Chapter 5

16 2 0
                                    

"Easy ka lang, Beb." Nilingon ko siya.

"I thought you're gonna work with me professionally. Well, Atty Fajardo kung biro lang lahat ng 'to sa'yo, I think wala ka ng lugar dito kasi kung ako ang tatanungin mo dito, we don't have time for jokes! Nagtatrabaho ako dito ng maayos at seryoso kaya pwede ba?!"

"Chill! Huwag mong ihalo ang lovelife mo sa trabaho mo at huwag mong ibuhos sa'kin ang galit mo kay Paul." Sabat naman niya.

"Paanong hindi e nakikielam ka na sa buhay ko?!"

"Can we talk na hindi ka nagtataas ng boses? Nagtatrabaho din ako dito Andr-"

"Oh really?" Sarkastiko kong tanong. "Well, if you're going to ask me kung trabaho ang tawag diyan sa ginagawa mo,"

"Andrea, can we just stop this? We're fighting about nonsense things." Sabi niya at umalis na. Huh! Siya pa talaga ang may ganang mag walk out.

Kasabay ng pag walk out niya, biglang dumating si Tykes at sinabing ihahatid niya muna daw ako sa ospital para magamot ang braso ko kaya um-oo naman ako.

Pagkadating sa ospital, nilinis lang ang braso ko at kung ano-ano ang nilagay. Kahit kailan talaga, hindi ko naisipang mag nurse. Baduy!

Pagkatapos, umalis na din kami agad at dumiretso sa prisinto. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin, isang pamilyar na lalaki ang kitang kita ko na kahit nasa malayo pa lang siya.

Nandito na naman siya..

Dumiretso lang ako na parang hindi ko siya nakita pero pagkalagpas ko pa lang, bigla na lang niya ako hinawakan sa braso kaya napatigil ako.

"Tykes, umuna ka na." Tumango lang siya at humarap ako kay Paul ng nakangiti. "What can I do for you Mr. Aguilar? May nagtangka bang pumatay sa'yo?"

"Ha? Wala naman."

"Ay sayang.." Bulong ko pero alam kong rinig na rinig niya.

"Look Andrea. Yung mga nangya-"

"We're in the police station kung alam mo and I'm a police officer so kapag nasa loob ako nito, kailangan kong magtrabaho at hindi makipagkumustahan, so will you let me go?" Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sakin na unti-unting lumawag.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Bago pa siya magsalita, umalis na ako at dumiretso sa loob ng opisina.

May mga napag-usapan lang tungkol sa kaso pero wala ako sa mood para makielam sa case ngayon. Pakiramdam ko lutang na lutang ang utak ko at kung saan saan napadpad. Napapikit na lang ako ng maalala ko si Paul.

"Miss Vellon, if you are not interested about this case you may get out of this room now." Napamulat ako ng makita na lahat ng nasa loob ng room na 'to ay nakatingin sa akin lalo na ang nagsabi noon.

Ilang segundo din sila nakatingin sa'kin. 'Yung iba umiwas ng tingin pero kahit anong gawin kong pagtingin kay Fajardo, hindi pa rin siya natitinag. I hate to give up pero wala talaga ako sa mood ngayon para walang katapusang makipagtitigan sa kanya.

"Excuse me." Lumabas ako ng room na 'yun. Dumiretso ako sa table ko at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok.

"I thought you're gonna work with me professionally." Napabangon ako ng marinig ko yun. Nakatayo sa harap ko si Fajardo and his intimidating eyes are staring at me again. "But what you are doing right now is not considered as working professionally. You are basically applying your personal life to your job and it isn't right."

"Fajardo, huwag ngayon. I'm not in the mood to quarrel with you."

"I'm not here to start a fight. I'm here to-"

"Alam mo naman ang nangyari sa akin dba? Akala mo ba wala lang 'yun? Akala mo ba hindi masakit na ma-reject? Akala mo ba hindi masakit na sa loob ng dalawang taon, hindi ka pala mahal ng taong akala mo makakasama mo na habang buhay?!" Napailing na lang siya at bumuntong hininga na parang napapagod na siyang makipag-usap sa akin. Mabuti naman dahil napapagod na din akong kausapin niya. "And you know what? Huwag mo na lang akong pakielaman para wala kang pinoproblema."

Ngumiti siya sa'kin ng malapad and I find it creepy. I rolled my eyes at umalis na sa opisina tutal tapos na naman ang duty ko.

Habang naglalakad ako sa daan napagmasdan ko 'yung mga makakasalubong ko at bakit ang unfair? May mga magbabarkadang masaya, family na nagbabonding at maraming maraming maraming couples.

Napaisip na naman ako. Ganoon ba talaga ako kahirap na mahalin? 'Yung ako pa talaga yung tatakbuhan? 'Yung ako pa ang kailangang mag-propose at hindi 'yung lalaking mahal ko? 'Yung ako ang i-re-reject? Pero nagpapasalamat pa rin ako na tinanggihan niya agad kesa naman sa mismong kasal niya ako takbuhan. Napabuntong hininga ako. Pero kahit anong mangyari, masakit pa rin sa'kin yung mga sinabi niya, yung mga sinabi niya na hindi ako makapaniwalang naiisip niya.

"Watch it!" Napalingon ako sa lalaking nakabanggaan ko. "Pwede bang?!- Oh it's you." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Sino naman ang lalaking 'to? Hindi talaga familiar ang mukha niya.

"Looks like hindi na kita kailangang hanapin. You're still gorgeous." Ngumiti siya sa'kin. Hindi ko alam kung trip lang ba ako ng lalaking 'to o totoo ang mga sinasabi niya o isa siya sa mga budol budol gang.

"Kilala ba kita?" Nanlaki ang mata niya pero agad naman siyang bumawi at tinago ang pagkagulat niya.

Lalapit sana siya sa'kin pero biglang may lalaking tumakbo sa pagitan namin at nakita ko na lang na sumigaw yung lalaking kausap ko habang hinahabol 'yung lalaki. Nakatitig lang ako sa kanila pero ng na-realize kong magnanakaw pala yung lalaki, agad agad akong humabol sa kanila.

"Tigil!" Sigaw ko habang hinahabol yung magnanakaw. Naunahan ko pa yung lalaking kausap ko kanina at mas binilisan pa ang pagtakbo. "Tumigil ka!" Lumingon 'yung magnanakaw at muntik na siyang madapa kaya naging advantage 'yun para mas mapalapit ako. Nang matantya kong kaya na siyang abutin ng distance ko, tumalon ako sa kanya dahilan para bumagsak siya padapa sa lupa. "You can't get away from me." I smirked at tyaka pinosasan siya. Kinuha ko yung phone na ninakaw niya at natanaw ko na tumatakbo pa lamang papunta dito 'yung lalaki.

"What the hell? You're so fast." Komento niya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa tuhod niya at mukhang sobrang nahingal sa konting pagtakbo niya.

"I'll take that as a compliment, mister. Here's your phone." Hinagis ko 'yun sa kanya at agad niya namang nasalo. Aalis na sana ako dahil nakita kong papunta na dito ang ibang pulis na naka-assign sa lugar na 'to ng bigla niya akong hatakin papunta sa kanya.

"Are you leaving?"

"I need to attend to some important matters." Tumango lamang siya sa sinabi ko. Aalis na sana ako pero inabot niya sa'kin ang phone niya.

"Can I get your number? Please? I want to know you more and oh by the way, I'm Andrei. I'm the annoying guy in the bar last time you went there." Tinitigan ko ang mukha niya at napakunot ang noo ko ng unti unti kong naaalala ang lalaking nasa harap ko.

"Mabuti naman alam mong annoying ka." Tumawa siya sa sinabi ko na isa lang namang katotohanan. "Oh well, mahirap talaga kapag ganito yung itsura no?" I grabbed his phone and typed my number. Nakangiti niyang kukuhanin sana ang phone niya pero kinuha ko ulit iyon.

"Why? May probl-"

"Unang una sa lahat, huwag mo akong itetext kapag bored ka lang, next thing kung pampalipas oras lang ako, sunod kapag may gusto kang sabihin na hindi mo naman kayang tuparin at kung hindi mo ako kayang panindigan!" Nakakunot ang noo niya pero unti unti ring kumurba ang labi niya at tumawa siya sa harap ko.

"Hindi kita binuntis. Kinuha ko lang number mo." Natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya. "Well, I get it. It's because of that Paul Aguilar." Bigla niyang kinuha sa kamay ko ang phone niya at nakangiting may pinindot doon.

"Forget about that night. Anyways, I need to go."

"I will walk you home!" Nakataas pang kamay niyang sabi pero umiling ako.

"Huwag na. Baka kung ano pang mangyari sa'yo sa daan. Abala ka pa sa'kin." Ngumisi ako sa kanya at iniwan siya doon.

She Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon