I like you too (Yeonjun of txt)

159 3 10
                                    

I like you too (Yeonjun of txt)

Cast:
Yeonjun
You as Shaine
Soobin
Yeji

Shaine's P.O.V.

"Ready na ba lahat ng dadalhin mo?" Tanong sa akin ni Mama.

Aalis kasi kami ngayon. Pupunta kami sa isang resort ng mga kaklase ko. Last year na namin ito sa college kaya naman naisipan naming magsaya.

Kasama rin ang gustong gusto kong si Yeonjun. Sad to say kasama rin ang girlfriend niyang si Yeji.

Tumango na ako kay Mama.

Ilang minuto lang ay dumating na ang van. Tatlong van ang gagamitin namin.

Sumakay na ako. Ang may space nalang ay ang tabi ni Yeonjun kaya roon na ako umupo.

Nakita ko pa ang pagtingin sa akin ni Yeji kaya naman umiwas nalang ako.

Tahimik lang akong umupo at kinuha ang earphone ko.

Gumana na ang van. Tumigil ito nang makarating kami sa last na susunduin. Si Soobin.

Pumasok na ito at umupo sa tabi ko dahil iyon nalang ang bakante. Bali si Yeji, Yeonjun, Ako, at si Soobin ang magkakatabi.

"Hi." Bati sa akin ni Soobin. Mahina lang ang tugtog ko kaya naman narinig ko iyon.

Ngumiti lamang ako sa kanya. Napabaling ako kay Yeonjun nang gumalaw ito. Malamig ang tingin na ipinukol niya sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin.

Sa araw araw na nagkakatinginan kami ay ganoon lagi ang kanyang tingin. Napakalamig. Ni hindi mo alam kung anong iniisip niya tungkol sa'yo.

Ilang minuto lang ay nakatulog ako.

Nagising ako ng saktong pagkadating namin. Nabigla pa ako ng makitang naka-unan sa braso ko si Soobin. Pero mas nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may nakahawak sa bewang ko. Ang kamay ni Yeonjun and take note, nakaunan ako sa kanyang braso.

Mabilis akong gumalaw kaya naman napagising si Soobin."Sorry." Paumanhin ko.

Ngumiti ito sa akin,"It's okay. By the way thank you."

Hindi na ako nag-abalang tumingin sa isa ko pang katabi dahil nahihiya ako.

Bumaba na kaming lahat.

"Finally!" Sigaw ni Kai na isa sa mga kaklase namin.

Excited ang lahat kaya naman naglakad na kami papasok sa resort.

Two nights and three days kami rito. May mga reservation na rin kami sa kwarto.

"Guys we have a problem." Saad ng press namin na si Taehyun.

"What?" Masungit na tanong ni Yeonjun.

"Magkukulangan tayo ng isang room. Mali pala ang nagsabi ko. Walang naka reserve na room para kina Shaine at Yeji."

Napakagat naman ako sa aking labi. Wow. Sa dami namin ay isa pa talaga ako sa mga walang kwarto. Pero aware naman ako na si Yeji ang room mate ko.

"They can share with us." Saad ni Soobin.

"Ah?" Tanong ko naman.

"May dalawang malalaking kama naman. Share nalang kami ni Yeonjun sa isa at sina Shaine nalang dun sa isa." Pagsagot nito.

Napatango naman si Yeji,"That's good kesa naman wala kaming matutulugan."

Napatango nalang ako. Kesa wala nga naman kaming matulugan.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon