1

64 5 0
                                    

Trixie De Luna 's POV

Bigla akong napadilat dahil sa pagtunog ng cellphone ko.

"Hello?." Mabagal kong sabi.

[Si Jack to. Nasan ka na?!.. Mahuhuli na si Dave sa biyahe niya!.]

Nabuhayan ako nang marinig ko yun.. Ngunit bumalik ako sa pagiging kalmado ko nang maalala ko ang dapat kong gagawin.

"Di ako makakasama sa paghatid, may importante akong gagawin.. Pakisabi, sorry."

[Uy, Trixie, sa ibang bansa pupunta si Dave hindi sa kung saan lang.. Atsaka anong importante?. Mas importante pa ba yan kay Dave?.]

Bumangon ako at hinawi ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"Sorry talaga.. Importante kasi to. Pwede pa naman kaming mag usap ni Dave sa skype eh."

[*sigh* Bahala ka pag nagalit si Dave.]

"Jack naman eh.."

[Hello, Trix?. Si Dave to.. Please pumunta ka. Kahit saglit lang.]

[I just want to see you.. for the last time.]

"Dave, hindi pwede. May importante akong dapat gawin. Sorry tal------"

*end of call

Napabuntong hininga ako.

Wala akong gagawin.. Wala akong gagawin na kahit na anong importante.

At gustong gusto ko siyang makasama kahit sa huling pagkakataon.. Pero ayokong makita siyang umalis, hindi ko kaya.

Scarred [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon