Chapter 3

23 2 0
                                    

"O, saan ka galing?" Bungad sa'kin ni Mama. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Ngayon ko lang naramdaman ang hilo dahil sa dami ng nainom ko. Napatingin ako kay Mama. Alam kong madaling araw na pero hinintay niya pa rin ako. Alam kong nag-aalala siya.

"Ah, wala. Nagcelebrate lang po kami sa bagong kaso na nasolve namin." Pagsisinungaling ko pero alam kong halatang hindi ako galing sa party sa itsura kong parang dinaanan ng bagyo.

"Huwag mo nga akong lokohin Andrea. Bakit ka umiyak?"

Umiling ako at ngumiti ng mapait at tyaka niyakap si Mama. 25 na ako pero para akong batang nagmamaktol. Niyakap ko lang si Mama. Ang sarap talaga sa pakiramdam na may taong alam mo na masasandalan mo sa huli. Kahit kailan, hindi ako nagsinungaling kay Mama at hindi ako naglihim ng kahit ano sa kanya. Ito pa bang kay Paul ang hihindi ko sasabihin?

"Ma, bakit ganun? Ang sakit."

"Si Paul ba?" Lalo akong naiyak ng marinig ang pangalan niya. Kinalas niya ang yakap ko at pinunasan ang mga luha ko. "I knew it from the start! Andrea, you deserve better. You deserve a great man. Trust me, darating din ang taong para sa'yo, okay? Huwag kang magmadali. Let a man chase you."

"Ma, akala ko si Paul na.."

"Pero hindi si Paul so let it be. Matulog ka na. Bukas na natin pag usapan ito. Alam kong kailangan mo ng tulog. Madami na masyadong nangyari sa araw na 'to. You should take a rest." Kumalas si Mama sa yakap ko at pinahidan ang mga luha ko gamit ang kamay niya. She gave me an assuring smile. Hindi ko nakita sa mga ngiting 'yun ang awa. Sa ngiti niyang 'yun, parang sinasabi niya maaayos din ang lahat. I am really blessed to have her as my mother. Dumiretso na ako sa kwarto at ang una kong nakita ay ang picture naming dalawa ni Paul na pina-frame ko pa talaga.

Itutulog ko na lang 'to..

The next day..

"Case closed."

Napahikab ako habang nakatayo dito sa court. Grabe, antok na antok pa ako. Sobrang sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. Unang beses kong malasing ng ganoon ka-grabe sa buong buhay ko. Grabe pala talaga pag gising mo kinabukasan.

Dumaan sa'min 'yung suspect at sunod naman 'yung complainant nila. Hihikab sana ako pero biglang nanlaki ang mata ko ng may isang lalaking kumindat sa'kin na kasama ng complainant. Napakunot ang noo ng makita ko 'yung kaibigan ni Paul.

Nakakunot lang ang noo ko sa kanya habang dumaan siya sa harap ko habang ngiting ngiti pa rin siya sa'kin.

Anong problema ng lalaking 'yun at bakit siya nandito?! Nang-iinis ba siya?!

"Pwede na kayong maglunch." Anunso ko at sumunod naman 'yung team ko.

Lumabas ako at nakita ko 'yung lalaki na kinakausap ang judge kaya hinintay ko siyang matapos. Naglakad siya papunta sa direksyon ko kaya bago pa siya makaliko dito, inunahan ko na siya kaya napaurong siya.

"Whoa! Nanggugulat ka ba?"

"Stalker ka ba?!" Bigla siyang tumawa sa tanong ko. Anong katawa-tawa doon?!

"Nakakatawa ka, Vellon. I'm not aware that you have a sense of humor. I'm a lawyer kaya masanay ka ng makita ang kagwapuhan ko dito."

"Whatever, okay? Bakit ka kumindat?!" Lalo pa siyang tumawa. Hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. I'm serious about my question!

"Gusto ko lang." At kumindat pa ulit siya. "Do you find it seductive?"

"Mister kaibigan ng walang pusong si Paul Aguilar-!"

"I'm Atty. Sean Fajarado. Just call me Sean."

"Eh di Sean. Whoever you are, please. Nakakadiri ang ginagawa mo. Are you here to embarrass yourself in front of me?"

"Wow, quick answer and I like it. Sorry madam my bad." Ngumiti na naman siya. Hindi ko alam kung totoo at sincere ang sorry na 'yun o sarcastic lang 'yun at nang-iinis siya.

"Excuse po, Ma'am Vellon, may bago daw pong case para sa team natin." Singit ni Tykes, ka-department ko.

"Okay, susunod na lang ako." Tumango siya at umalis na. "I need to go."

"Wait, lunch tayo?"

"Narinig mo naman 'yung sinabi ni Tykes dba? Makapaghihintay siguro yang lunch mo. Ge." Naglakad na ako palayo sa kanya.

"Miss Vellon!" Tumingin ako sa kanya ng bigla siyang sumigaw. "Sexy mo sa uniform mo. Wiwit!" Hindi ko alam kung ilang beses kukunot ang noo ko kapag kaharap ko itong kaibigan ni Paul. "May utang ka sa'king lunch! Bye!"

Hindi ko na siya pinansin. Napakawalang hiya talaga. Magsama talaga sila ng Paul Aguilar na 'yun!

Dumiretso na ako sa department ko.

"Ma'am Vellon, our case is about the death of the mayor." Napatigil ako sa sinabi ni Tykes.

"Seriously?" Tumango siya at napangiti ako.

New case huh. Siguro naman mawawala muna sa isip ko si Paul kapag nagfocus ako sa trabaho. This is my passion and I love what I'm doing. 

Instead of dedicating my love for a man, I'll just dedicate it with my work.

-

"You need to work with Atty Fajardo." Nanlaki ang mata ko.

"But sir.."

"No buts. Kailangan niyo siya sa case na 'to. He's one of the best lawyer kaya malaki ang magiging tulong niya sa team niyo."

Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko ng office ni Sir Shawn.

Sa ngayon, nagmomove on na ako kaya ayoko ng kahit sinong related kay Paul at kinamalas malasan pa, ang manyakis na Sean Fajardo na 'yun ay makakatrabaho ko pa. Kung destiny man 'to, bakit parang ang malas naman sa'kin?

"Hi Miss Sexy!" I rolled my eyes at tumawa naman siya. Napakamanyakis talaga.

"Tigilan mo ako."

"Okay, if you're thinking about our partnership, I swear I'll be professional about my work." Sumabay siya sa paglalakad ko.

"Dapat lang Atty Fajardo because you really need to be professional."

"I already have the suspects." Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. Hindi pa nga kami nagsisimula tapos may suspects na agad siya? "We need to go to the crime scene now."

"Magdadala ako ng iba kong ka-team sanda-"

"Don't tell me you can't solve the case just by yourself?"

"Just so you know, we're a team kaya dapat buo kaming magsosolve ng case. Huwag ka ngang mayabang. Tss."

Tumawa lang siya at sumabay na nga sa'king maglakad pero bago kami makapasok ng department, bigla na lang may dumaan sa unahan namin kaya napatigil kami.

"Dude!"

"Dude! Bakit ka nandito?" Tanong ni Fajardo sa magaling niyang kaibigan.

"May kinasuhan lang ako. Ayaw akong tantanan e. O, may kasama-" Tumigil siya ng makita niya ako pero parang mas natigilan siya ng makitang magkasama kami ng magaling niyang kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero sa nakikita ko, hindi niya gusto ang nasa harap niya ngayon.

Huwag kang magpahalatang naaapektuhan ka Andrea. Kaya mo yan.

"Oh. Hi!" Bati ko sa kanya with matching wave pa ng kamay. Ngumiti lang siya sa'kin ng tipid.

Hayop ka. Nginitian mo lang talaga ako huh. Akala mo siguro tapos na ako sa'yo huh.

"Sige dude. Alis na kami. Let's go Andrea." Hinila ni Fajardo ang kamay ko at kusa na akong nagpadala sa kanya.

Kinalma ko ang sarili ko. Letse kang Paul Aguilar ka. Damn you. Makakaganti din ako sa'yo.

She Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon