Caring

8 0 0
                                    

Pag gising ko ay agad kong nakita sila papa,kuya at aking mga kaibigan

"Sweetie are you okay?"-Papa
"No pa Im not okay." -ako

Biglang nag salita si papa kay kuya.

"Kevin pinabayaan mo ba kapatid mo ng nasa Tagaytay ako?"-papa
"Pa, walang kasalanan si kuya kasalanan ko ito."-ako

Biglang nag ring ang cellphone ni papa.

"Later We will talk about this but I have to answer this call."-aniya.

Ganyan talaga pag business man magulang mo. Simula nung mawala si mama nag paka busy na lang si papa sa company na pinundar nila ni mama. Inintindi na lang namin si papa dahil iniisip namin na ginagawa niya yun para sa ikabubuti namin.

Lumabas si papa at kinausap ko agad si kuya.

"Kuya Im sorry sinisi ka pa tuloy ni papa sa nangyari sakin."

"No Kc okay lang yun responsibilidad kita dahil kuya mo ako pero ayoko na ulit na mangyari ito."-aniya.

"Opo kuya hindi na talaga mauulit."-ako
"Mabuti kung ganun."-aniya

Habang naguusap kami ay nagising sa pag ka idlip sila Cheska,Lys at Sheena.

"Kc okay ka naba?"-Sheena
"Medyo kailangan ko lang daw ng pahinga."-Ako
"Good sana nagsabi ka agad na masama na pala pakiramdam mo."-Cheska
"Ayoko na kasing mag alala kayo. by the way anong oras na ba?"-ako

"11pm"-lys
"Ha?? ang tagal ko palang nakatulog? Hindi pa ba kayo uuwi?"-ako

"Tinawagan ko na si Manong at papunta na siya dito para ihatid silang tatlo pauwi at sasama na lang ako paghatid nandito naman sila Inno at Kent."-dagdag ni kuya.

"Sige Kc hihintayin na lang namin sa baba si Manong. Pagaling ka bibisita kami bukas."-Cheska.

"Sige salamat."-sagot ko

Bumaba na silang tatlo kasama si kuya at ang nandito na lang ang naka idlip na si Inno at Kent. Sa sobrang tahimik ay napa isip ako.

Ang dami ng nagbago saming pamilya simula ng mawala si mama. Wala na kaming oras sa isa't-isa kung magkakaroon man ay ilang oras lang maraming nami-miss mga alaala.

Sa sobrang pag-iisip ay napaluha ako. Ayoko munang mag isip ngayon mas makakasama sakin kaya minabuti ko na lang na magpahinga.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking mata at ipinikit na para makatulog at ng nakapikit na ako ay may naramdaman akong tao na papalapit sakin at nagsalita

"Kc okay ka na ba?"-Inno.

Si Inno pala.

"Oo Inno kailangan ko na lang muna magpahinga."-Ako
"Bakit hindi mo sinabi sakin na masama pala pakiramdam mo? nagulat ako ng bigla kang hinimatay."-aniya.

"Ayoko kasing mag alala kayong lahat."-sagot ko.
"Sana mag-sabi ka sakin kung anong nararamdaman mo delikado pa rin ang sakit mo."-Aniya.

"Oo Inno sorry hindi na mauulit."-ako.

"Sorry kung hindi ako ang nagdala dito sayo sa ospital."-bigla niyang sinabi.

"Ano ka ba Inno okay lang yun buti at nadala ako ni kuya."-ako

"Hindi si kuya Kevin ang nagdala dito sayo sa ospital."-aniya.

"Ha? e sino??"-tanong ko sa kanya.

At tumingin siya sa sofa na kung saan nakaidlip si Kent.

"Ha? si Kent ang nagdala sakin sa ospital?"-tanong ko ulit

King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon