"Hi. Good afternoon Sir. Im looking for Zoe Yco""Sino ho kayo? At anong kailangan niyo sa Asawa ko?"
"Im a private detective"
Pinakita ko sa kanya yung detective Id ko. Well actually fake lang yun gawa gawa ko lang yung id na yun, ang tagal na ring detective ng mga magulang ko kaya marami na rin akong natutunan sa trabaho nila. Inayos ko rin ang sarili ko para magmukhang kagalang galang pinusod ko yung buhok ko at nakasalamin din ako, pang disguise kasi I need to look older.
"Sge pasok po kayo"
Kahapon nagsimula na akong hanapin si Zoe Yco I was able to narrow down the long list of names with the help of TIto Jack so now wala akong choice kung hindi puntahan sila isa isa sa bahay nila..tsk!
"Hon. May maghahanap sayo"
Malakas na sabi nung lalaki. Nilibot ko naman yung paningin ko sa loob ng bahay.
"Sino daw hon?"Sigaw naman nung asawa niya na nasa kusina malamang kasi dun galing yung boses. Lumabas na yung babae.
"Detective daw hon"
Halata sa mukha niya ang pagkagulat at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tumayo naman ako
"Good afternoon. Im Chloe Gomez private detective. And you must be Miss Zoe Yco"
Inabot ko yung kamay ko sa kanya at nagshake hands naman kami. Hindi totoong Chloe Gomez ang name ko ah syempre peke rin yun mamaya hindi ito yung tunay na Zoe tapos nireveal ko tunay kong pagkatao edi wala na.
"Upo po tayo"
Tahimik akong umupo , ganon din ang ginawa nila.
"Ang bata mo naman para maging detective. Ilang taon kana hija.?"
Napasmirk nalang ako.
"Im already 26"
Yeah 26 minus 10.
"Oh hindi halata sayo"
Ngumiti na lang ako.
"Well anyway , Im here to ask you some questions"
Binuksan ko yung black briefcase ko at naglabas ng litrato ng isang makisig na lalaki. Nilapag ko yung picture sa table.
"He's name is Akihiro Sy. Do you know him?"
Tinignan ko siya diretso sa mata.
"Sorry hija pero hindi eh. Bakit?"
"Ah. Kasi pinapahanap siya ng kamag anak niya"
Tinignan niya muli yung picture.
"Hindi talaga eh."
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko yung picture at tinago ito muli tapos inayos ko ang sarili ko at tumayo.
"I guess nakuha ko na ang dapat kong makuhang impormasyon. Pasensya na sa abala"
Nagpaalam na ako at hinatid naman nila ako sa labas. Paglabas ko kinuha ko yung notepad ko at ballpen.
Okay 1 down 8 to go.
✖✖
8pm na at may tatlo pang natitira , iba't ibang Zoe Yco ang nakasalamuha ko may lalaki , babae , bakla at tomboy. Pagod na pagod na ako at hindi pa ako kumakain. Last na talaga itong isa tapos uuwi na muna ako. Sana naman this time worth it na. Tignan ko yung nasa folder ko.
Zoe Alexis S. Yco
-doctor
-32 years oldTinignan ko yung address tapos tinignan ko yung bahay na nasa tapat ko. Mukhang ito na nga. Inferness mayaman siya ,ang laki ng bahay eh. Pinindot ko yung doorbell.
Makalipas ang ilang segundo may lumabas na katulong mukha siyang nasa mid 50s na.
"Sino pong hinahanap nila?"
"Si Ms Zoe Yco"
"Ah sino po sila?"
"Im a private detective"
Pinakita ko yung id ko. Pinapasok naman niya ako sa loob at hinatid sa kwarto kung nasan daw si Zoe. Kumatok yung katulong at pumasok kami hindi pala ako lang kasi umalis na agad yung maid.
"Good evening Ms Zoe Yco"
Hindi ko siya makita kasi nakatalikod yung swivel chair na inuupuan niya.
"Ang tagal mo naman ata akong matagpuan Ms. Sy ,the daughter of the two famous detective here in the Philippines."
Nagulat ako sa sinabi niya , panong kilala niya ako? Siya na nga ba si Zoe Yco na hinahanap ko? Umikot ang swivel chair at inilantad ang buong mukha niya. The F. Hindi siya mukhang 32yrs old mukha siyang nasa 20 lang. Hindi maipagkakailang may lahi siya na nagpapadagdag sa kagandahan niya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya at nagsimulang maglakad papalapit saakin.
"Oh my beloved niece its nice to finally meet you"
Tapos niyakap niya ako. What? Tinawag niya ba akong "niece"? As in pamangkin? Pero alam ko walang kapatid si mom and dad. I mean si daddy meron pero matagal ng nawawala yung kapatid niyang yun. Tinulak ko siya palayo. Hindi ko siya agad pwedeng pagkatiwalaan.
"Sino ka ba talaga?!"
Yung pagkagulat niya ay napalitan agad ng pagtawa.
"Im Zoe Alexis Mirchoff Sy Yco and I bet you're looking for me?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Well totoo naman kasi ma hinahanap ko siya. Yun yung sabi sa code eh. Pero naguguluhan pa ako.
"Umupo ka muna. Mag uusap tayo. May ipapakuha lang ako kay yaya"
Tinawagan niya yung yaya gamit yung telephone na nasa table niya. Maya maya dumating na yung katulong na may dalang juice at ilang papel, folder at photo album tapos lumabas na yung katulong.
"Okay.. alam kong hirap kang magtiwala ngayon. Hindi kita masisi. Anyway sorry for what had happened. Kapatid ko ang daddy mo , ako yung long lost sister niya. Naglayas ako dahil pinipilit ako ng parents namin yung lolo at lola mo na magdetective din ako kaso ayoko . Gusto kong maging doctor. Pinangako ko na babalik ako kapag naging successful na ako pero hindi ko na naabutan ang mga parents ko."
Inabot niya sakin yung photoalbum. Binuksan ko ito at laman nito ang mga pictures nila ni daddy at mga grandparens ko. May nakita rin akong pictures nilang tatlo nila mommy . Inabot niya rin sakin yung mga files na nagpapapatunay na magkapatid sila.
"Alam ng daddy mo na dadating ang gantong pangyayari. Kaya inihabilin ka na niya sakin. Sakin niya rin pinatago yung ibang files na naresearch niya."
"So alam niyo kung sino ang pumatay sa kanila?!"
"Unfortunately , no. May mga alam lang akong details na pwedeng maging guide para mahanap sila."
Nalungkot naman ako. Akala ko mapapadali na ang paghahanap ko sa kanila.
"Bukas na natin pag usapan iyon. For now magpahinga kana. Pinaayos ko na yung magiging kwarto mo. Pati rin yung mga files mo okay na rin. Sa lunes papasok kana sa bago mong school."
"Teka ang bilis naman ata ! Dito ako titira? At anong school ang sinsabi mo?!"
"Yes. You'll be staying with me dahil sakin ka iniwan ng daddy mo. At yung tungkol sa school bukas ko na ieexplain."
"Teka hindi pa nga ako umoo!"
"Wala na tayong oras. Nagsisimula na sila."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong nagsimula na sila? Magtatanong pa sana ako kasyo biglang may kumatok.
"Come in"
Pumasok naman yung katulong.
"Yaya ihatid mo na siya sa kwarto niya. Dont worry about your things hija ipapakuha ko nalang. Goodnight!"
Lalabas na sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita
"Anyway just call me Tita Zoe or "mom" will do"
Masigla niyang sabi. Tsssk. Baliw na siya.
"Yeah. Zoe. "
-------------
BINABASA MO ANG
The Seizansha Of Shinzui Academy ( completed )
Mistero / ThrillerJezreel is the daughter of the two famous detective, Akihiro and Alyana Sy, both of her parents where murdered and Jezreel knew that the reason behind it is the case that they are investigating, because of what happened to her parents, Jezreel decid...