Love Me, Love Me, Say That You Love Me Chapter 13

44 1 0
                                    

RAYNE’s POV

“Goodmorning Princess.” Bati sakin ni kuya Drake.

Aba , himala ata at maaga siyang nagising at lumabas ng kwarto niya ngayon. Pagtingin ko sa wall clock ay eksaktong 7am palang. Mamaya pang 8am ang pasok ko.

“Aba Prince, ang aga mo ata ngayong lumabas ng lungga mo ah.”

“Ano namang akala mo sakin daga ?”

“Hindi naman. Medyo lang.” grin.

Binato ako ni kuya ng throw pillow at nanuod nalang ulit. Ako naman dumiretso nalang sa kusina para mag-CR… haha. Joke. Syempre para kumain. Nang makarating ako dun andoon na si kuya Blake, lumalamon na. Aish, makasarili talaga to kahit kailan.

“ Hoy frog prince, may napapansin ka ba sa kambal mo ?” tanong ko sa kanya ng makaupo na ko.

“ Frog prince ka diyan. Sa gwapo kong to kinocompare mo ko sa frog ? Baka gusto mong mawalan ng allowance next week.”

“ikaw naman prince di ka na mabiro. Ikaw kaya ang pinakagwapong prinsepe sa kaharian ng mga palaka… este … sa earth pala.”

“ Buti alam mo. Dahil dyan may pasalubong ka sakin mamaya.”

“Really ?. Why ?. Saan ka ba pupunta?. “

“Wala. Dyan lang sa tindahan ni aleng diday.”

“Wow Prince, ang generous mo ngayon ah. Ang layo ng mararating mo. Baka kailanganin mo ng passport pagpunta dun ah.”

“ Nah. I don’t need one. I’ll take my private jet instead.”

“Private jet, Ilusyon mo dude ang taas , grabe ! “

“Yeah. Kanya kanyang trip yan. Why ?. you wanna join me ?”

“No. nevermind.”

“Ok…”

“hmm… but seriously prince, may bago ngayon kay  kuya Drake… pansin mo ba ?”

“Hindi. Bakit ?. di na ba siya nangangagat ngayon ?. Wala na bang supply ng dugo sa kwarto niya ?. di na ba siya allergic sa sunlight ?” sunod sunod na sabi ni kuya blake habang tumatawa.

Tsk.Tsk.Tsk. Adik talaga to kahit kalian.

Anong tingin niya kay kuya Drake, si Dracula ?. sabagay yun nga pala ang tawag niya sa kambal niya. “Drake the Dracula.”

Paano ba naman kasi mas gusto pa ni kuya Drake na magkulong dito sa bahay at matulog sa kwarto niya pag walang pasok kaysa ang sumama samin sa pagpunta kung saan saan. Madalas pa nga eh gusto niyang gumimick sa gabi hanggang medaling araw. And take note, mas gusto niyang umaalis ng mag-isa. Kaya nga madalas siyang napapagalitan noon nila mommy at daddy. Pero wala ding effect yun dahil matigas talaga ang ulo ni kuya… Ang sarap iuntog sa pader eh !. haha. XD.

At kaya nga madalas din siyang asarin ni kuya Blake noon na kaya siya hindi magkaroon ng girlfriend ay dahil walang makasabay sa trip niya… naalala ko pa yung pag-aasaran nila dati…

FLASHBACK !!!

Summer vacation kaya naman nandito kaming tatlo sa bahay nina lola isabela. Nakasanayan na din kasi naming na dito kami kina lola nagbabakasyon since madalas namang wala sina daddy.

At ngayon nga ay nandito kami sa garden. We’re having our merienda plus playing chess. Ito yung pinaka-gusto naming laro. Bata palang kasi ay madalas na kaming niyaya ni daddy na maglaro kasama nila ni lolo.

“Checkmate !” nakangising sabi ni kuya Drake.

Asar naman na tinabig ni Kuya Blake yung iba niyang chess pieces. Madalas kasi siyang natatalo ni kuya Drake. Kumbaga sa sampung laban nila eh dalawa o tatlong beses lang siyang nananalo laban kay kuya drake. Sabagay, sa tagal na bang naglalaro ni Kuya Drake parang imposible na talaga na matalo namin siya ng bonggang bongga.

Love Me, Love Me, Say That You Love Me (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon