#1

10 0 0
                                    

Cookie's POV

AHHHHHHH!!!GISIIING NA!!!!

"EMEGED!!!!"

"Ahhhhh!!! ANO BA COOKIE?BAT KA NASIGAW?"

napatayo si Tiffany na katabi ko matulog.

"Bespren ano kaba? diba ngayon na babalik sa Academy ang "THE ALPHABET"? EMEGED!!!!BABALIK NA SILA SA BLUE ACADEMY!!!!"grabe sobrang hyper ko ngayon.

"talaga?babalik na si Lewis A? ang pinakaiirog kong si A? OHMYGOD! I THINK I HAVE ATTACK AAHHHH~~~"

kinanta pa talaga?

parang ako din naman. maaatake na ata ako.

one week matapos ang 1st day. Babalik na daw sa Academy ang The Alphabet. Babalik na sa school sina A,B,X,D,E!!!!KYAAAAA NAKAKAMISS SILA!!

IHHHHH!!

kinikilig ako O////O

pano ba naman nandoon ang crush namin ni espren kong si Tiffany..siya si A...ako si B..ahhh~~

napakanta tuloy kami ng..

"A,B,X,D,E,F,G bumalik na ang the alphabet...AHHHHHH KINIKILIG AKO" pareho naming sigaw.

"mauuna na ako sa banyo~~"binato ko siya ng unan at tumakbo na papunta ng banyo.

ayokong maunahan noh. marami akong preparasyon para sa araw na to...

---

"grabe dapat sa school ka na kang nagwiwisik ng mga alkohol sa katawa mo Cookie...sasakay pa tayo ng jeep, mas mangingibabaw ang amoy polusyon sa yo niyan bahala ka." iritang sabi nitong kutong lupa na to.habang pinapagpag ang damit ko.

"ano kaba okay lang yan. malay mo naman kasi oh..bigla natin silang makasalubong at least prepared..I am ready."

"tss.ikaw talaga... tara na nga ayan na ang jeep."

Nga pala I forgetlalu to introduce myself..ako nga pala si Cookie Jam Casscada. (weird ng pangalan ko no? wala eh.) nasa 5th year na kami ngayon ni Tiffany, Section B (di pa pumasok sa section nila B na Section A. (=3=') sayang)

Si Tiffany Samonte naman na espren ko simula noong bata pa kami, taga probinsya kami at magkapitbahay kami doon pero lumipat kami ng Maynila para pumasok sa Blue Academy..hindi kami ganoon kayaman kaya kailangan na naming humanap ng part time job, baka hindi na kami umabot graduation..tsk..hindi ako makakapag concentrate sa Alphabet nito..

"uy bakla tara baba na, sakay tayo tryke.."

"ano ba yan..losyang na ako niyan eh..kasi naman si B di man ako sinundo, kainis tuloy.nasira beauty ko."

"meron ba?"

"sama mo..tara na nga."

Nga pala kanina ko pa kinukwento ang The Alphabet..oh siya sasabihin ko na..5 silang magkakaibigan, apat na lalaki at isang babae.

kaya sila tinawag na "The Alphabet" ay dahil sa mga pangalan nila...

si "Lewis A. Atkinson"...siya si A...halata naman..siya ang kinababaliwan ni Tiffany, basketball player na may nagbabalik na markang Heartbreaker/Playboy. Ewan ko ba bakit hindi yon alam ng mga babaeng nakakandarapa sa kanya, tanga ba sila oh ano?

Buti yung crush ko hindi ganyan..hihi..KINIKILIG NAMAN SI AKO!!

Si B Daniel Frost, siya..siya...siya ang crush ko matagal na simula nung 1st year August 23..hahaha diba kabisado ko pa?

Siya ang pinaka leader nila, siya lagi ang sinusunod, kahit na ganyan minsan minsan sina A at ang iba pang Alphabet na may ginagawang mali. Sa kanya lang sila nakikinig. Kaya nga bet ko yan eh. Basketball player at chess player siya at nagbabalik na siya, mukhang sa kanya na naman ang trono ng Chess Master.

One Year Contract With The "Alphabet"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon