Chapter 3

51 2 0
                                    

Charm's POv

Nagising ako bigla. Ang lakas kasi ng tv eh. Wala naman akong maalalang binuksan ko ung tv. Nung lumingon ako.

O.O

"Waaah! Ate! I miss you ate!

"Bunsoooo! Namiss ka din ni Ate! Panubayan tinulugan mo ako, di ko ibibigay sayo pasalubong ko. Bleeh!" 

"Ate naman eh!

"Hahaha! Joke lang! Nu na mga nangyari sayo? Kwento naman jan!"

"Ahh. Ate.

"Hmm?

"Ano po ang crush?

"Crush? Hahahaha! Grade 6 ka na ah. Di mo alam ang crush?

"Eh ate magtatanong ba ako kung alam ko? Tsaka alam mo naman po na wala akong kaibigan sa dati kong school eh.

"Oo nga pala. Hayy. Geh. Sasabihin ko sayo lahat ng alam ko tungkol sa crush."

"Ang CRUSH ay paghanga sa isang tao. Paghanga lang. Mabilis kang magkakacrush sa isang tao lalo na pag mabait sya sayo kasi hinahangaan mo sya kasi nga mabait sya. Pag naman magaling sumayaw or kumanta ang isang tao. Parang araw-araw mong gustong makita syang sumayaw o marinig syang kumanta. Hinahangaan mo sya. Pero minsan kasi.. Minsan, lumalalim. To the point na akala mo crush lang pero love na pala."

"Love?"

"Oo LOVE. Parang higher level yun ng crush. Masasabi mong love na yun pag masaya ka pag kasama mo sya, lagi mo syang hinahanap o iniisip, lahat ng bagay na connected sa kanya gusto mong malaman, kinakabahan ka na kinikilig pag kausap mo sya o kasama mo sya, di mo kayang magalit sa kanya kahit na may ginawa syang di maganda sayo, pag naman nagalit ka wala pang 5 mins. pinapatawad mo na. Gusto mo syang tulungan sa lahat ng bagay, nagpapapansin ka sa kanya, nagpapaganda ka kasi baka sakali puriin ka nya... At higit sa lahat umaasa ka.. Umaasa ka na sana mahal ka rin nya. Masama yun. Kasi madalas pag umaasa ka, sa huli, masasaktan ka, iiyak ka. At yun ang pinakamatinding sign na mahal mo na ang isang tao."

"Pag nasaktan ka?"

"Oo."

"Ang hirap naman nun Ate Toni. Kailangan mo pang masaktan para lang malaman na mahal mo ang isang tao."

"Ganun na nga. Kaya pag ready ka ng mainlove, dapat ready ka ring masaktan. Pero minsan kasi kahit di ka pa ready dumadating nalang basta-basta. Kaya di mo napaghandaan.

Ngumiti si Ate pero halatang fake. Bat kaya?

"Ate bakit parang malungkot ka. May problema ka ba? Ikaw naman magkwento ate!"

"Hahaha. Wala akong problema. Ikaw talaga. Ay, oo nga pala. Bakit mo naman naitanong ang ibig sabihin ng crush? Ikaw ha! Bata ka pa eh."

"Ate anggulo mo kanina pinagtawanan mo ako kasi Grade 6 na ako pero di ko pa alam ang ibig sabihin ng crush tapos ngayon sasabihan mo ako na bata pa ako para dun."

"Hahaha. Oo nga noh. Basta! Bata ka pa dun. Iniingatan ka lang kasi ni ate!"

"Iniingatan saan?"

"Basta! Malalaman mo din. Teka. Iniiba mo usapan eh. Bakit mo tinatanong sakin ang meaning ng crush ha?"

Nung nalaman ko ang meaning ng crush parang nahiya na ako magkwento kay Ate Toni. Aasarin lang ako nyan tsaka baka sabihin kakakilala lang namin ni Patrick tapos may crush na agad ako sa kanya.

"Eh ate. Wag nalang."

"Anong wag! Magkwento ka! Ikaw ah, nawala lang ako ng isang linggo may linilihim ka na sakin. Sino? Sino crush mo dali!"

"Ate. Wala po akong crush. Tinanong ko lang, may crush na agad ako? Ganun ba yun?"

"Fine. Edi magkwento ka nalang."

Tinatamad akong magkwento kaya binigay ko nalang kay ate ung notebook kung saan ko sinulat ung nangyari nung nagenrol ako.

After several mins. natapos na si ate magbasa. Ung mukha nya parang nadisappoint.

"Ito lang? Bitin."

"Ate anong lang? Grabe kaya. Sya ang unang lalakeng di ko kamaganak na kinausap ako na walang kasamang pangaasar."

"Sabagay. Yieee. Kilig ka na nun?"

"Di ah. Natutuwa lang."

"Osya tara na."

"Saan po?"

"Mamimili tayo ng school supplies. Di ba next week na pasok mo?"

"Ah. Sige po. Baba ka na ate. Maliligo lang ako, intayin mo nalang ako sa baba."

"Sige. Bilisan mo ha."

Ate Toni's POV

Haay. Grade 6 na kapatid ko. Di na malabong mainlove yun. Sana handa sya. Di ko kayang makitang umiiyak ang kapatid ko ng dahil sa lalake. Di ko kakayanin.. Lalo na't alam ko ang pakiramdam ng masaktan.

__________________________________________________________________________________

Vote, comment and Be a fan! :)

Stupid Cupid by lovetakessacrificeWhere stories live. Discover now