2

60 3 0
                                    

Trixie De Luna 's POV

Tahimik akong nakaupo sa sulok na parte ng classroom habang nakatitig nang diretso sa ballpen at notebook na nasa mesa ko.

Mayroon kami ngayong activity sa Values education tungkol sa Decision making. Nasa pang limang tanong na ako.

'Alin sa lahat ng naging desisyon mo ang pinaka pinagsisihan mo?.'

Kung tutuosin, napakasimple lang ng tanong na 'to.. Ang mahirap lang, ay ang alalahanin ang sagot.

Mariin akong pumikit at tumingala para pigilan ang mga mata ko na lumuha.

Ibinaba ko ang lebel ng ulo ko at pinakalma ang sarili.

Muli akong napaluha..

'Ang hayaan siyang mawala sa akin dahil sa ginawa ko.'

Lalo akong naiyak sa mga naisulat ko.. Masyado naman yatang nananadya ang tanong na to?.

Napuno ng luha ang pangalawang pahina ng sinasagutan ko kaya pinilas ko ito at muling sinagutan ang ika-limang tanong.

'Ang desisyon na mawala sa tabi niya bago siya umalis.'

Natapos ang lahat doon.

Pinasa ko ang notebook ko.

Tumungo ako at pinunasan ang luha ko.

"Goodbye, class." paalam ni Mam Lara atsaka lumabas ng classroom.

Tinalian ko ang buhok ko at nagsimulang ligpitin ang mga gamit ko.

"Nagsisisi ka sa mga nagawa mo, diba?." biglang tanong ni Irene na nakaupo sa tabi ko.

Tumingala ako at tinignan siya.

"Siyempre nagsisisi ako, alam mo yan.." sagot ko.

"Kung nagsisisi ka, bakit hindi mo sinolusyonan?.. Bakit hinayaan mo lang siyang umalis nang hindi mo sinasabi sa kanya yung gusto niyang marinig?."

"Irene, alam mo naman na kasalanan ko na hayaan siyang umalis nang di ko sinabi sa kanya.. Pero sinubukan kong ayusin. Paulit ulit ko siyang kinakausap at paulit ulit niya rin akong nireject."

***

'Notebook' basa ko sa pangalan ng account na bigla na lang nag-add sa akin sa facebook.

Tinignan ko ang account pero walang kahit na anong post bukod sa profile picture na gamit ng account na yun.

Umayos ako ng upo at inilapit ang mata sa screen ng monitor..

'Notebook changed his profile picture'

Lalake?..

Mas nabigla ako nang makita ko ang gamit na profile picture ng account na yun.

Litrato ito ng pahina ng notebook ko kung saan ko sinagutan ang ika-limang tanong.. Nabigla ako dahil nakafocus ang linaw ng litrato sa isinagot ko sa tanong kanina.

Nagmessage ang account.

[Hi.. :)]

"Lalake ka?.."

[Oo..]

[Wala namang magandang maidudulot kung magpapanggap akong babae.. Magagalit ka lang.]

"Sino ka ba?."

'seen'

"Bakit nasayo ang notebook ko?.."

[Class adviser ko si Mam Lara, section three.. Naiwan niya yung mga notebook na dala niya kanina sa classroom namin.]

Scarred [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon