Prologue

49 0 0
                                    

Who should be?

Ang bilis ng panahon. Dati magkasama lang kayo. Dati ang saya-saya niyo pa. Ang sweet niyo pa na kulang nalang ay langgamin kayo.

Nang sa isang iglap nawala lahat iyon ng hindi mo alam ang dahilan. Pero may dumating.

Sa mundong ito, may mga taong kontento na sa kung ano mang meron siya. May iba naman na gustong mas higit pa. Meron ring walang pakealam sa buhay. Yung iba masaya na sa pamilya nila. Yung iba masaya na sa 'the one' niya. Meron ring malungkot dahil heartbroken. May mga taong sinuswerte rin. At isa na ako doon.

Bago ko maranasan ang buhay dito sa mundong ito, syempre isinilang muna ako ng nanay ko. Hanggang sa lumaki ako. At eto, college na ako. Ang bilis ng panahon. Dati inaalagaan lang ako ng nanay ko. Hinahatid sa school hanggang uwian. kasamang nageenroll sa bagong school. Kasamang tatayo sa harap ng mga estudyante at isasabit ang medal na pinaghirapan mo. At ngayon, ako nalang magisang nageenroll. Medyo tumanda na kasi ung nanay ko. Hindi na niya kaya. Kung dati siya ang nagaalaga sa akin noong baby ako, ngayon ako naman ang magaalaga sa nanay ko ngayong matanda na siya. Para fair.

Magfifirst year college palang ako. Kaya hindi ko alam kung ano meron diyan. Basta may matutunan at makapagtapos ng kolehiyo, okey na.

Si tatay? Nasa langit na, binabantayan kami... Car accident.

Kaya kaming dalawa nalang ni nanay. Ay hindi, kami-kami nalang ng mga maids namin.

Kumakain lang kami ngayon ng dinner namin. At, hindi naman sa pagmamayabang ha, kasi medyo mayaman rin kami. May business si tatay na ipinasa kay nanay. Malaki-laki rin itong bahay namin. Simple lang naman ito. May sarili rin akong bedroom.

Meron ring mga stuff toys sa kwarto ko. Mahilig rin ako sa mga pets katulad ng aso at pusa. Sila lang naman kasi ang matatawag kong pets, eh.

Kahit naman hindi kami ganito kayaman, masaya na ako dahil nandito naman si nanay. Pero mas sasaya pa sana ako kung nandito pa si tatay...

Pagkatapos naming kumain, dumeresto na ako sa kwarto ko.

Pero saglit lang, pray muna tayo :) In the name..................
............
......
...
......
............
..................amen!

Tomorrow will be a new start again!

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

******************************

Hey guys!

Sana po magustuhan niyo itong bago kong story na 'Who should be?'

Actually, tungkol po ito sa kanyang buhay. May mga tungkol rin po sa lovelife niya. Tungkol rin po sa title on it's own.

Anyway, before you proceed.

Vote. Comment.

Lab yah.

lyn_cary29

Who Should Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon