4

29 1 0
                                    


"WHAT?!" Dumagundong sa loob ng office ni Shone ang malakas at galit niyang boses.

"S-sir, sorry po! I-iyon po ang sabi ni Mr. Vargas. S-since hindi natuloy ang business meeting ninyo, saka nalang daw i-reset. M-may importante daw siyang lakad bukas at hindi siya pwede. H-hindi rin daw pwede na makalawa at sa susunod na araw dahil aalis siya ng bansa. T-tatawag nalang daw siya kung kailan pwede!"
Nagkakandautal na paliwanag ng seceretary niyang si Wena na nasisilong sa malakas niyang boses at tila nanlilisik na mga mata.

"Oh, God!" Napasuklay siya sa sariling buhok.
"Do you think nagalit siya sa pag-cancel ko sa meeting kaya parang ayaw na niyang ituloy?"

"P-parang ganoon. P-pero baka naman ho pagbabalik niya galing sa ibang bansa ay siya na ang mag-set ng meeting ninyo."

"Damn!" Lalong nagngitngit ang kalooban ni Shone.
That's a one-hundred million peso contract! Oh God! and  I've almost lost it now because of that woman? Oh, no! Kapag tuluyang nawala ang kontrata ko may Mr.Vargas ,that's a lot of loss in our company! Tss! BADTRIP PUTA!

"S-sir, p-pwede na ho ba akong bumalik sa mesa ko at—"

"Of course! Nasabi mo na ang gusto mong sabihin, ano pa bang kailangan mo rito sa office ko? Get lost!"

"Y-yes , Sir!" Agad na lumabas si Wena na bahagya pang namumutla.

Habang si Shone ay pasalampak na napaupo sa kanyang swivel chair.
Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Damn that woman! Kung hindi siya natapilok . Hindi ako maaabala! -he thought.

Kaya sa maghapong iyon, hindi alam ng binata kung saan ilalagay ang sarili, inis na inis siya na hindi maipaliwanag.
Pero kung hindi ko naman siya tinulungan at dinala sa hospital kanina, nakakaawa naman siya. Isa pa, kahit na iniignora ko ang pakikipagkaibigan niya, hindi naman maikakailang talagang magkatapat -unit  kami! Oh Shit! Bakit kasi kailangang matapilok siya?

Hanggang pauwi na si Shone ng gabing iyon ay tila aligaga parin ang kanyang pakiramdam.
Ano na kayang nangyari sa paa niya? Baka mamaya ay inihakbang nya ang paa nya ah! BAka lalong mamaga yun!

Kusa siyang natigilan habang nagda-drive pauwi.
Just in case na ginawa nga niya yun, ano naman ang pakialam ko? Kasalanan nya kapag lalong namaga ang kanyang paa. Matigas ang ulo nya eh! Wala na akong pakialam sakanya okay? I've done my part as a concerned citizen. Kahit paano ay nagpaka-gentleman ako. At malaki ang naging kabayaran sa pagnanais kong maging mabuting kapitbahay. SO, tama na iyon. I shouldn't bother myself because of her anymore!

Pero ng makarating na sa basement parking si Shone, kusa siyang natigilan sa gagawin sanang pagbaba sa sasakyan ng mapasulyap sa stiletto shoes na naiwan ni Shella sakanyang kotse.
Oo nga pala,nang kargahin ko sya kanina ay hindi ito suot.

Ilang sandali napaisip siya, mayamaya ay dinampot niya ang sapatos at bumaba na ng sasakyan.








*

"OH!" Naalimpungatan si Shella sa malakas na tunog ni Ding Dong door bell.
Sino kaya ito?
Dahang dahan siyang tumayo mula sa sofa at paika-ikang tinungo ang pinto.

"Sino ang—" Natigilan siya ng makita kung sino ang kanyang bisita.
"I-ikaw pala, naku halika pasok. Ah nakatulog ako eh. Ngayon lang ako nagising at—"


"No, I won't come in. Kumatok lang ako para ibigay sa iyo itong sapatos mong naiwan sa kotse ko."
SAbay taas ng hawak na sapatos.

"Ay naku! Oo nga pala. S-salamat ha? Pasensiya na, naabala ka na naman."
Agad niyang kinuha ang sapatos.

"Kamusta ang paa mo?"
Pakaswal nitong tanong.

MY NAUGHTY NEIGHBORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon