" Ellah, nalilito ako. Gusto kita ngunit siya ang laman ng isip ko. Ayaw kitang ma wala pero hindi ko ma-intindihan kung bakit nandito parin siya sa utak ko. " sabi niya sa akin.
Pumatak ang aking mga luha sa aking narinig. Hindi ko ma-intindihan kung bakit? Bakit niya na gawa sa akin ito.
" Putang*na mo Rhon! Bakit ka naki pag balikan sa akin kung inaalala mo parin ang babae'ng yon! Walang hiya ka. Gago ka. Pinaniwala mo ako. Akala ko ba okey na ang lahat. Sana hindi mo nalang ako binalikan kung yan din lang naman ang sasabihin mo sa akin. " sinigawan ko siya sabay hampas sa dibdib niya. Hindi parin tumitigil ang aking mga luha sa pag patak.
Hindi ko ma-intindihan. Mahal n'ya daw ako pero bakit inaalala nya parin ang babae'ng yun. Ang sakit. Dahil na uto nya ako. Pinaniwala na naman niya ako. Ang tanga tanga ko. Ilang araw palang kaming nagkabalikan tas ito na naman. Ang sakit hindi kuna kaya to.
"Mahal kita Ellah pero I really need space sa ngayon. Nalilito ako." niyakap niya ako. Ngunit kumawala ako sa yakap niya.
"Mahal mo ako pero bakit siya ang nasa isipan mo? Rhon naman ginago mo ako. Puta ka. Hindi muna ako ma uuto. Ako ang kasama mo for how many days pero siya pala ang nasa isip mo? Kaya pala ang cold mo sa akin. Tama na. Enough is enough. Lets end this b*llsh*t." Sabay talikod sakanya. Ayaw kuna ang sakit sakit na.
Tumakbo ako papalayo sa kanya papuntang park. Dun ako umiyak ng umiyak. Nag ring ang phone ko ngunit I turn it off. Gusto ko mapag-isa. Ang sakit lang. Sh**t.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nag decide na akong umuwi sa bahay. I turn my phone on and receive 50 messages and 10 missed calls. Im tired. Wala na akong ganang basahin pa ang mga messages. Humiga ako sa kama ko at inalala ang nagyari kanina. Masakit parin eh. Parang bumalik lahat ng sakit nung nag hiwalay kami two months ago.
*Flashback*
" Hiwalay na tayo " desididong sabi ko sa kanya.
" Bhaby bakit? Anong na gawa ko? Anong kasalanan ko? " sabi niya sa akin. Habang halatang-halata na nagulat siya sa aking sinabi.
" Malaki kana. Alam mo na siguro ang tama at mali. " sabay talikod sa kanya. Ngunit hinawakan nya ang kamay ko at hinarap ulit sa kanya.
" By ano bang kasalanan ko? Sabihin mo. Pls! " sabi niya. Habang hinahawakan ang dalawa kong kamay.
" Manhid kaba? Alam mo namang nag seselos ako dyan sa ka chat mo sa facebook. Alam ko na matagal mo ng alam na nag seselos ako sa mga babae'ng yan. Ang sweet nyo pa nga sa convo n'yo eh. Hiyang-hiya naman ako. Alam mong nilalandi kalang ng babae kumagat ka din naman. Yan ang hirap sa inyo eh. Di marong ma kontento. Tss. May pa meet-meet pa kayong dalawa? Parang walang jowa ah" sabi ko naman sa kanya.
" Ano kaba kaibigan ko lang siya. Napaka selo- - - "
" Ahh so ako pang mali ngayon? Matagal ko ng pinagmamasdan yang convo n'yo sa fb. Wag mo akong gagohin puta ka. Alam kong nilalandi ka lang ng KAIBIGAN MO! Babae ako at alam ko yang mga yan. Style nila bulok. Buti nga nag seselos pa eh " Hindi ko na siya pinatapos at agad akong nag lakad palayo sa kanya.
* End of Flashback *
Yan ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay. Oo alam ko ang babaw lang nun. Pero hindi lang naman yon ang dahilan. Marami pa. At dahil sa sobrang dami hindi ko na yata mabilang.
Ngunit sa kabila nun, MAHAL KO PARIN SIYA!
-- End of Chapter One
Author's Note: Sana magustuhan ninyo guys. First One Shot story ko po ito. 😘
BINABASA MO ANG
Move On (ONE SHOT STORY)
ContoDalawang salita. Madaling bigkasin ngunit mahirap gawin.