My POV
"Bro.." napatingin ako kay Jungkook na umiiyak. Nginitian ko lang siya ng pilit at tinapik sa braso.
Ngayon na ililibing si Hoseok. Oo, si Hoseok.
"Jung Hoseok na myembro ng sikat na grupong BTS o Bangtan Sonyeondan, natagpuang patay--"
"BTS' J-hope, pumanaw na--"
"Jung Hoseok o mas kilala sa tawag na J-hope, ililibing na--"
"Armys feeling depressed after knowing what had happened; Is BTS' hope gone for real, for now and forever?"
Napasabunot ako sa aking buhok out of frustration. Sa mga araw na dumaan, hindi nawawala ang balitang iyon. Hanggang sa eto nga, ililibing na siya.
Maraming armys ang nasa gilid at umiiyak ang lahat. Nilagyan kasi ng bakod ang lugar na pagpapahingahan ni Hoseok kaya nandoon lang sila. Pinayagan naman ni Bang PD ang mga armys na dumalaw, eto naman na rin kasi ang huli. Ang huling araw na makikita namin ang malamig na bangkay ni Hoseok.
"Hoseok bro!" sigaw ni Jiwoo noona. Namamaga na ang kanyang mga mata sa kakaluha at hanggang ngayong ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak.
Pinagmasdan ko ang paligid. Andito ang pamilya ni hoseok at syempre ang mga natirang myembro ng bangtan.
Kim Seokjin, Min Yoongi, Kim Namjoon, Park Jimin, Kim Taehyung at Jeon Jungkook
Lahat ng tao na pumunta umiiyak, maliban sa isa.
**
Nagsisimula na kaming kumain habang ang napakaraming armys naman na pumunta ay nagsiuwian na. Hindi kasi sapat ang mga pagkaing nahanda pero mayroon pa rin namang mga armys na hindi pa umaalis. Ang iba kinakain na ang kanilang mga baon na pagkain at ang marami naman sa kanila ay nakatulala at patuloy pa rin lumuluha. Marami rin ang nahimatay. Balak pa ata na sundan si Hoseok.
"Wala na siya. Wala na si Hoseok. Iniwan na niya tayo!" Napatingin naman ako kay Yoongi na sumisigaw at umiiyak. Napangisi naman ako. Hindi ko inaasahan na iiyak siya.
"Tama na yan bro. Wala na tayong magagawa. Hindi na natin mababalik ang buhay ni Hoseok." Pinapatahan at pinapakalma ng maknae si Yoongi dahil sa kanyang pagwawala. Hindi nagpatigil si Yoongi at tinabig ang glass na may lamang grape juice na inabot sa kanya ni Jungkook. Nagulat ang halos lahat ng nakalikha ito ng malakas na ingay dahil sa pagkabasag ng baso at sa kabila ng mga hagulgol, natigilan at natahimik ang marami.
"Hindi! Hindi yan totoo! Hindi si Hoseok ang namatay at ang nakalibing dyan. Mga sinungaling kayo!" sigaw ni Yoongi kaya tuluyan ng tumahimik ang lahat. Napaupo na sa lapag si Yoongi at nakatakip ang mga kamay sa mukha. Para siyang nawawalang bata sa itsura niya.
"Tanggapin mo na! Huwag ka ng magsinungaling pa sa sarili mo. Mas mahihirapan lang tayong lahat na makapagmove on lalo ka na. Tumigil ka na!" gulat na gulat ang lahat pati na rin ako sa pagsigaw ng maknae. Hinding hindi sinisigawan ni Jungkook ang mga kuya niya kahit na galit na galit na siya dahil mataas ang respeto niya sa mga ito. Ito ang unang beses. Unang beses na sumigaw siya na galit na galit. Unang beses na hindi siya nakapagtimpi. At ito rin ang unang beses na sumuntok siya ng isa sa mga tinuturing niyang kapatid.
Sinuntok niya si Yoongi.
Lumala naman ang pagwawala ni Yoongi pero ilang minuto rin ay nag walk out na siya.
Magaling Yoongi. Magaling. Napaniwala mo kaming lahat.
Inikot ko ulit ang tingin ko at tumigil ito kay Jimin. Tahimik lang si Jimin at mahahalata mo na umiyak at umiiyak pa rin siya.