Alam niyo 'yung feeling na gustung gusto mo yung isang tao pero sobrang deep na ng feelings mo sa kanya na okay lang sa iyo na iba yung makasama niya if ever. At maghihintay ka na lang for the right time para sa taong para sa iyo? Siyempre, hihilingin mo rin na siya na yun. Pero basta't makita mo lang na masaya siya, masaya ka na rin. Kaya ayos lang ang lahat.
Pero ano ba 'yung "right time"? Paano mo ba masasabi na ito na 'yung tamang panahon kung wala naman 'tong naka-set na date? Di ba? Mararamdaman mo ba? E kasi kung ganon, edi dapat, lahat tayo alam na. Pero hindi e. Hindi talaga e. Dapat tanggapin natin na bigla bigla lang yang darating. Hinding hindi natin ito maiiwasan. Ang problema lang, 'wag niyong hanapin. Let fate take its place.
Pag may dumating na pag-ibig na alam mo, baka ito na 'to, 'wag mong itaboy. Take the risk. Pero still, just take it slow. Marami na kasing nagmamadali e. Yung alam niyo na. Siguro maraming in love sa idea ng love kumbaga gustung gusto na kaya ayun. Pero depende na rin, nasa sa atin ito e. Di natin maiiwasan. Minsan kung sinasabi natin na magiging ganito tayong klaseng tao, mababaliktad naman. Kaya hindi rin talaga natin alam kung magiging ano tayo pagdating ng panahon.
May times talaga na dapat, tanggapin na lang natin. At kung nahulog tayo sa expectations natin, tumayo na lang tayo. Wag tayong bumaba dahil dun. So ito yung aking storya. :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Charlene.
Simple lang ang buhay, madaldal, at marami pang iba.
(Nakakatamad e, haha!)
Love-hater ako. Proud pa ako noong first year kami na wala akong crush. Kasi wala talaga. Haha!
At kung meron man, ewan ko lang kung bakit. Marami akong kaibigan ta's ayun, sobrang kulit namin. At nagkaroon ako ng kaibigan sa ibang section. Di kami nag-uusap sa personal pero kilala pa rin namin ang isa't isa. Siya ay si Deo. Halos ang dami naming similarities. Hilig ko, hilig niya. Hilig niya, hilig ko. Yung ganun? Hayun, natuwa ako. Pero may mga ayaw din siya na gusto ko o yung gusto niya na ayaw ko. Can't help it, ganun talaga. Dahil dun, naging close kami. Di naman ganun ka-close pero okay na rin.
Pagdating ng pagiging sophomore, bam! Parang 'di kami naging kaibigan. Nung first week, okay pa. Pero habang nagtagal, nawala na. Ta's palagi ko siyang hinahanap, parang alam niyo yung feeling na you could've been great friends? Kasalanan ko rin e. Nailang na ako na makausap siya, basta. Di ko alam kung bakit pero parang tuwing itatry ko siyang hi-an sa school, ang hirap? Di ko siya matignan ng maayos sa mata kaya ayun, iwas na lang ako. Hanggang sa umiwas na rin siya.
Di nagtagal, nagkaroon na ako ng pagtingin sa kanya. Di ko matanggap kasi sobrang layo niya sa kung anumang ideal ko pero out of nowhere, I liked him.
Pinaglalaruan ako ng mga nararamdaman ko for so long na ngayong third year na ako, dun ko lang na-realize na siya na talaga. Na kahit gaano pa karaming crush ang meron ako, siya pa rin yung tipong bubuo ng araw ko basta makita ko lang siya. Pero bakit ang sakit? *sigh*
Di ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito ng dahil lang sa kanya. Lalo na't nung parehas na lunch namin. Makasalubong ko lang siya, parang ako na yung, "Pwede na ba akong himatayin?" Haha! OA naman 'pag mamatay. Kung iisipin niyo rin, OA na rin yung pwede nang himatayin e. Hahaha. Pero ayun nga, kahit na. Marami na rin akong napagsasabihan. Biruin niyo, halos dalawang taon ko itong tinago?
Natatakot lang ako na baka malaman niya na rin. Kasi kung malalaman niya, edi dapat, galing sa bibig ko. Hindi sa bibig ng iba. At alam kong imposible rin na magkakagusto siya sa akin kasi ano ba ang meron sakin? Wala naman e.
BINABASA MO ANG
Unrequited forever?
RomansaA story that is yet to have its ending. Let's find out together. Okay? :">