Part 31

23.7K 464 2
                                    

DAMPI lang ang ginawa ni Bearlan na halik sa labi ni Tiffany, pero matagal. Umabot ng ilang minuto.

Hindi tumutol ang dalaga kaya nakangiti si Bearlan na inilayo ang labi nito sa matamis na mga labi ni Tiffany. Subalit napangiwi ito nang makitang dilat na dilat ang mga mata ng dalaga.

"Oh, crap! May nagki-kiss ba na dilat na dilat ang mata?! Sana naman ay pumikit ka, 'di ba? Para mas romantic!" dismayado nitong sabi.

Kumurap ang mga mata ni Tiffany.

"Oy, Tiffany, you okay?" Yugyog si Berlan sa balikat niya.

Doon na parang nagbalik sa reyalidad si Tiffany. Maya-maya ay sinugod niya si Bearlan ng suntok sa dibdib. "Walangya ka! Bakit mo ako hinalikan?! Nakakadiri ka! Nakakadiri ka!"

"Stop it, Tiffany!" Umiwas-iwas si Bearlan.

"G*go ka! Papatayin kita!" Nagwala na talaga siya. Nagpatuloy siya sa pagsugod sa binata.

"What the hell did I do wrong?! Eh, natulala ka nga sa kiss ko!" Pag-iwas pa rin si Bearlan sa kaniya ngunit nakapumoso naman ito ng ngiti kaya nanggigil pa siya lalo. Dahilan para hindi na nila namalayan na napalusong na sila sa dagat.

"G*go ka! Okay lang sana kung lalaki ka! Pero bakla ka, eh! Bakla ka!" Pinanay na niya ang suntok sa binata pero nahahawakan naman ni Bearlan ang kamay niya.

"Sabing tama na! Isa!" awat pa rin ni Bearlan sa kanya hanggang sa may bandang balakang na sila napunta na tubig ng dagat.

"Sira-ulo kang bakla ka! Manyakis!" Sige pa rin siya. Gigil na gigil talaga siya.

Mahigpit na hinawakan ni Bearlan ang dalawang kamay niya. "Tiffany, ano ba?! Stop it! Hindi ako bakla!!" at bulyaw ni Bearlan sa kaniya.

Biglang natigilan si Tiffany. "A-ano'ng sabi mo?"

Pilyong napangiti si Bearlan. "Bawal ulitin. Dapat kasi nakikinig kang mabuti. Ang ingay mo kasi."

Naningkit ulit ang mga mata niya. "Pinagloloko mo ba ako, hah?! Sabing ano 'yong sinabi mo?!"

Malutong na natawa ang ginawa ni Bearlan. "Alin do'n? An'dami ko nang nasabi, eh."

"Yung huling sinabi mo!"

"Ah, 'yon ba. Sige uulitin ko pero pa-kiss muna ulit," pilyong paglalambing ni Bearlan.

Marahas na itinulak niya ang noo nito. "Ang kapal mo!"

Lalong nagtatawa si Bearlan.

"Ano nga 'yong sinabi mo kasi?!"

"Ang sabi ko ay hindi ako bakla."

"Ano? Pakiulit nga ulit?"

"Sabi ko hindi ako bakla!"

"Ano ulit?!"

"Aaisst! Sabi ko hindi ako bakla! Hindi ako beki! Hindi shukla! Dahil lalaking-lalaki ako, Tiffany!"

"Eh, di wow! Neknek mo!"

"Totoo nga. Kaya sana ay TAYO NA LANG, PWEDE NAMAN dahil hindi naman talaga ako bakla. Nagpapanggap lang ako dahil ayokong magpakasal kay Jullie Anne," madamdaming sabi pa ng binata.

Binawi ni Tiffany ang mga kamay at ilang hakbang na napaurong. Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman niya. Muntik pa siyang ma-out of balance sa tubig dahil may naapakan siyang kung ano.

"Oh, careful?" Aaalay sana sa kanya ni Bearlan pero inunat niya ang isang kamay niya sa pagitan nila.

"Huwag kang lalapit! Sinungaling ka! Huwag mo nga akong pag-trip-an! At huwag na huwag mo akong hahawakan!"

"Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?"

"Hinding-hindi ako maniniwala sa iyo!" Nagalit na siya.

"Pwes, uulitin ko sa 'yo! Hindi ako bakla! Hindi kami bakla ni Rick! Lalaking-lalaki kami! Nagpapanggap lang kami!"

Literal na napanganga na siya. Her heart skip a beat.

"Please believe me, Tiffany," samo na ni Bearlan. "And I like you kaya kita hinalikan kanina. Hirap na hirap na kasi akong pigilin ang damdamin ko para sa 'yo kaya umamin na ako."

"T-totoo ba ang sinasabi mo?" Puso niya ang gustong maniwala at hindi niya 'yon makontrol dahil ang totoo naglulundag na sa sobrang kasiyahan ang puso niya. Namula na rin ang mga mata niya. Nagbabadya na ang mga luha niya.

Sunod-sunod ang naging tango ni Bearlan kasabay ng dahan-dahang paglapit sa kanya. 'Yong mas malapit keysa kanina. 'Yong parang hininga na lang nila ang namamagitan sa kanila.

"I love you, Tiffany. I really do kaya 'di ko na matagalan ang pagpapanggap ko. Bahala na kung isusumbong mo ako kay Mommy. Ang mahalaga sa 'kin ngayon ay masabi ko na sa 'yo ang totoong damdamin ko at 'yong totoong ako," masuyong sabi pa ni Bearlan.

Namula ang mga mata ni Tiffany. Nangilid na ang mga luha niya sa kanyang mg mata pero pinipigilan niya. Ayaw niyang umiyak. Ayaw pa rin niyang umasa na totoo ang mga naririnig niya.

"Hindi ka pa rin naniniwala?"

"Paano ako maniniwala? Paano ako makakasiguro na lalaki ka nga?"

Hindi salita ang isinagot ni Bearlan kundi masuyong halik. Halik na may kalakip na sobra-sobrang pagmamahal. At rmdam na ramdam na iyon ni Tiffany. Tinugon na niya ang halik ng binata. Naglaban ang kanilang mga labi. Masuyo at puno ng pagmamahal.

At nang maghiwalay sila ay nagtitigan muna sila bago nagyakapan.

"Naniniwala ka na?"

Animo'y nasa alapaap na si Tiffany na tumango.

"I love you, Tiffany."

"Gusto rin kita, Bearlan, at handa kitang mahalin din dahil noong unang kita ko palang sa iyo ay crush na kita."

"Huh?" Sa kabiglaan sa kaniyang inamin ay bahagyang naitulak siya ni Bearlan papalayo.

Matamis na napangiti si Tiffany. "Ang totoo ay crush na kita noon pang nakita kita sa gate ng bahay niyo tapos pinasakay mo pa ako sa kotse mo. Akala ko nga anak ka din ni Madam kaya nang nakita kong ikaw si Bearlan ay muntik na akong mahimatay."

"Seriously?"

Tumango siya ng sunod-sunod.

Niyakag siya ni Bearlan at mulinh niyakap. "Ako rin, Tiffany. Nagustuhan na kita noon pa. Unang kita ko palang sa iyo sa sementeryo. Hindi ka na nawala sa isip ko."

Naitulak din ni Tiffany ang binata nang may maalala. "Anong sinabi mo na sementeryo?"

Nagtatawa si Bearlan bago inamin ang tungkol sa pagkakakita niya rito sa sementeryo. Kilig na kilig naman si Tiffany na muling yumakap sa ngayon ay nobyo na niyang si Bearlan Grylls.

Hindi nga lang nagtagal ay biglang natigilan si Bearlan at parang nahintakutan na kumawala sa pagkakayakap nila. Napatitig na sa tubig ng dagat.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Namimilog ang mga matang inginuso ni Bearlan ang tubig. At nang ma-realize din niya na nasa tubig pala sila ay napadilat din siya ng mata. Oh, no!

Mayamaya pa'y hitsurang nanghihina na si Bearlan. Pinagpawisan na ng malapot. Nahirapan na rin itong huminga.

"B-Bearlan?!"

"Ti-Tiffany!" Humawak sa kanya ng mahigpit si Bearlan. Para na itong magkokolaps.

"T*ngna mo, Bearlan! Huwag kang mamamatay kundi papatayin kita! Ngayon pa na tayo na! Lumaban ka!" Hindi na niya alam ang gagawin. Kaybilis na rumagasa ang mga luha niya sa pisngi. Buti na lang at naisipan pa rin niyang humingi ng saklolo. "Tulooong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya ng malakas.

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon