Chapter 1

3 0 0
                                    

Ako si Tara, wala akong maipagyayabang kasi hindi kami mayaman, hindi ako maganda, hindi ako matalino at wala akong lovelife

Pero isa lang ang masasabi ko, may malusog akong pamilya! At may isa pa, wala akong pimples!

Hindi baleng hindi maganda, wala namang pimples. Wala akong nilalagay sa mukha, sadyang makapal lang siguro ang mukha ko at kahit pimples ay taob at takot sa 'kin ;)

Dear: nanay

Maayos po ang aking pag-aaral dito at hanggang ngayon, wala paring lovelife kaya wag kayong mag-alala hindi ako mabubuntis at makakapagtapos ako ng pag-aaral.

Wala rin akong natutunang bisyo kasi noong sinubukan kong uminom ng ano yun? Dumbodor? Tokador? Aparador? Ay ewan basta may DOR yun sa huli, hayy naku! ampaet nay! Kaya binigay ko nalang sa pulubing bata, palaging kasing sumusunod eh kaya ayun.
Binigay ko na kawawa eh.

Nagmamahal, Tara

Kakauwi ko lang, nagpadala ako nang sulat kina nanay para naman malaman nilang iniisip ko sila lagi

Pumasok na ako sa bulukin kong inuupahang kwarto. Hinubad ko ang sapatos kong isang linggo nalang at mawawasak na

Hindi ko alam bakit nalipat tong electric fan ko sa kabilang dako ng kwarto, pero pinabayaan ko na at I turned it fully on

Oh diba eningleshan ko kayo, akalain niyo pang wala akong natutunan sa labing isang taon kong pag-aaral

Ang init nga naman dito oh, hinubad ko ang aking pangitaas na damit at ang suot kong butas butas na pantalon at humiga sa sahig

Para akong nagsun-bathing, pero parang wind-bathing lang yung akin, sa electric fan lang kasi ako nakaharap

Ang ganda ng pakiramdam ko , nakadapa pa ako sa wood floor na may bokbok at kinuhanan ng anay. Pero wala naman na ang mga anay ngayon dahil inisprayhan ko ng insecticides, yung mabibili sa mga store ng chinese. Mabisa nga eh, akala ko puro fake ang china.

Don't you have another sets of panties? The one you're wearing has its string pulled out of the hem hahaha

Ay petrang kabayo! Bigla akong napatayo at nagsisigawng tinakpan ang hubad kong katawan

Rape! Rape! Mamboboso! Manyakis! Pervert! Corruptor!, Debaucher!, Decadent!, Libertine!, Rake! Magnanakaw ng tingin sa kaluluwa!

Teka pareho lang naman ibig sabihin non eh
Ah basta, asan naba yung landGay namin dito

Aling Jannie!
Pronounced as JEYNI yan ha, bading kasi

Ay! Shorlalang mahabaging maingay na biik! Anong nangyari sayo Tara ba't lamang loob ka!

Ay grabe naka bra't panty lang lamang loob agad? Oo nga bakit kamay ko lang pinangtakip ko?

Dali dali akong kumuha ng pink na kumot na may barbie na amoy downy, yung isang banlaw ha kasi tipid sa tubig

Aling Jannie naman, ba't may lalaki kasing nakapasok sa kwarto ko eh

Nakabusangot at may panguso-nguso ko pang maktol sa kanya kahit mukha akong patong nakanguso, pinagpatuloy ko parin para kasing cute hihi

Ay jusko inday, siya si Jack Daniels, ang bago mong roommate. Hindi ka rereypin niyan, di interesado yan sa pulubi tsaka ayaw mo nun? Mababawasan ang bayarin mo kasi may kahati ka na? Isa pa wag kang ngumuso, para kang pato, pweh!

Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na sya't naiwan kami. Makapanglait naman to kala mo kung sinong kagandahan eh siya nga parang platypus. Che! Isa pa alam ko namang para akong pato, I just tried! Baka maganda kasi sabi naman nila, beauty is in the eye of the beholder diba? Hhhhmp!

Pero teka nga, JACK DANIELS?
parang pamilyar yung pangalan,
Parang nakita ko siya sa poster?

Ahhh! Nakita ko siya sa isang liquor store! Noong bumili ako nung ininom kong tokaDOR

What are you thinking loosy?

Anong loosie pinagsasabi nito?

Loosy? Sorry but my name is Tara, Tara Salvador. Not Loosy

Antaray ng lola nyo ano? Straight english yun! Marunong ako magenglish pero minsanan ko lang pinapakita ang galing ko at tsaka short english lang, ayoko ngang pahirapan sarili ko duuh

Ayoko nga ring magenglish parate, mapagkamalan pa kong taga-ibang bansa o di kaya'y pag chismisan na maarte ng mga taong di marunong mag-english

Alam niyo naman, our society are full of educated but ignorant individuals

Aray!
may nambato ba naman sa mukha ko. Hindi naman siya masakit kasi damit ko yung binato niya eh

Pero naluluha ang mata ko, natama kasi yung tela sa eyeballs ko
Hoy! Alak ang sakit non ha?,
Sabi ko sabay kusot kusot sa magaganda at light brown kong mata

Loosey suits you better because of your "loose" panties and stop spacing out, it feels like you fell in love with me. You are watching me spacingly

Di ko man lang namalayang nasa harap ko na pala siya. Kainis to ang arogante kala mo sinong gwapo eh gwapo naman talaga

Umalis ka nga! Magbibihis ako!
Binato ko siya nang unan kong may barbie rin

Magbibihis din ako, sabay na tayo
Sabi niya sabay ngisi ng ngising lokoloko

Doon ko lang napansin na nakatapis lang pala siya
Teka ba't di ko napansin yun? Di ko napansin na wow ulam

Kay sarap pagpapapakpakin. Ay! Ano ba tong iniisip ko

Nung hindi ako umimik, hinawakan niya yung tapis niya at unti unting kinakalas

Bastos mo!
Kahit ang gusto kong sabihin ay, ITULOY MO! ang perv ko -,-
Mabilisan ko siyang nilagpasan at pumasok sa CR at doon na nagbihis kasi feeling ko, tuloyan nang mawawasak ang panty ko!

Haaaaay makakatagal kaya ako sa THE ARROGANT MAN

The Arrogant Man Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon