Chapter 5

13 0 0
                                    

~Caine's POV

"Hey Caine! Wake up! Ano bayan! Tulog mantika ka parin hanggang ngayon!" Sigaw ng isang matinis na boses habang tumatalon sa kama ko.

"Ano ba... Cindy. 6 o'clock palang naman e.. Saturday naman ngayon..." Sabi ko habang nakatingin sa alarm clock. Ang sarap ng tulog ko tapos manggugulo pa siya. Paano nga ba ito nakapasok e nakalock naman ito kagabi.

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya habang bumabangon.

"Binigay kasi sa akin ni Tita Faye yung spare key sa kwarto mo. Sabi niya kasi gisingin na raw kita. Di ka raw magigising sa katok lang." Paliwanag niya.

"Bakit niyo ako ginigising?" Tanong ko sa kaniya habang nagliligpit sa kama.

"Sabi niya kasi may pupuntahan daw tayo. Ocean park nga ba daw?" Sagot naman niya sa akin.

Nang marinig ko ang Ocean Park. Agad akong naexcite. Syempre dalawang beses palang ako nakakapunta doon. Ang ganda rin doon kaya gusto ko ulit pumunta!

"O, ano pang tinutunganga mo diyan? Magprepare ka na para makaalis na tayo ng maaga! Dali na friend excited na nga ako e!" Sigaw niya da akin.

"Opo." At pumunta na ako sa cr para maligo.

Tss. Kakalipat lang ni Cindy dito ganyan na siya. Pero ok lang naman. Babalik na nga rin siya sa bahay nila e pagnatapos ang bakasyon.

Nagmadali nalang akong naligo. Nagbihis na rin ako. Plain white dress na sleeveless at nagwhite sandals nalang ako. Maliit lang yung heels para makalakad ako ng maayos. Hinayaan ko nalang na nakalugay yung buhok ko. Nagdala rin ako ng camera para mapicture ko yung mga isda hehe.

Pagkalabas ko ay bumukas na rin yung pinto sa may guest room. Lumabas doon si Cindy. Naka red dress siya na para bang nagfafade at nagiging white kapag titingin ka diresto sa may bandang skirt. Naka red sandals siya at kagaya ko maikli lang rin yung heels niya. Nakalugay yung buhok niya. She looks pretty.

"Wow friend ganda mo a!" Puri sa akin ni Cindy.

"Masmaganda ka.." Sabi ko naman.

Pagbaba namin nakita ko si nanay na nakalugay tapos nakablue siya na dress. Yung para bang pang summer yung style. Pero plain na blue yung sa kanya. Nakasandals lang rin siya. Andoon siya sa may tapat ng pinto. Para bang may iniisip.

Hinayaan na muna namin siya at dumiresto sa kusina para magbreakfast.

Agad namang hinanda nung mga maids yung mga pagkain.

Ng matapos ay agad naming kinuha yung mga gamit namin at dumiresto sa labas.

"Nay, ok ka lang?"

"Tita, ayos ka lang?"

Sabay naming tanong ni Cindy habang papalapit kay nanay.

"Oo, ayos lang ako. May iniisip lang ako. O, ano? Tara na para hindi masayang yung oras natin." Masayang sabi ni nanay pero nakaguhit sa muhka niya ang lungkot.

Nagtinginan lang kami ni Cindy at pumasok na sa kotse namin. Nandoon na rin yung driver.

Habang nasa byahe, maingay. Tsk, daldal kasi nitong si Cindy eh. Kwento ng kwento. Hanggang sa marinig ko yung pangalan ni..

"Hahaha!!! Alam mo ba si Brix? Haynako girl! Wasak sa pagibig yun hahaha! Ay, di ko paba nababanggit sayo? Magpinsan sila ni Jacob. Kaya mo siya nakita sa bahay nila. Parang doon na rin siya nakatira." sabi sa akin ni Cindy.

Ah, kaya pala.

Dalawang oras na ang nakalipas. Hanggang ngayon di parin tumitigil si Cindy sa kakadaldal niya. Minsan na memention niya si Brix pero di naman sa kanya yung topic. Parang extra lang.

Who Should Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon