Love Me, Love Me, Say that You Love Me Chapter 15

58 0 2
                                    

WRITER's NOTE : ayan since sobrang tagal ko ng di nagsulat dahil sa sobrang stress... im proud to say na ako'y nagbabalik :))) hahaha... echos lang... by the way para to sa mga friends ko na sobra ko ng namimiss :))) esp TUNAYN and 28d. haha. imiss u :) at para dun sa makulit na batang nangungulit ng UD daw. haha. KAPATID, eto na ! and lastly kay GANDA, welcome sa mundo ng romance. haha. medyo late na pero aus na to atleast winelcome kita. whahaha :)))

pasensiya na sa update. hinalungkat ko pa yan sa baul eh ^.^ <3

----------------------------------------------------------------------------------------------------

LMLMSTYLM chapter 15 :

“ oh princess bakit parang wala ka ata sa sarili mo ?” tanong sakin ni kuya Blake nang pumasok siya sa kwarto ko.

                Kakauwi ko lang sa bahay. Hinatid kami ni Terrence, hindi na kasi namin hinintay si Travis na sumama kay Jhustine para makipag-usap. Ang sabi ni Terrence baka matagalan daw ung dalawa o baka hindi na bumalik pa kaya nagsuggest na lang siya na umuwi na kami. Tinext nalang naming si Travis na nauna na kami.

                Pagdating sa bahay binate ni Rence at Rhianne si kuya Blake since siya palang ung nasa bahay that time at siya din yung sumalubong samin. Binate rin sila ni kuya tapos umalis na rin sila, pagabi narin kasi. Ako naman dumiretso na sa kwarto ko at humiga sa kama.

“huh?. What made you say that ? “ I asked him. Kumunot yung mukha niya habang nakatingin sakin.

kasi tingnan mo nga yang sarili mo ?. humiga ka na kaagad dyan samantalang di ka pa nakakapagbihis. Ambaho mo kaya for sure babaho rin yang kama mo. Maawa ka naman !” asar niya sakin.

“ ang sama mo prince. Di ako amoy araw no.”

“ weh ? paamoy nga ?” lumapit siya sakin at tinaas ung kanang kamay ko.

“ whaaaaaaaaaaaa !!! Prince ! you’re so gross ! “ binawi ko yung kamay ko tapos sinipa ko ng mahina si kuya. Ang bwisit, tumawa pa ! >.<

“ hahaha… sabi ko sayo ang baho mo na eh. Maligo ka na dun tsaka ka humiga. Para na din maging komportable ka. “ sabi ni kuya habang umuupo sa gilid ng kama ko.

“ ayoko. Tinatamad ako. “ tapos humiga nalang ulit ako at tumingin sa kisame.

                Di na nagsalita ulit si kuya. Pero feeling ko nakatingin lang siya sakin at parang may gusting sabihin. Naramdaman kong tumayo si kuya. Paglingon ko sa kanya papunta siya dun sa maliit na sofa sa gilid ng kwarto ko. Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya at may tinawagan. After 1 minute, mukhang sumagot na yung tinawagan niya.

“ hello Terrence… “ sabi ni kuya. “ anong ginawa mo sa kapatid ko ?”

“ KUYA BLAKE !!!!!!!!!!!!!!!! “

                What the heck is he doing ???!!! adik talaga to si kuya blake !. Napatayo ako bigla at inagaw ung cellphone niya. Tumawa lang siya. Pagtingin ko sa phone niya wala naming indication na may kausap siya. Tiningnan ko siya ng masama.

“ KUYA !!! “ sigaw ko sa kanya.

what ? nag-oover react ka dyan wala naman akong kausap !” sabi niya sakin habang tumatawa.

“ nababaliw ka na talaga ! “

“ hindi ah.” Hinila niya ko patabi sa kanya. “ ikaw kasi ayaw mo magshare kung ano ba talagang problema mo.” Seryosong sabi niya sakin then hinawi niya yung magulo kong buhok na nakaharang sa mukha ko.

Love Me, Love Me, Say That You Love Me (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon