Waiting Shed

1.2K 59 44
                                    

~WAITING SHED~

Hay naku! Walang hiyang Mark na yan. Wag lang syang magkamaling magpakita pa sakin, at siguradong mapapatay ko sya!

Sinama lang pala ako dito sa probinsya nila para lang ayain mag-SEX.

YUCK!

 Boyfriend palang sex na agad? Hindi ba pwedeng kasal muna? 

Kadiri talaga yung walang hiyang garapal na ungas na yun. Nakakapangilabot!!!

Kaya heto ako ngayon. Naglalakad sa kawalan.

Literal na kawalan.

Nangapal na sa alikabok ang mga paa ko sa paglalakad sa maladisyertong daan na 'to.

Alas-dos ng madaling araw. Walang mga poste ng ilaw. Walang mga bahay. Walang mga sasakyang dumadaan. Wala lahat maliban sa daang gawa sa alikabok sa gita ng malawak na bukirin.  

Moderno na ang panahon ngayon. Hindi na uso ang mga aswang at multo. Pero nakakatakot paring maglakad sa ganitong lugar. Malay ko ba kung may bigla nalang lumitaw na holdAper na mukhang aswang sa harap ko diba? O kaya rapist, kidnaper, NPA, Abu sayyaf. 

Tsk.. Wag naman sana.

Pilit ko nalang binilisan ang paglakad. Simbilis ng pintig ng puso ko.

Halos kalahating oras pa kong naglakad, o mas akmang sabihing tumakbo?

At sa wakas, nakatapak din ako sa aspaltong daan. May mga poste ng ilaw. May mga bahay sa paligid. May mga sasakyang dumadaan.

May nakita akong waiting shed sa di kalayuan kaya pumunta ako dun para umupo sandali at magpahinga. 

Pero gustung-gustung-gusto ko na talagang makauwi, kaya tumayo din ako agad para pumara ng sasakyan.

May paparating na tricycle.

Pinara ko.

Pero nilagpasan lang ako. 

Hanep! Isnabero. Mabangga ka sana!

Di bale, may paparating pang  isa. Pero sobrang bilis magpatakbo kaya nilagpasan lang ako nito bago pa makasenyas ang kamay ko.

May sumunod pang jeep. Private. Pero sinubukan ko paring parahin. Nilagpasan lang ako. Tanga lang e noh? Private nga e. Natural lagpasan ako nun.

Dumaan ang tricycle.

Dumaan ang jeep.

Dumaan ang truck.

Dumaan ang kotse.

Pero walang nag-abalang huminto.

Yoko na!

May paparating na tricycle.

Sinubukan ko ulit parahin.

Lumagpas.

Pero biglang huminto sa di kalayuan.

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa... Gusto ko  na talaga umuwi. Kaya dali-dali akong tumakbo at sumakay dun.

Sa terminal po. Sabi koTumango lang yung driver tapos pinaandar na ang tricycle.

Suplado rin???

Parang medyo suplado po mga tao dito noh?... Napalunok yung driver, akala yata pinariringgan ko. KANINA PA PO AKO NAKATAYO DUN, WALA MAN LANG NAGSAKAY SAKEN...   Medyo nilakasan ko pa ang boses ko para matalo ang ingay ng motor. BUTI NALANG PO DUMATING KAYO.

Wala talagang magsasakay sayo dun..  

BAKIT NAMAN PO?!  Pasigaw na tanong ko. Pilit na tinatalo ang ingay ng motor.

KAMAKAILAN LANG KASE, MAY NATAGPUANG BANGKAY NG BABAE DUN.  Mas nilakasan pa nya ang boses nya para tuluyang mangibabaw sa ingay ng motor.

DOON MISMO SA WAITING SHED KUNG SAAN KA NAKATAYO KANINA.

GINAHASA DAW.

 PINUGUTAN NG ULO.

KATAWAN LANG ANG NA-RECOVER NG MGA PULIS.

HINDI NA NATAGPUAN YUNG ULO NG BABAE....

Kaya hindi ka nila pinasakay.....

Nung nakatayo ka kasi sa waiting shed kanina... 

"WALA KANG ULO..."

KorniKornierKorniestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon