Feeling Is Mutual

785 15 1
                                    

One Shot Story Present "Feeling Is Mutual"

Kim Sae Ron as Chelsea

Nam Wooyhun as Kyle

Chelsea's P.O.V

"Bessy, Punta tayo mamaya sa amin ah." Sabi ni Shane.

May gagawin kami kasing project at partner kami. Napagdesisyunan namin na sa kanila na lang kami gumawa ng project.

Besides ka-close ko naman si tita.

"Ah nga pala wala sina Mommy at Daddy. You know honeymoon daw." Nakangiting sabi niya.

"So it means wala kang kasama sa bahay niyo?" Tanong ko.

"No. Si kuya nasa bahay din."

"Okay..."

****

Nandito na kami ngayon sa bahay nina Shane. Naka pangbahay lang ako. Nagpaalam na din ako kay Mommy na dito na lang ako matutulog.

Pumayag naman si Mommy. Nagtitiwala kasi siya Sa bestfriend ko.

"Simulan na natin. Para bukas wala na tayong gagawin at magshoshopping na lang."

Oo, walang pasok bukas dahil sabado. Pero trip lang namin talaga ngayon gumawa ng project para wala ng masyadong gagawin bukas o sa linggo.




Sinimulan na namin ang project namin. Kumuha ako ng lapis at tinasa ito. Drawing kasi ang gagawin namin sa Illustration board. Tapos bibigyan namin ng paliwanag ang dinrawing namin.



"Shane kain muna kayo!" Sigaw ni kyle mula sa baba.

Si Kyle ang kuya ni Shane. Hindi kami gaanong close kasi minsan nakakailang ang tingin niya. Pero aaminin ko sa inyo. May gusto ako kay Kyle pero hindi alam ni Shane. Gusto ko lang muna isekreto kahit alam kong maling magsekreto sa bessy ko.

Tumayo na si Shane,"Tara na. Kain muna tayo, Gutom na ako eh."


Tumayo na din ako. Lumabas na kami sa kwarto ni Shane at bumaba na papuntang kusina.


Umupo na si bessy at ako naman ay umupo sa tabi niya.

Nagktainginan naman kami ni Kyle kasi kaharapan ko siya. Ngumiti ako sa kanya. Siya naman ay nagstay lang sa pagkakatitig sa akin.

"Ang sarap naman nito kuya. The best ka talaga." Pambabasag ni Shane sa katahimikan.




Nagsimula na akong kumain. Hindi ako makakain ng maayos dahil naiilang ako sa kaharap ko. Kumakain naman si Kyle pero nakatitig pa rin siya sa akin.


"Ay... salamat natapos na din. Bessy, una nako sa taas maliligo muna ko ah. Kuya wag mong pabayaan ang bessy ko." Tumango naman si Kyle. Umakyat na si Bessy sa taas.



"Hmmm... Ako na ang maghuhugas ng plato." Sabi ko ng matapos kaming kumain.


"Ako na lang." Sabi niya at kinuha sa akin ang mga plato.


"No I insist." Sabi ko at kinuha ang mga plato sa kanya.

Dahil sa mapilit siya binigay ko na sa kanya ang mga plato. Tapos ako na ang nagpunas sa table.

Nabigla ako ng biglang may humapit sa bewang ko. Gosh ang init ng mga kamay niya.

"K-kyle..." utas ko.


"Can I talk to you?" Tanong niya.

Tumango ako.

Hinila niya ako papunta sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama niya at siya naman ay nakatayo sa harap ko.

"Chelsea, I cant take off my eyes to you. Youre so Attractive. Damn, Im being corny." Sabi niya at napakamot sa ulo niya.

"Ahm.. Kyle. Daretsuhin mo na lang ang punto mo." Sabi ko.



Pinatayo niya ako at yumakap siya sa akin.


"Gustong gusto kita, Chelsea." Bulong niya sa tenga ko.

Nanlaki naman ang mata ko. O my ghad! GUSTO AKO NG GUSTO KO.



Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin.



Ewan kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinalikan.

"Gusto din kita, Kyle." Sabi ko pagkatapos ko siyang hinalikan.


Binuhat niya ako dahil sa saya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon