FF#7- Barbie Cue

173 7 5
                                    


"Ano ba naman 'tong kuwartong 'to walang heater?" Nanggigigil na bulalas ni Barbie nang kahit nasa loob na siya ng hotel room sa Baguio ay nanunuot parin sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan ang lamig.

"Sorry for the inconvenience, Ma'am. Inaayos pa po kasi ang heater namin." Magalang na sagot ng bell boy na nakasunod pala sa kanya.

Hindi niya pinansin ang lalaki sa halip ay kinuha niya ang traveling bag mula dito at inumpisahang ilabas ng mga gamit. Walang imik na umalis na lamang din ito. Mas mabuti na iyong gano'ng walang imikan kaysa maibulalas niya pa ang kanina pa niya gustong sabihin. Sa itsura kasi ng hotel na tinutuluyan niya ay mukhang isang anay nalang ang hindi nakakapirma at tuluyan na iyong mawawasak. Kung hindi nga lang peek season ay baka nakakuha siya ng magandang matutuluyan. At kung hindi lang din sa mga guess na nakita niyang tumuloy kanina sa hotel ay nuncang do'n siya pupunta. Ang weird pa ng pangalan ng hotel. Braai? Ano kayang ibig sabihin no'n?

Dahil sa dami ng kanyang mga alalahanin at sa pagod na rin sa biyahe ay hindi namalayan ni Barbie na nakatulog pala siya. Nagising lamang siya ng may kumatok. Agad siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Komportable na po ba kayo, Ma'am?" Nakangiting bungad sa kanya ng isang lalaki na sa tingin niya ay siyang manager ng hotel.

Parang doon niya lamang napansin na bahagyang umiinit ang kanyang silid. Bagaman at kulang pa rin. At dahil nando'n na rin lang ang manager ay sinamantala niya na iyon para magreklamo.

"Komportable, pero mas magiging komportable pa kung lalakasan niyo pa heater." Nakangisi niyang tugon.

Magalang naman itong nagpaalam at siya naman ay muling bumalik na sa loob. Di nagtagal at unti-unting uminit pa ang paligid. Ang sarap sa pakiramdam! Nakangiting muli siyang nahiga at natulog. Pero muli ay nagising na naman siya nang nakaramdam ng labis na init.

Bumangon siya mula sa kama. Gamunggo na ang pawis niya! Sumobra naman ata ang init! Nang 'di na talaga siya makatiis ay bumaba na siya sa kama para lumabas. Pero agad din siyang napabalik ng maramdaman ng hubad niyang mga paa ang sahig. Nakakapaso!

Napasiksik siya sa headboard ng kama. Pero ng dahil sa kakaatras niya ay nasagi niya ang dingding na naging dahilan para malapnos ang kanyang balat sa braso dahil sa sobrang init ng bahaging iyon. Napahiyaw siya sa sobrang sakit. Siya namang pagpasok ng manager ng hotel.

"Kumusta po, Ma'am kulang parin po ba ang init? Hindi pa rin po ba kayo komportable?" May sa demonyo ang ngising nakaguhit sa mga labi nito.

Iyon ang mga katagang huli niyang narinig bago tuluyang sumuko ang kanyang lakas. Hindi niya na tuloy nasaksihan ang pag-uunahan ng mga guess na makalapit sa kanya at isa-isang kumurot sa malutong at mamula-mula niya balat.

Nakangising iniwan naman ng manager ang kanyang mga guess para pagpiyestahan ang babaeng reklamador na si Barbie no'n na naging Barbie cue na ngayon.

Wakas... 

YSSF 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon