[K-POP FANS FACTS]
[Fact #1]
"Having a bias is better than having a boyfriend"
[Fact #2]
"Kadalasan sa mga kpop fans ay mga single at halos walang boyfriend/girlfriend. Tama??"
[Fact #3]
"Nang dahil sa kpop world natuto kang magipon, maglagay ng credits sa mga post ng ibang spazzers, mas nasanay mag salita ng english, natuto kang makihalubilo sa ibang tao in short nagiging feeling close ka na, AT NAGING BYUNTAE KA"
[Fact #4]
"Nang dahil sa kpop world dumami na yung mga kaibigan mo. Kahit na sa Group "GC" Chat lang kayo nagkakilala. At kahit na hindi pa kayo nagkikita ay tinuturing nyo nang kaibigan ang bawat isa"
[Fact #5]
"Nang dahil sa Kpop natuto kang makuntento. Kahit na "free data" lang ang gamit mo okay na sayo. Basta may update ka langna malalaman tungkol kay Bias. Basta alam mo kung ano nangyayari sa Bias mo."
[Fact #6]
"Nang dahil sa Kpop naging abnormal ka. Pag nanunuod ka ng mga video nila, bigla bigla ka na lang titili. Minsan tatawa pa yan na akala mo naiintindihan yung sinasabi ng Bias nila. Tapos pag may rumors na tungkol sa Bias mo ay mabebeast mode ka kaagad. Pero pag nanuod ka na ulit ng mga video tungkol sa Bias mo, titili ka nanaman. Hays. Hirap maging abnormal"
[Fact #7]
"Pag may nakita kang post tungkol sa dating issue ng bias mo ay magcocomment ka agad. Sasabihin mo pa sa comment box na "Hays!! Sabi ko naman kasi kay *insert your bias name* na wag kami magpapakita sa mga tao eh!! Yan tuloy nahuli kami!!" Oh? Diba? Assuming ka. Tas pag may nakita ka pang proof tungkol sa rumors at may picture, sasabihin mo "SUS!! EDITED NAMAN YAN EH!! HINDI PEDE YAN BLAH BLAH BLAH" hahaha!! Selfish mang pakinggan pero gusto natin na sa atin lang ang Bias natin. Right?"
[Fact #8]
"Mahirap maging isang fan. Dahil hindi ka napapansin ng Bias mo at ng grupong kinabibilangan nito. Mahal ka naman nya eh. Mahal ka nya as a FAN lang. Wala nang sosobra pa. Hanggang dun na lang. Kaya minsan napapaisip ka na "Alam kaya ni *insert your bias name* na nageexist ako sa mundong to?" At hindi mo namamalayan napaiyak ka na pala. Sobrang hirap maging Fan"
[Fact #9]
"Minsan naman pag bored ka, lalapit ka sa poster ng bias mo at saka sya kakausapin. Dadating pa sa point na ikikiss mo yung poster dahil lang kay Bias. At feeling mo lagi syang nakatingin sayo"
[Fact #10]
"Kadalasan mas marami pang picture ni Bias sa phone mo kesa sa picture mo. At pag lumabas sa phone mo ang tumataginting na sign na"Your phone is out of storage." Mas mabuti pa sayo na wala ka ng picture sa phone mo basta may picture ka lang ni bias. Ganon mo kamahal si Bias. Dumadating pa nga sa point na idelete mo na lahat ng tagalog songs/english songs basta makapag download ka lang ng bagong song ng band group nya"
These facts is based on experienced by some kpop fans.
A/N: Hindi ko po nilalahat ang mga kpop fans sa update ko na to. But i'm sure na isa ka sa mga dyan hahahahha!! Peace!!
Hhahahaha excited na ako sa Encantadia. Yay!! Ganda ng mga cast!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/63615742-288-k284298.jpg)