Chapter 1

49 3 0
                                    

BEFORE YOU START READING MAKE SURE NABASA NIYO 'TO

This story is a work of fiction. Names, characters, locations, and incidents are products of the author's imagination. Any resemblance to actual events or places or persons, living or dead, is coincidental.  

I DON'T KNOW ANYTHING ABOUT POLICE OFFICERS, THEIR RANKS, ON HOW THEY INVESTIGATE, ON HOW THEY HANDLE CASES, THEIR FACILITIES/OFFICES. NAKUHA KO LANG ANG MGA BAGAY NA MABABASA NIYO ABOUT POLICE OFFICERS SA PAG-RE-RESEARCH KO SO KAPAG MAY MALI PO AKONG NAILAGAY ABOUT THEM, I'M SORRY. WALA PO TALAGA AKONG ALAM ABOUT THEM. THIS IS FICTION AND ALSO I'M OPEN TO CRITICAL CRITICISMS.

AND LAST HUWAG NAMAN PONG MAG PLAGIARIZE THANK YOU!

ENJOY READING


ANDREA'S POV

Dadating sa buhay natin 'yung taong alam natin na sa atin na talaga nakatadhana.

Dadating sa buhay natin 'yung oras na magiging masaya tayo sa desisyong pinili natin.

Dadating sa buhay natin ang masasabi mong pinakamasayang araw ng buhay mo.

At para sa'kin, ang lahat ng dadating na yan ay malapit na.

Nawala ako sa pag-iisip nang biglang pumutok ang lobong nilalagyan ko ng hangin. Napangiti na lang ako at nilibot ang tingin sa buong kwarto.

Paul Aguilar my labs, be ready because in one decision your life will change forever.

Tumayo na ako at humarap sa salamin. Napangiti naman ako sa nakita ko. Okay na, ang ganda ganda mo talaga Andrea.

Inayos ko ang buhok ko at konting re-touch na din. Bigla kong narinig ang door bell at bigla na lang akong kinabahan. 

Pumikit muna ako at huminga ng malalim. Andrea, ito na 'yung matagal mo ng pinakahihintay. Hindi ka na pwede mag-back out. Ikaw ang nag-decide nito. Napapikit ako ng mariin. Hindi na ako makapaghintay kaya ako na mismo ang gagawa nito. Ayoko isipin ang sasabihin ng iba basta alam kong masaya ako sa gagawin kong 'to.

Tumakbo ako para isaksak 'yung lights na pumapalibot sa buong kwarto na hiniram ko pa sa kapitbahay namin na palaging punong-puno ng christmas lights ang bahay tuwing pasko at kinuha na 'yung banner ko na isang linggo kong pinaghirapan at may design pang mga flowers saying, "My labs, are you ready to be my hubby?"

Nakakakilig diba?!

Tinitigan ko ang pinto na unti-unting bumubukas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito ba talaga ang nararamdaman kapag mag-p-propose ka? Sobra ba talaga iyong nakakakaba?

Nang tuluyang bumukas ang pinto, kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata niya lalo na noong nakita niya ako.

"Hi my labs!" Bati ko sa kanya at lalong nanlaki ang mata niya. Sobrang bilis pa rin ng pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko, sasabog na ito sa sobrang lakas. Tinitingnan ko lang si Paul at hindi siya nakagalaw sa pwesto niya.

Ang cute talaga ng my labs ko! Siguro sobrang saya niya kaya hindi na siya nakapagsalita pa matapos niyang pumasok ng pinto.

"A-Andrea, may naiwan pala ako sa sasakyan! Sige!" At bigla na lang siyang tumalikod sa'kin at mabilis na sinarado ang pinto.

Ano ba yang si mylabs! Napaupo na lang ako sa kama na may petals of roses pa na hiningi ko sa kamag-anak naming may-ari ng flower shop. Tiningnan ko ang buong paligid. Meron bang hindi maganda? May pangit ba sa design sa kwarto? Para kasi sa akin, perfect na e. Sobrang romantic na. Hay, Andrea. Siguro may naiwan nga lang siya sa kotse niya. Chill lang. Maghintay ka lang.

She Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon