Charm's POV
Yes! Finally! Tapos na ang Grade 5! Grade 6 na ako at lilipat na ako ng school! Nakatayo ako ngayon sa tapat ng Southwest University kung saan ako dati nagaaral. School kung saan wala akong kaibigan, maraming bully. School kung saan bumaba ang self-esteem ko at school kung san napasok ang mga lalakeng balak kong gantihan in a good way. >:D *smirk*
"Nak tara na! Malayo pa byahe natin."
Sumakay na kami sa kotse. Sinabi ko talaga kay Mommy na dapat malayo ung lilipatan kong school sa Southwest University para konti lang talaga ung chance na makita ko ung mga gagong un. Malayo pa naman ang byahe kaya natulog ako.
"Nak gising. Andito na tayo." - Dad. Minulat ko ng konti ung mga mata ko kasi nakakasilaw ung araw. Nung naimulat ko na ng todo excited akong bumaba sa kotse at tingnan ang school na papasukan ko!
Tiningnan ko sina Mommy at Daddy at yinakap sila. "Thank you po!"
"Wala yun nak. Wag ka na papaapi dyan ah!" Dad
"Oo naman po!"
"Oh ito na ung mga requirements. Ito na rin pera tago mo sa bag mo baka mawala. Ibabalik ka namin sa Southwest University pag nawala yan!" Mami
Agad ko namang tinago ung pera.
"Mami naman eh."
"Hahahaha. Joke lang! Di ka na namin ibabalik dun!"
Tiningnan ko ung pangalan ng school... Northeast University. Wow. No doubt, malayo nga to sa school ko dati. xD Pumasok na ako pero di sumusunod sina Mami.
"Ma ako lang po papasok dito?"
"Oo. Kaya mo na yan!"
"Ma! Da! Samahan nyo ako! Baka may di ako masagot na tanong!"
"Hahaha! Nak mageenrol ka hindi ka magaapply sa trabaho! Di ka nila sasagutin ng tanong na di mo alam."
*gulp* No choice. Magisa akong mageenrol...
10 minutes na akong paikot-ikot dito. Di ko alam kung saan mageenrol ang elem students! TT_TT Puro highschool students ang nakikita ko! Waah! Paikot-ikot ako. Pabalik-balik. Taas-baba sa hagdanan! Wala parin! Di ko na rin alam kung nasan ung gate palabas! -_- Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakabunggo akong.... LALAKE! OH NO! <OoO> Nalaglag ung dala kong requirements pati ung dala nya. Buti nalang ung pera nasa bag!
Di ko alam kung anong gagawin ko! Nakatulala lang ako sa lalake. Kinakabahan ako kasi baka ibully ako nito! Baka sabihing "Ang taba kasi! Pwede tumingin ka sa dinadaanan mo!"
"Ah miss." *gulp*
"Miss? Yoohoo! Ok ka lang? Ito gamit mo oh.." Natauhan naman ako.
"Ah.. H-huh? Ahhh. O-oo! O-okay lang ako! hehe"
"Sorry miss. Di ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Ah. Patrick. Patrick Magpantay nga pala."
"Ahh. Ok lang. Sorry din. Charm. Charm Rodriguez."
Shemay! Di ako nagsisising lumipat ako ng school! Aysolabdismoment! Nakipagshakehands sya sakin tapos tumingin ako sa paligid baka kasi may di sya napulot na requirements. Wala naman kaya naglakad na ulit ako pero sumusunod sya sakin.
"Charm! Anong Grade mo na?"
"Grade 6! Di ko nga makita eh kanina pa ako paikot-ikot dito!"

YOU ARE READING
Stupid Cupid by lovetakessacrifice
Novela JuvenilAng CRUSH ay simpleng paghanga lamang na kadalasan lumalalim at nagiging.. Love. Paano ba malaman pag mahal mo na ang isang tao? Simple lang, pag nasaktan ka na. Walo.. Walong taong pinaglaruan ng pag-ibig, walong taong nabiktima ni Kupido. Paano ng...