Ang Tulang Ito ay para sa Iyo

52 0 2
                                    

Hiii.

I'm so sorry because I've been constantly failing in updating my stories. Huhu. It's just that it's been a busy year for me and I apologize T.T

At, bilang na rin na nagsulat ako rito sa Wattpad ulit, I just want to say that I'm taking a hiatus from Wattpad.

Yun lang. Mehehe.

-------------

Ang Tulang ito ay Para sa Iyo (Poem)

Ang tulang ito ay para sa iyo.
Hindi ko na ikukubli o pipilitin pang itanggi,
Ang isang bagay na nakikita na ng nakararami,
Maliban na lamang ang puso mo.

Ang tulang ito ay para sa iyo,
Kahit 'di mo man ito pansin.
Kahit ang 'yong isip ay kung saan-saan dumadayo,
Ang bawat saknong ko'y para sa iyo pa rin.

Ang tulang ito ay para sa iyo,
Bawat linya, sinisigaw lamang ang pangalan mo.
Kailan kaya darating ang araw na tutuparin na ng mga bituin,
Ang aking bawat hiling at mithiin?

Ang hiling na balang araw ay iyo nang mapuna,
Na kahit ilang beses kong subukan,
Ang puso ko'y sa'yo pa rin pumupunta;
Sa'yo pa rin humihiling na ito'y hagkan.

Ang hiling na sana, kahit minsan,
Mapansin mo rin na handa kong tahakin ang araw maging ang ulan,
Para lamang maparamdam sa'yo na narito ako;
Narito kung nais mo ako sa tabi mo.

Ang hiling na kahit ang pag-ibig ay 'di mo masuklian,
Malaman mo lamang na kahit saang anggulo ko tingnan,
O kung anong sakit pa ang kayang akitin,
Ika'y...mahal pa rin.

Ngunit...wala.
Hindi mo maaaring ituloy ang isang kwentong hindi naman nagsimula.
Dahil ang mata mo ri'y nakatitig sa kawalan,
At pilitin ko mang maging bulag, alam ko kung saan.

Tatahak tayo ng ibang daan dahil ito ang nararapat,
Ibang daan ang ating lalakarin dahil ang kasalukuyan ay 'di sapat.
At pilitin ko mang sayo'y maging karapat-dapat,
Sa aking sariling pangarap, kailangan kong maging tapat.

Ang tulang ito ay para sa iyo.
Dito ko na isisigaw ang lahat ng 'mahal kita' na kay tagal kong tinago.
Ngunit, kailangan din nating mabuhay sa mundong kinabibilangan,
Kay sakit mang sabihin, ang pamamaalam ay kailangan.

At darating ang araw na baka ang lahat ng tulang ito,
Ay magbabago ng pakiramdam at ang saya'y magigising.
Dahil darating ang araw na ang nararapat para sa ati'y darating,
At, baka sakali, ang susunod kong tula ay 'di na para sa iyo.

Ang Tulang ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon