Jealous

12 1 0
                                    

Nang matapos ang aming kamustahan ni Kath ay napakarami niya na kwento sa amin tungkol sa buhay niya sa ibang bansa.

Tila isang reunion dahil nandito ang tatlong bruha, si Joanna at ang matagal na naming na miss na si Kath. Ngayon pa talaga nag karoon ng ganito kung kailan nasa ospital ako..

Masayang nag karoon ng kwentuhan kaming magkakaibigan. Nakakatuwa na binisita pa talaga nila ako at kahit medyo dumidilil na nga sa labas ay hindi alintana sa akinh mga kaibigan.

6:30 pm

"'Makakalabas ka na ba Kc?" Tanong ni Kath

"Ah oo nga bukas o sa makalawa." sagot ko sa kaniya.

Mukhang wala pa talaga silang balak umalis ng maya-maya ay nag aya na si Kent umuwi.

"Uwi na tayo ng makapg pahinga si Kc parating na rin naman maya-maya si Kuya Kevin."

Lumingon ang lahat sa kaniya

"Bakit mo ba kami pinapauwi?" Pag tataray na tanong ng kaniyang kapatid.

"Excuse me hanggang 7pm lang ang dalaw sa private rooms hindi naman to sleep over para mag tagal ka dito." sinagot naman agad ng kaniyang kapatid.

"Duh gusto mo lang kasing ma solo si Kc!" pag tataray na naman ni Kath

"ANO?!" Sabay naming nasabi ni Kent.

"Nothing hahaha!" -Kath

Haynako! Kailan ba hindi nag bangayan ang dalawang ito! Magkapatid na magkapatid nga naman talaga.

"Oh siya sige Kc aalis na kami mag pahinga ka ng maayos ah? Marami pa tayong pag-uuspan once na makalabas ka ng ospital okay??" ika ni Kathleen.

Ganun rin naman ang bilin at nais iparating ng aking ibang kaibigan ang makapag pahinga at maka recover na ako agad.

"Oo mag papagaling agad ako." sagot ko sa kaniya.

"Oh King tara na akala ko ba uuwi na tayo?" sabi ni Kath sa kaniyang kapatid.

"Mauna na kayo hihintayin ko pa ng konti si Kuya Kevin." simpleng sagot ni Kent

"Sabi na nga ba eh!" pag tataray ni Kath

"Ako na mag babantay kay Kc hanggang makarating si Kuya Kevin tsaka na ako uuwi." singit ni Inno sa usapan.

"Oo nga naman Kent ihatid mo na sila. Sanay na ako dito kay Inno." dagdag ko sa sinabi ni Inno.

Ang awkward naman kasi na nandito siya at anong oras na rin.

"Hmm sigurado ka?" tanong ni Kent

Parehas kaming tumango ni Inno.

Mukhang talo na sa usapan si Kent, agad na rin siyang nag-ayos at tumayo na para sumabay na sa aking mga kaibigan.

Nag-paalam na sila at agad ng lumabas ng aking hospital room.

"Masyado concern naman si Kent sayo." ika ni Inno.

"Baka naman nag kukusang loob lang pina bantayan rin naman kasi ako ni Kuya kaya siguro sinunod niya lang." sagot ko kay Inno

"Sus gusto mo rin naman hehe."

"ANONG GUSTO KA DIYAN SIRAULO KA AH?"

"Kalma, eto naman nagbibiro nga lang ako eh."

Sabagay nakakapag taka nga naman talaga ang biglang pagiging concern ng isang Kent Buenventura sa akin.

Oo nga pala kaibigan kami diba?

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin si kuya Kevin na may dalang dinner para sa amin.

"Pasensya na medyo ginabi ang traffic papunta dito." ika ni Kuya.

Nagising sa pagkaka idlip si Inno at tumango kay kuya.

Yung totoo Inno? Ikaw ba binabantayan ko at ako ang gising at ikaw tutulog-tulog lang diyan?

"Oh nasaan si King?" tanong ni kuya

"Hinatid na mga kaibigan ko bumisita sila kanina eh." sagot ko.

"Ay pre, nandito na pala si Kath." sabi ni Inno na medyo natatawa

"Uy siraulo ka." natatawa ko na sinabi.

"Anong pake ko doon? Pabayaan niyo o, siya kumain na nga tayong tatlo ng makauwi ka na rin Inno baka pabulain ko yang bibig mo eh!" Sagot ni kuya at nilabas na ang kaniyang biniling dinner para sa aming tatlo.

Agad naman rin na dumating ang rasyon na pagkain sa ospital at paniguradong may sabaw ito at may matabang na ulam HAHAHAHA!

"Oh Kc, higupin mo yung sabaw niyan kahit yung sabaw na lang alam ko namang umay ka na sa gulay" sinabi ni kuya at agad inayos ang aking lamesa at inalalayan ako para maka bangon sa higaan.

"Ako na lang ang kakain ng gulay." sagot ni Inno

Kahit kailan talaga taga pag ligtas ko tong Inno hehehe

"Salamat at nandito ka nga pala." inabot ko sa kaniya ang mangkok na may laman na ampalaya.

"Aba syempre ako lang naman ang laging nasa iyo eh, nakaka selos na nga na puro si Kent ang nandiyan kamakailan."

ANO DAW????

"Uy pinagsasabi mo ha?" Tanong ko kay Inno

"Wala nag bibiro lang hehehe" sagot ni Inno sa akin.

"Ang dami niyong sinasabi kumain na kayo, huwag mo ng bawiin Inno nagseselos ka naman talaga." dagdag ni kuya Kevin.

SI INNO MAG SESELOS?

SAAN?

HAHAHAHAHAHAHA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon