"Ma pwede di bus ang sasakyan natin papunta doon?" - tanong ko sa mama ko habang kinakabahan na sumakay sa Bus.
Honestly , I really don't want to ride on bus, nasusuka ako sa amoy.
"Anong gusto mong sakyan?? Kung ayaw mong sumakay, maglakad ka" siya sabay baba sa tricycle.
I really hate this.Pababa na kami ngayon sa tricycle kasi andito na kami sa Bus Station.
"Ma wag lang yung aircon ang sakyan natin ha" - ako na mangiyak ngiyak.
"Tingnan natin kung merong walang aircon " - siya at pumasok na sa Bus Station.
Shit, kinakabahan na ako. Nasusuka na ako..
"Hoy bilisan mo jan arte nito" sabi nang kuya ko na naka headset pa .
"A-ayoko" - ako at tinakpan ang ilong. Ginawa ko pang mask yung panyong hawak hawak ko para lang di maamoy ang amoy ng bus.
"Pii, walang di aircon, aircon lahat"- sabi ng mama ko.
"H-ha, a-ayoko" - me .
"Bahala ka" sabi ni mama at sumakay na sa bus.
Nagdalawang isip pa ako kung sasama pa ba ako sa kanila sa bakasyon o uuwi nalang ng bahay ng mag isa at isang buwang walang pagkain.
Ayoko namang maiwan. Kaso ang amoy ng bus di ko kakayanin.
Nag ready muna ako. Huminga ng malalim at umaasa na sana kasya hanggang 3 hours ang hangin na naipon sa aking lungs para di ko maamoy ang mabaho at nakakasukang amoy sa loob ng bus.
Tinakpan ko muna ng mabuti ang aking ilong bago tuluyan ng pumasok ng bus.
Pagpasok ko ng bus, agad kong hinanap kung nasaan umupo sila mama. Nakita ko naman si kuya na nasa kaliwang banda ng sasakyan at si mama na nasa kanan. Tinawag ako ni mama at pinaupo sa tabi niya.
Ilang segundo lang ang nakalipas at unti unti na akong nauubasan ng hangin. Dali dali akong umupo sa tabi ni mama at kinuha ang cellophane na dala. Isang langhap ko lang sa amoy ng bus, agad bumaliktad ang aking sikmura at nailabas lahat ng nakain ko kanina.
"M-ma" sabi ko na parang mamatay na. Naluha luha akong tinanggap ang tubig na nilahad sa akin ni mama kasi sobrang sama na ng pakiramdam ko.
Ayoko talagang sumakay ng Bus. Sinusumpa ko ang Bus na masasakyan ko tuwing sasakay kami
"Wag mo kasing isiping masusuka ka. tulad nalang sa love, wag mong isipin na mahal ka niya" seryosong sabi ni mama.
Walang emosyong tinitigan ko siya at ngumiti lang siya.
Minsan talaga di ko maintindihan si mama. Lahat lahat ng lang may hugot.
Di ko nalang inisip ang amoy ng bus at humiga sa lap ni mama. Natulog ako doon ng ilang oras hanggang sa nagising ako sa sunod sunod na tawag sa akin ni mama.
----------------------------
"Pii andito na tayo" - sabi ni mama.
Nagising naman ako sa boses niya.
Andito na kami???
Andito na kami???
Yeheyyyyy!!!!!!!
Pagkaalis ni mama sa inuupuan namin, umalis na rin ako.
Naeexcite ako kasi after how many hours ng biyahe, nakasurvive ako. Di man lang ako nasuka.
And after 9 years ng hindi pagbisita, sa wakas ngayon, makakabisita na rin kami...
Bumaba na si mama sa Bus pati na rin si Kuya at sumunod na rin ako.
"Yeeeeeehh..... "
'Bwwwwuaaaahh bwwwuaaaah bwwwuaaahhh' (sound yan ng pagsusuka. Sensya na, yan lang alam ko ee. Hahaha peace yow)
Di ko na napatuloy yung pagsisigaw ko kasi saktong pag alis nung Bus e, pumasok sa ilong ko yung amoy niya kaya nasuka ako.
"Sigeee~ wag ka kasi munang magdiwang hanggang alam mong andyan pa ang kalaban" - mama.
Di ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsusuka.
Sheet!! Ang sakit na ng tiyan ko. Nasusuka ako pero wala namang lumalabas.
"Ganyan talaga yan, masakit lalo na kung akala mong andiyan pa wala naman pala" hugot ulit ni mama.
"Pati ba naman ang suka paasa??" - sabi ni Kuya na parang nasusuka akong tingnan.
Ano bang nangyari sa mga to?? Humuhugot, may pinagdadaanan lang??
"Ang diri niyo nang pakinggan" ako sabay momog.
Di nalang sila sumagot at sumakay na sa tito kong kakarating lang sakay ang kanyang sasakyan.
Pagsakay namin, batian agad ang topic nila. Kung kamusta na si ano, si ano at si ano.
Ako? Tahimik lang di ko naman kilala yung mga kinaamusta nila ee.
At ang kuya ko ? Ayun, headset headset para sabihing 'cool'
------------------
After ilang oras ng biyahe,
Yeeeehheeeeyyyy!!!!!
This is it. Sa wakas at makikita ko na rin ang mga tita ko.
"Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp"
Pagbusena ng tito ko para malaman nilang andito na kami
Agad namang nagsilabasan sa mga lungga nila ang mga pinsan, tito, tita at lola ko.
Pagbaba namin sa sasakyan, agad nila kaming niyakap.
Niyakap naman ako ng pinsan kong lalaki.
"Uy, ang laki mo na ahh" -ako at kinukurot yung pisnge niya
"Oh ano, gwapo nuh?" - siya at nagpoposing pa.
"Sus, saan banda ?" Ako at tumawa.
Gwapo naman talaga siya, ayoko lang sbihin baka mas lumaki pa ang ulo ee.
"JR, basketball tayo"- tawag ng lalaki sa pinsan ko.
Lumingon namn kaming dalawa para tingnan kung sino yung tumawag..
"Oo mamaya" sabi ni JR at pataas taas pa ng kamay.
"Hintayin ka namin sa court ha" - yung lalaki.
"Gege" - JR tapos pumasok na kami sa loob.
"Sino yun?" - ako, nacurious ako ee.
"Si Ethan yun kabarkada ko. Bakit?? Typee mo nuh?? Yiieeee, si ate Sophie mukang magkakalove life na" siya at may pakilig kikig pa.
"G*go!! Nacurious lang ako. Tsk. Ang panget kaya nun mukang ikaw!!"- ako at sinapak siya sa ulo at pumasok sa kwarto.
Loko talaga yung batang yun.
Tinawag ba naman akong ate, ee 1 day lang naman tanda ko sa kanya ee.. Grrr.
Di ako nagalit kasi tinukso niya ako, nagalit ako kasi tinawag niya akong ate.
Siya lang yung taong nagagalit ako kapag tinatawag niya akong ate.
Anyways, that Ethan na kabarkada niya. Yeah, I admit na gwapo siya.
Has innocent face, muscular body, at parang my 6 pandesal pa . Spell H-O-T.
Pero di ko siya type nuh ?? THE HELL NO, di ko pa nga siya kilala ee.
Dapat siya una mamansin sa akin. ..yieeeeeeeeeeeee.!!
Sinapak ko naman yung ulo ko sa pagpapantasya sa kanya .
"Hoy Sophie Alvarez, nakakaloka ka. Ang landi mo" - ako at humiga sa kama.
----------------------------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy
Teen FictionSophie is on vacation that time together with her family and she met this boy named Ethan through his cousin. Ethan is a playboy, unfortunately, he become Sophie's bestfriend. And because of that, Sophie fall in love with this playboy but the Ethan...