NAPANGANGA si Rick nang makita niya ang hitsura nina Bearlan at Tiffany na magkayakap. "Ang mga hudyo, dito pa talaga gumagawa ng malaswang bagay! Mga 'di na nahiya sa akin! Pfft!"
"Pwede ba maghanap naman kayo ng lugar na walang tao?!" inis niyang sabi sa dalawa na nakangiwing tumayo mula sa pagkakahiga.
Nilingon ito ni Bearlan habang nakayakap pa rin ito sa dalaga at inirapan siya nito. Saka sumenyas na lumabas siya.
Napa-"Wow" si Rick sa loob-loob. Kasalanan pa niya ngayon na makita niya ang mga ito sa gano'ng posisyon? Wow ha?!
"Come on! Labas na!" madali pa sa kanya ng kaibigan.
"Oo na! Ang lawak-lawak kasi ng resort dito pa kayo naggaganyan-ganyan!" busangot ang mukhang sagot niya at labas na nga.
Habang si Tiffany ay parang estatwa pa ro'n o sadyang ayaw niya lang kumilos dahil ang sarap na ng pakiramdam niya na yakap siya ni Bearlan. Pero nang makalabas na si Rick ay bigla na lang siyang itinulak ni Bearlan at sigawan siya nang pagkalakas-lakas.
"Sira-ulo ka ba talagang babae ka, huh?!"
Bakit ba?" salubong ang dalawang kilay na tanong niya. Kinali-kalikot ng isang daliri niya ang tenga niyang nabingi yata sa lakas ng sigaw ni Bearlan. Kulang na lamang ay mabasag ang eardrums niya.
"Ano'ng nakain mo at.. at ginawa mo iyon?!" Padaskol na inagaw ni Bearlan ang bra sa kamay niya at galit na galit na dinuro-duro iyon sa mukha niya. "Are you out of your damn mind at tinanggal mo 'to, huh?! Hindi mo man lang naisip na mga lalaki ang mga nasa silid na ito?!"
Napanganga si Tiffany. Ano'ng pinapuputok ng botse nito? Ano ba'ng ikinagagalit nito, eh, hindi naman sila talo?
Nang mahimasmasan siya'y pumanaywang siya sa harap ng binata. "Ano ba'ng problema mong lalaki ka?! Eh, 'di ba shukla naman kayong dalawa ni Rick?! Kahit pa maghubad ako dito ay wala naman 'yon sa inyo, 'di ba? 'Di ba?! 'Di ba?!"
Naputol sa pagtatalak si Bearlan. Biglang natuhan ito at nag-iwas ng tingin.
"Ayaw mo kasing gumising, eh, kaya nagawa ko 'yong kalokohan na iyon. Sorry kung hindi mo nagustuhan," mayamaya pa'y mababang boses na niya. Na-realize niyang hindi nga tama ang ginawa. Malaswa nga.
Napabuga ng hangin si Bearlan pero masama pa rin ang tingin na ginawad nito sa kaniya. "Sige na lumabas ka na! Susunod na ako do'n!"
Napangiti na siya. Ito naman ang gusto niya kay Bearlan. Kahit ano'ng galit o inis nito ay madali namang napapawi.
"But don't you dare do it again! Kahit mga gay kami ay mga lalaki pa rin kami! Lalo na si Rick!"
Sunod-sunod ang tango niya. Alam na niya 'yon.
"Sige na labas na!"
Hindi siya kumilos pa.
"What?"
May inginuso siya sa kamay ng binata. "Yang bra ko muna."
Hindi maipinta ang naging reaksyon ng mukha ni Bearlan. Para itong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansin nitong hawak pa pala nito ang bra. What the!
Pigil na pigil naman ni Tiffany ang tawa. Alam niyang bakla si Bearlan pero ang hindi niya alam ay intiresado pala ito sa bra niya.
"Stop messing around!" Ngiwing-ngiwi ang binata na pabatong binigay sa kanya ang bra niya.
Doon na hindi niya napigilan ang malutong niyang tawa. Nakakatawa ang parang diring-diri na mukha ni Bearlan. Ang cute.
"What's funny?!" mas malakas na bulyaw ni Bearlan sa kaniya.
"W-wala!" Mabilis na napigilan niya ang tawa niya. "Sus, if I know, gustong-gusto mong isuot," pero mahinang dagdag niyang sabi.
"What the hell did you say?! You wanna die?!"
"Huh?! Wala! Ang sabi ko aalis na ako! Bye!" At mabilis na siyang tumalilis. Mahirap na.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
Roman d'amourNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...