Sophie's POV
"Ayyy sheem, bakit ngayon ka pa nangyari??" Bulalas ko.
Kasi naman ohh. Kung saan kailangan kong mag enjoy ngayon pa ako nagkakaganito.
"Tsk"
Minamasahe ko yung paa ko para mawala na ang sakit
Tapos sinubukan kong tumayo
At dahan dahang naglalakad.First step
Good
Second step
Very good
Another step
Yeeess, okay na
Another step again..
Wooohooo di na masyadong masakit.
"Yeeeheeeeeyy"
Sa sobrang tuwa ko, di ko mapigilang ngumiti at sumigaw.
"Anong tinitingin mo diyan ??" Tanong ko kay JR na parang may kakaibang iniisip.
"Wala, para kang batang matanda na di marunong maglakad." Nakasimangot niyang sabi.
Batang matanda? Ano kaya yun.
Teka naka jersey ahh. May laro sila ??
"Uy JR maglalaro kayo ?" Tanong ko.
"Ano sa palagay mo??" Sagot niya.
"Magseseryoso" bulong ko.
Nakita ko namang papalabas na siya ng pinto.
"Hoy JR sama ako" sigaw ko sa kanya para marinig niya.
"Wag na, baka maano ka pa ee" - seryosong sabi niya.
"Hoy JR, ano ba, manunuod lang naman ako ee." Sabi ko at paika ikang naglakad, makalapit lang sa kanya.
Pagkalapit ko, hinawakan ko naman siya para di na masyadong makalakad ng mabilis.
"Urgghh, ang bagal naman" pagrereklamo niya
"Buhatin mo ako para mas mabilis" ako at nakangiting aso pa.
"Hawakan mo" sabi niya at inabot sa akin ang bag at piniggy back ride ako.
"Hoy, anong nangyari sayo, seryoso mo ahh" - pagbubukas ko.
Di siya sumagot instead naglakad lang ng mabilis.
"May regla ka ata" bulalas ko pero
"Ouuuuuuucchhhh!!!!" Sigaw ko sa sakit.
Eh pano ba naman, bigla bigla niya akong binagsak sa bench ng court.
Nakita ko namang tumungin sina Ethan at Nico sa amin. Kasama yung apat pang di ko kilalang mga lalaki.
Lahat sila naka jersey, mukang maglalaro nga sila.
"Hoy JR! Masakit yun ah" - ako
Pero di man lang siya lumingon sa akin.
At pinuntahan siya nina Ethan at Nico at nag usap sila.
Di na ako nag abalang pumunta sa kanila para makinig, wala akong paki. Di naman ako chismosa ee.
Maya maya lang ay nagsimula na sila.
Habang naglalaro, nakita ko sa kabilang team na may isang lalaking naka jersey na parang pang sub siya.
Teka, tatlo lang sila JR tapos sila apat, ?? It's unfair.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy
Teen FictionSophie is on vacation that time together with her family and she met this boy named Ethan through his cousin. Ethan is a playboy, unfortunately, he become Sophie's bestfriend. And because of that, Sophie fall in love with this playboy but the Ethan...