*Dedicated to her ... ^O^ ! Salamat! Ikaw unang-unang nag-comment! Lels haha. Sana makatulong ako, medyo nakakarelate din ako sa 'yo eh. Haha! Idye-generalize ko na lang kasi alangan namang tanungin pa kita kung aling specific na problem mo. Basta. Hehe. Pure advice ko po ito, walang galing sa kung anumang site. ^___^
BTW din pala, grabee naman maka PG-13 si WATTY!! Ehhhh... Keri pa to ng mga bata noh! LOL.
----------------------------------------------------------
"Wahahaha! Balyena!"
"Pandak!"
"Tababoy!"
"Tingting!"
"Flat-chested ! Hahaha!"
Mga pang-asar na nakakatuwa sa iba,
HINDI NILA ALAM NAKAKASAKIT NA SILA.
Sino sa inyo ang nakarinig na ng mga iyan sa iba? Nakaasar 'di ba?
Pinapansin nila parte ng katawan mo, akala naman kung sinong Diyosa ng kagandahan, o reincarnation ni Adonis kung makapang-asar.
Ayaw nilang pakialaman yung katawan nila, at pinapansin pa nila yung iba.
Ayun tuloy, nakaka-insecure.Yung feeling na dahil sa mga pinagsasabi nila, naa-outcast ka? O kaya naman, kahit gustong-gusto mo nang bigwasan at ipatapon sa Pluto eh, tahimik ka na lang na magngingitngit dahil sasabihin nilang pikon ka.
Tapos maiinggit ka kasi yung mga kaibigan mo nagkaka-bf na, o kaya may nanliligaw sa kanila, samantalang ikaw, dahil may "diperensya" ka daw, ni palipad-hangin man lang ay walang lumalapit sa iyo.
SHET LANG! ANG SAKIT SA HEART!
Naisip ko naman, TENGENE, siguro stalker ko sila dahil pati waistline o bra size o height ko eh alam nila.
May mga pieces of advice ako, pero hindi ko alam kung makakatulong ako. Ako rin naman kasi insecure eh (I guess mostly naman ng tao YATA ay insecure), pero at some point mababawasan itong insecurity na ito with these:
****
1. JUST... BE YOURSELF. Perhaps, narinig mo na rin ito sa mga kaibigan mo. Iyan naman talaga ang una eh. Kung ano ka, at kung anong gusto mong gawin sa buhay mo, gawin mo. NEVER DO THINGS JUST FOR THE SAKE OF OTHERS. Hindi ka nila aliping saguiguilid na kung gusto nila ay susundin mo na agad. Kung kikilos ka talaga, siguruhin mong na-motivate ka dahil sa GUSTO MO ITO, HINDI GUSTO NG IBA.
BINABASA MO ANG
MGA PROBLEMA NG ISANG BABAE
Non-FictionHello, this is the goddess hotline. Thank you for calling. Need help? May problema sa mukha mo? Sa katawan mo? Sa laman-loob mo? Sa pamilya mo? Sa kaibigan mo? Then nasa tamang place ka. I'll gonna help you with all of these! Fret no more, sis! Nan...