lahat.
Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko to.
Malalampasan ko to.
Nagdasal nalang ako at sinabing "Bakit po ganito? Nagmahal lang naman po ako eh. Bakit po sobrang sakit? Lord, pakisabi nalang po sa kanya na, mahal na mahal ko po siya kahit niloko nya lang naman po ako. Tulungan nyo po ako makabangon ulit ha."
Nag promise ako sa sarili ko na hindi na ulit ako magpapakatanga sa isang tao.
Hindi na lang ako iibig ng sobra sobra.
Lesson learned, Rhea. Lesson learned.
Alam ko dahil dito, lalakas ako.
Mas magiging matatag ako.
Muli kong sinabi sa sarili ko.
"Mahal na mahal kita, Kent. Kahit na ang sakit sakit parin hanggang ngayon."
.....
A/N : Thanks po sa mga bumasa. <3 First story ko po to eh. Pasensya na po kung medyo mabilis. :) Comments pls? :) Thankyuuu. <3