"F*CK! Hindi ko kaya talaga!" Ang hitsura ni Bearlan ay parang diring-diri sa tubig ng dagat. Kahit ang mabasa ang paa niya ay hindi niya kaya.
"Kaya mo! Pilitin mo! Tubig lang 'yan!" pampalakas loob ni Tiffany.
Subalit sunod-sunod ang naging iling ni Bearlan. Pinagpawisan na rin ito nang malapot. "No! I can't! Darn it!"
"Kaya mo sabi!" pagpipilit ni Tiffany.
"Huwag mong pilitin baka lalong tumindi ang phobia ni Bearlan, Tiffany," nga lang ay awat ni Rick sa kanya na nanonood sa kanila.
Lumupaypay ang mga balikat ni Tiffany. "Sige na nga, tama na muna. Kahit na wala man lang nangyari na naman sa araw na ito kundi ang ma-sun burn tayo. Tss!"
"Sorry, I'll just try again tomorrow," nahihiyang saad ni Bearlan. Pinupunas nito ang pawis sa noo.
"Pero bakit no'ng akala mong lalanguyin ko ang dagat, eh, nakalusong ka naman sa tubig? Bakit ngayon kahit mabasa ka lang ay ayaw mo na?"
"Nabigla siguro ako noon kaya hindi ko namalayan. Sa sobrang pag-alala ko siguro sa 'yo."
Nag-pout ng labi ni Tiffany. Pero deep inside ay kinilig siya ng konti. May ganern? Naks!
Pinigil niya ang kilig. Tinapik niya si Bearlan sa balikat na parang wala lang. Pagpapakita rin niya na sige tama na muna. Nga lang ay paano kaya niya ito matuturuan kung ganito na lang sila palagi?
Napapakamot-batok na lang siya. May magagawa ba siya? Nganga.
KINABUKASAN ay malakas na malakas ang tiwala sa sarili ni Tiffany na mapapalusong na niya ngayong araw si Bearlan. Nagdasal pa nga siya kagabi. Nais naman niyang tulungan ang binata na ma-overcome nito ang phobia.
Pagkagising niya agad niyang inayos ang sarili niya saka pumasok sa kuwarto nina Rick at Bearlan. 'Yong kumot ni Bearlan ang hinila niya.
"Wake up na!" tapos ay malakas ang boses na sabi niya.
Ngunit umungol lang ang dalawang binata.
"Aissttt! Mga tulog mantika pala kayo!" Iyong unan naman ni Bearlan ang hinila niya.
"Hey!" angal ni Bearlan na bumusangot ang mukha. Kukurap-kurap itong akmang babawiin sana ang unan pero inalayo niya ito.
"Gising na! Ang ganda ng sikat ng araw! Masarap mag-swimming!"
"Ikaw na lang!" hindi nagmumulat ng mata na ani Bearlan. Yumakap pa ito sa katabing si Rick. Pero tinabig ito ni Rick.
"Pwede ba may natutulog!" angal din ni Rick. Umayos ulit ng higa.
Napamaywang siya. Ito ang pinakaayaw niya. Ang manggising ng mga tulog mantikang tao.
Hanggang sa biglang nag-ilaw ang bombilya sa tuktok niya. Nakaisip siya ng ideya pa'no gisingin ang dalawang binata. Pilya siyang napangiti kay Bearlan.
"Ayaw mong gumusing, ha? Sige aakitin na lang kita," sabi niya na natatawa habang inaalis niya ang hook ng kanyang bra. Iyon ang naisip niyang paraan. Wala naman siyang dapat ikabahala dahil mga bakla naman sina Bearlan at Rick. Mandidiri pa ang mga ito sa kanya, kaya siguradong mga babangon sila bigla.
"Sige tulog ka lang." Malandi niyang kinuha ang kamay ni Bearlan na sa una'y walang pakialam pero nang ipasok niya ito sa dibdib niya ang kamay ay parang napaso si Bearlan.
"What a f*ck!!!" Nanlalaki ang mga mata nito na napabalikwas ito ng bangon. Nahintakutan. Parang nakakita ng multo. "Ano 'yon?!"
"Hahahahahaha!" Ang lutong ng tawa niya.
"What the hell you're doing?!" bulyaw ni Bearlan sa kanya.
Pinaikot-ikot niya ang bra niya sa kamay niya. "Inaakit ka para mapasakin ang isang milyon. Ayaw mong bumangon, eh, kaya aakitin na lang kita."
"Holy crap! You're crazy!" nalolokong bulyaw pa ni Bearlan. Hindi makapaniwala ito sa hitsura ngayon ni Tiffany. Walang bra ang dalaga kaya bakat na bakat ang dibdib nito sa hapit na hapit na T-shirt.
"Ano ba? Ang ingay niyo, ah!" Nagising nang tuluyan si Rick. Pumihit ito ng higa.
Nabahala si Bearlan. Biglang tayo ito at niyakap si Tiffany, dahilan para bago man nakita ni Rick ang malaswang hitsura ni Tiffany ay natakpan na niya ito.
Gulat na gulat naman si Tiffany sa ginawa na 'yon ni Bearlan. Napanganga siya at parang na-istatwa. Niyakap siya ni Bearlan?! Capital O! M! at G!

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomanceNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...