MENTION

539 42 38
  • Dedicated kay JMP
                                    

~MENTION~

Note: Ang Mention ay isang malaking bahay na kadalasang tirahan ng mga Don at Doña.

Isang napakalaking abandonadong mansyon na napapaligiran ng mga tae at magagarang barong-barong ng mga informal settlers ang nakatayo sa gilid ng estero. Ang nasabing mansyon ay pagmamay-ari ng yumaong hari ng hip-hop dancing na si Don Pepot. 

Mula nung maganap ang kahila-hilakbot na massacre sa mansyon ni Don Pepot, habang may Hip-hop dancing competition na nagaganap sa kanyang bahay, ay nabalot na ng ibat-ibang kwento ng mga kababalaghan ang nasabing mansyon. 

May sabi-sabi na madalas daw makita ng mga bangag na tambay ng lipunan si Don Pepot na nagsasayaw ng Harlem shake mash-up with Gimmie gimmie sa kanyang hanted mansyon tuwing 7:00 ng umaga. At may mga tsismosang may third eye, third ear at third mouth ang nagsasabing may dalaga't binata, tatay at kirida at, tomboy at bakla na gumagawa ng kababalaghan sa loob ng nasabing mansyon. 

Isang gabi, nagulantang ang lahat nang makita nila ang isang kulay puting UHO (Unidentified Hanging Object) sa tuktok ng mansyon ni Don Pepot.

Nakaramdam ang lahat ng matinding kilabot. Tumaas ang lahat ng balahibo nila sa katawan habang nilalamig at pinagpapawisan ng malagkit.

Kaya naisipan nilang tumawag agad ng pulis, na dumating naman agad pagkalipas ng dalawampu't isang oras.

Pero hindi kinaya ng mga pulis ang matinding kilabot na hatid ng UHO at ng mataeng mansyon, kaya kinailangan pang tumawag ng back-up. Dumating ang buong pwersa ng PNP, PMA, PBA, NPA, Baranggay Tanod, at mga Kagawad na todo-bigay sa  pangangampanya, todo-bigay din ng isang daan (kenat apord ang 500).

Pero wala. WaEpek. Tinablan lahat ng kilabot kahit ang makakapal na EPAL ng lipunan.

Pero nabuhayan ng loob ang lahat ng dumating si.. 

*Drum roll*

2 Hours Later

Tentenenen.....

Si SUPER MARIO!!!

*palakpakan*

Dumating si Super Mario na naka-Van Helsing costume at may hawak na Cherry Mobile Phone sa kanyang kanang kamay na nagsasabi :

"Mga kababayan ko.. Bilib ako sa sarili ko.. Kung sino man ang may video ni chito sa inyo.. Pa-Blutut naman.. plis?"

"AKO!!!" Sigaw ni Kapitan, kahit hindi ko alam kung paano sya napunta dito."SIGE!!! May BONUS kapang Complete Collection ni Maria Ozawa  basta magapi mo lang ang UHO na yan!!!" 

Kaya agad-agad na tumalon si Super Mario patungo sa mansyon na may ngiti at nag-uumapaw na laway sa mga labi.

Tumalon-talon sya sa mansyon hanggang sa makarating sya sa tuktok ng masyon kung saan naroon ang mahiwagang UHO.

Ilang sandali pa at hawak na nya ang UHO at pasigaw na nagsabi:

"PAROL LANG PALAAAAA!!!"

Walang Nag-react.

Wala na ang mga uzi.

Nalaman nilang walang kwenta talaga ang kwentong ito kaya minabuti ng taeng bayan na umuwi nalang at manood ng Kap's Amazing Stories.

Pero biglang naka-isip ng twist ang walang kwentang otor.

Kung matagal ng abandonado ang mansyon. Sino ang nagsabit ng PAROL?

 Pero buti nalang at sinaniban ng katinuan ang ating walang kwentang otor at naisipan na nyang isulat  ang salitang kanina pa hinihintay ng mga mambabasa ( kung meron man).

WAKAS.

~ - ~

Ang mga kwentong ito ay bahagi ng kwento ng aming kamusmusan. Pasensya na sa kakornihan. Para kay JMP... Maligayang Kaarawan.. Pasensya na lagi kong nalilimutan:)

KorniKornierKorniestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon