Mam!! Andiyan na po ang mga visitors ninyo!!...
Okay! Pakisabi wait a seconds! ..
Yes man....
Ang aga naman nila, pero okay lang naman tapos na rin naman ako mag training..
Ako si Marie Shintaro, 15 years old palang ako pero ako na ang nagpapatakbo ng 10 company na nakatayo sa bawat bansa.
Nag iisa lang kasi akong anak, namatay sa isang sunog na alam kung sinadya dahil isang bagay na nagpapatunay na may pumatay sa kanila.Ayaw ng mga kamag anak namin na makigulo sa company namin dahil takot silang mamatay..
Maraming nagbabanta sa company at sa akin kaya libo ang bodyguard ko , tuwing lalabas ng hardin pupuntang kusina at kahit sa ang lugar nakasunod sila.
May sarili akong private tutor sa bahay mula elementary hindi rin ako lumabas ng mansiyon kahit na sa gate ayaw nila kaya habang nasa bahay ako nag aral ako mag isa ng kung ano anong martial art at sa sobra kong kagustuhang mas lumakas kumuha ako ng mga martial art tutorial lahat ng mag poprotekta sa akin natutu rin akong gumamit ng ispada, baril, at lahat ng dilikadong armas natalo ko rin sa isang laban ang lahat ng aking mga bodyguard ko sa edad kung ito natutu na akong pumatay kaya lahat ng tao sa mansion ay takot sa akin kahit na ang mga bodyguard ko..Sa edad kong ito marami ang nagsasabi na hindi ko pa maaring angkinin ang company kaya nagdisisyon ang mga abogado kaya pumunta sila sa mansion para sabihin ang disisyon nila..
Good morning miss Shintaro!! Bati nilang lahat.
Tumango lang ako at umupo..
Miss Shintaro napagdisisyon na kami na kailangan mo munang matapos ang highschool at kapag natapos mo walang alinlangan naming ibibigay ang mana mo.. Sabi ng abogado ko.
What?.. Gulat kong sabi.
Pero paano ang mga nagbabanta kay miss Shintaro?? Tanong ni robert na assistant ni dady noon pero ngayon sa akin na siya..
Napagplanohan na po namin iyan!! Sabi ng isang abogado..
at may inabot sa akin na isang envelope.
Iyan ang sulosyon.. Sabi ng abogado ko..
tiningnan ko ang laman at laking gulat ko ng mabasa ko ito!!
What?? Gagawin ninyo akong isang stupid na nerd?? Sabi ko at inabot ko sa kanila ang envelope.
Ayan lang ang paraan na na iisip namin para lang walang magbalak pumatay sayo sa labas!! Paliwanag ng abogado ng dady ko.
Sa labas?? Bulong ko at naisip ko na makakalabas na ako ng mansion na walang bodyguard at nararanasan ko ang buhay sa labas..
pero lahat ng bagay na hawak mo ngayon tulad ng pera, magandang kotse, magarang bahay at maraming bodyguard ay mawawala ng isang buwan lang naman.. Paliwanag niyang muli..
Ano?? Lahat?? Pati na ang pera ko?? Babaguhin ninyo na nga ang katauhan ko pati narin ang pamumuhay ko?? Galit kong sabi..
isang buwan lang naman!! Sabi ng isang abogado..
Ano ka ba isang araw ngalang na wala akong pera naluluka na ako?? Isang buwan pa kaya?? Galit kung sabi.
Ayun lang naman ang alam namin para lang mapatunayan na karapatdapat kang mag mana ng company ng dady mo!! Paliwanag ng abogado ni dady.
wag kang mag alala tuwing linggo magpapadala kami ng pera panggastos mo at kapag mag emergency tawagan mo lang ako at magpapadala ako at higit sa lahat kasama mo si robert sa bahay na titirhan mo.. Paliwanag ng abogado ko..