Unknown

137 36 73
                                    

The Act....

Unknown:
KIRAY

Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours♪

I sighed. Kailan ko kaya mahahanap ang true love ko? Ilang beses ko na syang hinanap, pero lagi akong bigo. Ilang beses na akong nakipagrelasyon sa lalaki, pero wala ni' isa sa kanila ang true love ko. Hopeless romantic ba? Siguro nga.

♪And nobody knows I'm in love with someone's baby
I don't wanna hide us away
Tell the world about the love we're making
I'm living for that day
Someday♪

Napatingin ako sa dalawang tao nasa stage. Kumakanta sila, at ramdam mo at kitang kita mo na mahal na mahal nila ang isa't isa. Si Lester at si Jenna ata ang pangalan nang babae.

♪Why can't I hold you in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that we could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours, I'm yours♪

Napatingin naman ako sa isang table na hindi kalayuan kung nasaan ako. Isang pares ng love birds, ang sweet nila sa isa't isa. Si Mag at si Roy, sinusoportahan nila si Lester at si Jenna.

♪Oh, why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't it be like that? 'Cause I'm yours♪

Napatingin naman ako sa may bandang papunta ng C.R. May isang lalaking nabunggo ang isang babae na ngayon ay nakaupo sa sahig. Sa pagkakaalam ko si Michelle ata yung babae. Hindi naman tinulungan nung lalaki si Michelle at naglakad na ito papaalis. Dahil palaban din itong si Michelle agad syang tumayo at binato yung lalaki ng kanyang flat shoes. Buti nalang hindi naka-heels ngayon si Michelle. Kundi paniguradong tulog yung lalaki dahil bihasa si Michelle sa pag-asinta.

Tinanggal ko ang paningin ko sa kanila. Alam ko na yang kwento nila. Palagi ko yang nababasa sa mga libro.

♪Why can't I say that I'm in love?
I wanna shout it from the rooftops
I wish that it could be like that
Why can't we be like that? 'Cause I'm yours♪

Tumingin naman ako sa paligid at napansin kong lahat ay magkakapareha at ako lang yata ang nag-iisa. Ang alam ko kasi, kaya ako nagpunta dito para walang makitang magkasintahan. Sawa na kasi ako sa park malapit sa subdivision namin, marami kasi akong nakikitang magkasintahan at naiingit ako.

♪Why can't we be like that?
Wish we could be like that♪

I sighed. Kailan kaya sya darating?

Nagpalakpakan naman ang madla matapos ang kanta nila. At nagsimula ulit magstrum ng gitara si Lester para kakantahin ulit nila. I sighed.

"Kayla! Ang galing talaga ng mga kaklase mo nang dahil sa kanila, mas nagiging patok ang bar ko lalo na sa mga kabataan." Nagulat ako ng bigla syang sumulpot. Tinignan ko lang sya kaya napatingin din sya sa akin at napakunot ang kanyang noo.

"Kayla, bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa tanong nya kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"May problema ba?" Alalang tanong nya. Umiiling naman ako sa kanya.

The ActTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon