"Sa bawat saglit
handang masaktan
kahit 'di mo alam.."- DECEMBER AVENUE | Kahit 'Di Mo Alam
A S H O R T S T O RY
AKO: Hi.
IKAW: Tang ina talaga.
AKO: Sorry, hiniram ko 'yung sapatos mo. Kailangan ko kasing pumunta sa school, wala akong susuotin.
IKAW: Tang ina, sinuot na naman? Bago pa naman 'yun. Bwisit. Lahat na lang.
AKO: Hi.
IKAW: tang ina talaga.
AKO: Hiniram ko 'yung polo mo, kailangan ko kasing pumunta sa isang agency. Wala akong masusuot. Magkakatrabaho na ako!
IKAW: Bwisit! Bagong-bago 'yung polo na 'yun! Hindi ko pa nasusuot 'yun! Tang ina talaga.
AKO: Hi.
IKAW: Putang ina talaga.
AKO: Sorry, kinuha ko 'yung 300 pesos sa cabinet na'tin, wala akong pamasahe e. First day ko sa trabaho ko. Babalik ko na lang mamaya pag-uwi.
IKAW: Bwisit. Ilang beses kong sinabi na 'wag papakialam 'yung pera dito dahil pambayad 'yun sa utang ko e. Malilintikan talaga sa'kin 'yung hayop na 'yun.
AKO: Hi.
IKAW: Tang ina talaga. Bwisit.
AKO: Kinuha ko 'yung load mo sa Phone, wala akong load e. Pinapasa ko. Hahaha.
IKAW: Send Failed! Tang ina! Sikwenta pesos na nga lang 'yung load kinuha pa! Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakaputang ina siya maging asawa. Nakakasawa na!
AKO: Nagtext ka, sabi mo: "Putang ina mo, hanggang kailan mo kukunin ang mga 'yan ng walang paalam? Tang ina mo ka." Nagtext ako pabalik. "Hi."
IKAW: "Hi." Bwisit. Ang lakas mantrip, humanda siya sa'kin mamaya sa bahay.
AKO: Hi. Hindi ko kinuha 'yung pera sa cabinet kasi sabi mo, nandito nga pala ako sa Cubao. Dumadaan ba 'yung pinapasadahan mong Jeep dito? Wala na akong pamasahe e.
IKAW: Akala ko kinuha na naman e. Siguro naman nadala na siya.
AKO: Hi. Sorry kagabi, sa kaibigan ko ako natulog e. Dumaan ka 'dun kaso mukhang hindi mo nakita, ayos lang. Binigyan ako ng kaibigan ko ng pamasahe.
IKAW: Sige na, uwi ka na. Salamat ah? Ang galing mo. Haha. Bilis, baka makita tayo ng asawa ko.
SIYA: Ewan ko ba sa'yo, bakit diyan sa lalaking 'yan ang napili mo. Mas magaling ako diyan! Haha.