My Mistake

34 3 0
                                    


My Mistake {One Shot}

Hello this is my story. My name is Kylie and my daughter's name is Kiara. She is 3 years old.

"Daddy, where is mommy?" Tanong ni Kiara habang buhat-buhat siya ng daddy Kurt niya.

Kahit 3 years old palang si Kiara tuwid na talaga ang pagsasalita niya. Madaldal kasi simula pa noong mag-isang taon.

"She is in her room. Why baby?" Tanong naman ni Kurt dito nang pabalik.

"In my room? No i'm not." Sabay salubong ko sa dalawa.

"Mommy!" Sabay kuha ko naman kay Kiara na buhat ni Kurt.

"Let's go." Maikling sabi naman ni Kurt.

Aalis kami ngayon. We will go to the mall to celebrate his birthday.

"Where we will eat? Is it in Jollibee daddy? Jollibee! Jollibee!" Masayang-masayang pagkakasabi ni Kiara na nagtatataas pa ng mga kamay. She is in the backseat wearing a seatbelt.

We are now in the car and Kurt will drive us to go to the mall.

"Yes baby, we will eat in Jollibee." Sabi nito habang nagdadrive na.

Habang nagdadrive si Kurt, si Kiara tuwang-tuwang nagsasabi ng Jollibee at minsan naman kumakanta pa ng theme song ng Jollibee.

Kahit talaga kailan ang daldal nitong si Kiara.

"We are here."

Pagkasabing-pagkasabi palang ni Kurt na nasa mall na kami. Nagmadali na Kiara sa pagtanggal ng seatbelt niya. Alam na niyang tanggalin ito at kayang-kaya niya dahil sa malusog ito.

"Faster mommy. Open the door." Nasa loob pa kami ng kotse habang natatanggal ng seatbelt at gustong-gusto na niyang lumabas.

Hindi niya binubuksan ang pinto ng sasakyan dahil alam niya na ayaw ko na siya ang magbukas nito dahil baka kapag binuksan niya bigla siyang magtatakbo sa sobrang excite sa kadahilan na kapag nasa mall kami, lagi kaming nakain sa Jollibee dahil kay Kiara.

"Yes baby." At lumabas na ako ng sasakyan upang makalabas na din siya.

"Come on mommy! Let's go to Jollibee." Pagkalabas na pagkalabas nito sa sasakyan iyan na kaagad ang binukang-bibig niya.

Nagkatinginan kami ni Kurt at sabay kaming napangiti.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa mall, dumeretcho na agad kami sa Jollibee.

"Hanap na kayo ng mauupuan. Ako na ang o-order sa counter. Alam ko na naman." Sabay ngiti ni Kurt na lalo niyang ikinagwapo.

"Okay." Ito na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Humanap na ako ng mauupuan namin at ng may nahanap na kami ni Kiara ay umupo na kami.

Ang nakita naming table na available ay medyo malayo sa counter kaya lagi akong nakatingin sa may daanan nito papunta sa table namin. Pero iba ang nakita ng mga mata ko. Ang lalaking walang paninindigan. Mag-aapat na taon na simula mangyari ang aksidente. Ang aksidenteng pagkabuntis ko na ang bunga ay ang kasama ko na si Kiara.

Noong nakita niya ako nagulat din siya. Pero mas ikinagulat ko ang nakita ko. Meron siyang kasamang babae at hawak-hawak pa niya ang beywang nito. Nakahalata yata ang babae na kasama niya dahil sa pagtigil nito sa paglalakad kaya naglakad ulit ang dalawa patungo sa amin.

Alam ko na dito sila sa tabi ng table namin dahil available ang table na ito. Pagkarating nila sa table ay inilapag nila ang tray na dala ni Kean at naupo.

Siya si Kean ang tunay na ama ni Kiara pero hindi niya pinanindigan ang bata. Oo alam ko na siya ang ama dahil siya lang naman ang naging boyfriend ko noong time na nalaman ko na buntis ako. Naloko niya ako sa mga salita na binitawan niya noong panahon na kami pa. Kaya sa huli, dumating si Kiara sa buhay ko at 'yun ang pinakapinasasalamatan ko sa kanya.

My MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon