Chapter 6

13 2 0
                                    

Pagkatapos kong magbihis, naglagay lang ako ng konting foundation and lastly, a red lipstick will do.

Hindi ko tinatali ang buhok ko at hinahayaang bumagsak ito kahit na palagi na lang akong nasisita sa opisina.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko pero agad akong nagulat sa mukhang tumambad sa harap ko kaya agad kong sinarhan iyon. Okay Andrea, breathe. Wala lang ito. Hayaan mo na muna. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

"I'm sorry Andrea." Rinig kong sabi niya mula sa labas. Inayos ko ang buhok ko, tumingin ng saglit sa salamin at tyaka binuksan ang pinto ng dahan-dahan. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko agad ang mukha niya. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya.

"Oh, good morning! By the way, who gave you the right to enter my house?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Your mom?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Paul. Ano namang naisip ni Mama at pinapasok niya dito si Paul?!

Lumabas ako ng kwarto at tyaka sinaraduhan ang pinto. Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.

"I just need to talk to you." Rinig kong sabi niya pero binalewala ko iyon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko kapag kaharap ko siya. Hinda ba dapat nagagalit ako sa kanya ngayon?

"Bakit ka nandito? Gusto mo ba kumain?"

"Andrea, please just let me explain my side."

Pumunta ako sa kitchen at nagpanggap na abala sa paghahanap ng pagkain o kung ano man ang mahanap ko dito. Naglakad lakad pa ako at ramdam ko pa rin ang pagsunod  niya sa'kin.

"Yung mga nasabi ko.." Ayoko ng pakinggan 'yun kaya agad kong pinutol ang dapat na sasabihin niya.

"Nasaan na ba si Mommy? Hay nako, gutom na ako." Kunyaring reklamo ko.

Ayokong tingnan siya. Ayokong lingunin siya. Ayokong makita siya dahil alam kong kapag ginawa ko yun, I will give in. Alam kong mabilis ko siyang mapapatawad. Wala na akong natirang pride para sa sarili ko at ayoko namang maging tanga na. Tama na ang nangyari noong gabing iyon.

"Andrea, look at me."

"Hindi man lang siya nagpasabi. Hay, si Mommy talaga."

"Kausapin mo naman ako."

"Dapat nagbilin naman muna siya bago siya umalis."

"Pansinin mo ako. Andrea, look at me."

"Kastress-"

"For once, pwede bang pakinggan mo ako? Pwede bang ako naman muna? Pwede bang hayaan mong magpaliwanag ako? Pwede bang sa pagkakataong 'to, intindihin mo naman ako? Buong relasyon natin, kahit kailan hindi mo ako inintindi. Kahit kailan hindi mo ako pinakinggan dahil nangingibabaw diyan sa utak mo ang mga bagay ng gusto mong paniwalaan pero wala namang katotohanan!"

Nang sinabi niya yun, hinarap ko siya. Tiningnan ko siya sa mata at iyon ang hindi ko dapat ginawa. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. 

"Paul, ako pa ba ang may kasalanan? Ako pa ba ang may kasalanan?! Diba ikaw nga ang umayaw! Diba ikaw nga ang gustong tumakas. Diba ikaw 'yung nagsabi sa'kin na kaya mo lang ako pinatulan dahil akala mo wild ako? Hindi naman kita pinilit dba? Kaya pwede bang-"

"Andrea, I love you." Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko. "Mahal kita." Unti unti siyang lumapit sa'kin. Pinikit ko nlang ang mga mata ko sa pwedeng mangyari.


"Andrea Vellon, gumising ka na!" Napabangon ako sa sigaw na iyon at tyaka ko nakita ang paligid ko. Nasa opisina na ako at ang walang hiyang sumigaw sa'kin ay walang iba kung hindi si Fajardo. Tiningnan ko agad siya ng masama habang natatawa siyang nakatingin sa'kin.

She Got Me TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon