This is How I live

4 1 0
                                    

| Sora's Paranoma |

Binuksan ni Sora ang faucet sa shower at itinapat ang sarili sa tubig. Naghalo ang kulay ng tubig at dugo. Nilinis ni Sora ang sarili sa shower. Pagkatapos ay lumabas ang binata sa shower na nakapantalon lang ang pangibaba at wala sa taas kundi ang maliit na twalya na nakasampay lang sa kanyang matikas na balikat.

Kinuha niya ang isang malamig na mineral water, ininom at lumabas ng kwarto. Bumaba ito sa hall at pumunta sa likuran ng bahay at pumunta ng garahe. Doon niya nilinis ang kanyang mga kagamitan. Isang katana, isang pistol na may silencer, at pitong dagger.

"Soracchi!" Napahinga ng malalim si Sora sa nickname ni tinawag sa kanya at pinagpatuloy lang paglilinis.

"Thaposh nah namwen! Malinish ash evah!" Sabi ng isang lalaki na may headband na reindeer habang kumakain ng donut na bili sa J.Co.

"Grabe ka Soracchi! Ginawa mong gulaman yung mga lamang loob nun ah.. Ah! Ah! Brain freeze! Ahhh!" sabi ng isang babae na naka headband naman ng pang elf at may iniinom na slurpee. Inuntog untog nito ang sarili sa pader. Naibuga naman ng lalaki ang kinakain niyang donut sa gilid at medyo nabilaukan. Pokerface na inabutan ni Sora ang kaibigang nabilaukan ng tubig. Dalidali ininom at nakahinga ng maluwag at pinagpatuloy ang pagtawa.

Natapos si Sora sa ginagawang paglilinis ng mga gamit. Sinundan siya ng kaibigan niya sa loob at tumambay sila sa magulong sala.

"Pero real talk Sora" sabi ng kanyang kaibiga. Tinatawag lang siya ng pangalan niya pagseriyoso ito, pag may kasama nang apilyido it's time to get drop dead serious. Hinarap ni Sora ang kaibigan "Kelan mo na ba titigilan yang trabaho mo?" Tanong nito.

"Oo nga Sora. Kami nga nakasurvive na kami sa 3 months habitual sickness eh, totally over with it. Ikaw na lang" sabi ng babaeng kaibigan. Sora just shrugged his shoulders.

"Guys alam niyo naman na This is How I live, hindi ko pwede baguhin ang pamumuhay ko na basta basta na lang. At isa pa, mahirap baguhin ang pamumuhay ng isang killer" sabi ni Sora. Napabuntong hininga na lang ang dalawa.

"Hay Sora, sana may dumating na tao sa buhay mo na tutulong makapagpabago ng buhay mo. Di kasi bagay sayo eh.." sabi ng babae at tinapik-tapik ang balikat ni Sora.

"Anong hindi bagay?" Nagtatakang tanong ni Sora.

"Mukha mo! Ang pogi mo kasi para diyan eh. Dapat model ka ng bench o penshoppe eh!" Sabi ng lalaki niyang kaibigan.

"Nabubuang ka na ba Hikaru?! Gusto mong mahuli ako? Saan ba nagpunta isip mo ah? Kalawakan?" Tapos binatuhan ni Sora ng coke in can si Hikaru na naharangan ng tropillow.

"Kasi naman eh, I'm sure kukuyugin ka bukas ng grupo niyan Sora" pagbabanta ng kaibigan niyang babae.

"Wala akong pake Hikari" madiin na sabi ni Sora.

"Pabebe!" Sabay na sigaw ng kambal at nagtawanan kasama ang pagbato ng popcorn kay Sora.

("How I wish that I'll meet that person this twin are saying to me")




Yow chingus *fist bumps.. yeah..*!!:))

Yup. Maikli lang ito. Pero gets niyo naman di ba? Ahehehe.. Labyu chingus. Thanks for reading ah?

HeolAris~

In That HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon