5

30 3 0
                                    

Trixie De Luna's POV

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at tumitig diretso sa bago kong mukha.

Ngumisi ako. Ito ang silbi ng pagpunta mo sa bahay ko noon.. Para mamatay at bigyan ako ng bagong anyo.

Normal na sa akin ang mag iba iba ng mukha sa tulong ni Larry -- isang dermatologist na binabayaran ko ng malaking halaga para baguhin ang mukha ko kada matatapos ako sa isang lalake.

Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na magiging madali sa nanay ko na mahanap pa ako dahil ibang pangalan na ang gamit ko.

Lumabas ako at naglakad patungo sa hagdan para pumunta sa classroom ko.. Nandito ako ngayon sa eskwelahan ni Stephanie.

Habang nasa hallway ako ng ground floor ay napatigil ako nang makarinig ako ng isang lalakeng umiiyak.

Hinanap ko ang pingangagalingan ng hikbi niya at nalaman ko na lang ay naglalakad na ako palapit sa dulo ng hallway kung saan may nakaharang na railings.

Itinukod ko ang dalawa kong kamay dito at dumungaw para hanapin ang lalake.

Nakita ko siyang nakaupo sa damuhan at nakasandal sa pader ng building ng school.

"Ayos ka lang?." bigla kong tanong kaya't napalingon siya sa akin.

Tumango tango siya.

"Broken hearted lang naman ako. Niloko lang naman, atsaka iniwan.. Kaya ayos lang talaga ako." natatawa niyang sabi habang pinapahid ang mga luha.

Bahagya akong natawa sa mga sinabi niya.

Itinukod ko nang maayos ang kamay ko sa railings at tumalon papunta sa labas. Maayos na sana akong makakatayo nang bigla na lang akong mawalan ng balanse at matumba sa lupa kasama ng isang folder na kanina ko pa hawak at naglalaman ng mga personal na dokumento ni Stephanie.

Inalalayan niya akong tumayo atsaka kinuha ang mga papel na nagkalat sa lupa.

"Stephanie Alonzo." wika niya habang nakatitig sa birth certificate ni Stephanie.

"Steph na lang." nakangiti kong sabi.

"Michael." inilahad niya ang kamay niya para makipag kamay.

"Hi, Michael." masaya kong tugon atsaka hinawakan ang kamay niya.

Matamis akong ngumiti habang tinititigan ang susunod na lalakeng mamamatay sa mga palad ko.

"Makakamove on ka rin. Tutulungan kita."

Malungkot siyang ngumiti atsaka yumakap sa akin.

Inilapat ko ang mga braso ko mula sa beywang niya hanggang sa likod niya at hinawak ang kanan kong kamay sa batok niya.

Napaisip ako nang matitigan ko ang kuko ng hinlalaki ko.. Bahagya ko itong ibinaon sa batok niya.

Malambot ang mga balat niya.. Madaling sugatan.

Habang yakap ko si Michael ay napatingin ako sa isang lalake na naglalakad sa hallway. Tinitigan niya ako at nginitian.

Hindi na ako makapaghintay na dagdagan sila ulit.. Nginitian ko siya .. ng dalawa.

Scarred [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon