3rd.

28 1 1
                                    

Papunta ako nung sa isang convinence store malapit sa subdivision namin..

"Oh, pano Babe? SM tayo?" 

"Sure babe, tara!" 

Teka? Si Kent ba yun?  

Parang hindi naman. 

E bakit parang siya?  

OMG. Siya nga! E sino yung kasama nya? 

Lumapit pa ko dun sa pinagtatambayan nila. 

WHAT!? Si Sam? Magkaano-ano sila ni Sam?  

Tska bakit Babe yung tawag ni Kent dun?

Hindi ko na tinuloy yung pagpunta ko dun sa convinience store, bumalik nalang ako pauwi sa bahay. 

Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang magtaka.  

Bakit sila magkasama nun? Bakit babe yung tawagan nila?  

Sila ba?  

E bakit parang hindi ko naman sila nakikitang magkasama sa school?

Nung araw din na yun, nag PM ako kay Kent. 

Walang paligoy ligoy na tinanong ko si Kent kung sila ba ni Sam. 

"Kent, kayo ba ni Sam?" 

"Ow, yes, bakit?" 

Biglang kumirot yung puso ko dun bigla. All this time, sabi nya MU daw kami tapos nag GF naman pala siya. 

Bakit hindi ko yun alam? Akala ko ba halos lahat nalang ng tungkol sa kanya alam ko?  

"Akala ko ba MU tayo?" 

"AHAHHAHAHA! Naniwala ka naman? Tsk. Di hamak naman na mas maganda si Sam sayo nuh." 

"E bakit sabi mo mahal mo ko?!" 

"Ang slow mo din noh? Siyempre joke ko lang yun. Hindi ko na kasalanan kung bakit naniwala ka naman."

Bigla ko nalang sinarado yung laptop ko at nagtakip ng unan sa mukha. 

Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. 

Naramdaman ko nalang bigla na may tumutulong luha galing sa mga mata ko.

Heartbreak (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon