Pakiramdam ko mamatay na ako sa tagal kong naka'inhale mga isang oras na.
"May ballpen ka ba?" Tanong ng katabi ko sabay ngiti sa akin
Tangnuh. Seroyoso mamatay na ba Ako bukas?!?!?!
"Ha? Uhm eto sayo na pati notebook baka kailangan mo? Hiramin mo muna yung akin" Sabay abot ko sa kanya ng neon pink kong notebook.
"Thanks darling! Damn you're perfect!" Sabay kindat niya sa akin.
Gosh. Marahil alam niyo na kung sino ang katabi ko. And yes! What a destiny!!! It's Four!
Kung mahal ka nga naman talaga ni Lord oh.
So hanggang sa end ng klase nakatulala lang ako sa kanya. Since nasa kanya naman yung notebook at ballpen ko.
Why not make myself busy na lang? Worth it naman yung oras para sa kanya. Haaayyy Four.
Natapos ang klase ng nakanganga lang ako sa katabi ko. Pucha kabango naman ng lalakeng to gadd.
*kring*
"Okay class don't forget your assignment"
Tumayo at direderetsong lumabas si Four pero eto parin ako tulala at di makapaniwalang makakausap niya ako ng malapitan.
"Natapos na ang lahat, Nandito ka parin~"
Nabalik lang ako sa wisyo ng may bumatok sa akin.
"Ano na girl? Gusto mo paglatag na kita dito? Dito ka na lang no? Tas ako uwi na ako?"
"Ehe enebe Sophie nemen eh minsan lang lumandi eh"
"Hala siya?!?! Sapak you want? Minsan ka diyan! Dali na! Hinihintay na tayo ni Karl sa labas"
"Aba andyan na naman yung alipin mo huh? Hindi ba talaga kayo niyan?"
Si Karl Villasquez, ang best friend slash alipin slash manliligaw ni Sophie Buenaventura na best friend ko naman.
Si Sophie grabe habulin yan ng manliligaw kumbaga lahat ng hinahanap ng lalake nasa kanya na. Crush ng bayan yan dahil sa sexy, maganda, maputi, matalino and dancer pero snob, pero di ko alam bat si Karl lang ang pinayagan niyang umaligid sa kanya. Ayaw naman niya aminin kung may gusto ba siya dyan kasi sa totoo lang sobrang pogi rin niyang si Karl tas madatung pa(mayaman) and naging close sila dahil sa pareho silang dancer.
Pero hindi naman sila ang bida dito sa storya kaya puputulin ko na lang dito.
"Che! Itigil mo na nga ang pag boy abunda sa akin. Makahawig lang kayo ni tito boy pero hindi ikaw, siya!"
"Ay grabe siya oh! Sige lait pa!"
Tumawa ang babae kaya binilisan ko na lang din ayusin yung gamit ko ng may maalala ako.
"sh*t yung notebook at ballpen ko!"
Hinalungkat ko yung laman ng bag ko dahil hindi ko maalala kung binalik ba ni Four yung hiniram niya.
At sa awa ng Diyos nakita ko na ang neon pink na notebook ko pero wala yung ballpen ko.
T-teka? Bakit wala yung diary ko dito?!?!???! Shet saan ko naman yun nailapag ang pagkakaalam ko nandito yun eh.
"Hoy ate girl mukha kang pusa na naghahanap ng lugar na tatae-han kakahalungkat sa bag mo! Baka makahanap ka ng ginto diyan!"
"Shet wait lang nawawala yung diary ko eh!!!"
Nang bigla kong naalala. *insert all the bad words*
Naalala ko kasi pink din yung notebook kong pinahiram ko kay Four!!!
"Shet na malagkit naka'y Four!!"
"What?!?! Ba't naman na sa kanya?!?!""Pinahiram ko kanina" naiiyak na ako juskolord sana di niya binuklat yun sa harapan kasi fudgeebar puro pagmumukha at iba pang papantasya ang laman nun.
"Huh?!?! Bat mo naman ipapahiram ang diary mo?"
Di ko na siya sinagot.
"Sophie mauna na kayo sa canteen kunin ko lang diary at ballpen ko"
Sigaw ko ng natataranta sabay takbo ko palabas ng room
Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Sophie dahil tuluyan ko na siyang iniwan.
Tumatakbo ako sabay lingon sa paligid ko kasi hinahanap ko si Four.
Nang tumilamsik lahat ng buhat kong libro at maski ako tumilapon sa lakas ng impact.
Aba! Kung sineswerte nga naman ako!!
"SH*T NA MALAGKIT" sambit ko dahil sobrang sakit ng pwet ko
"Sorry! Sorry miss"
Bago ko pa man mapulot yung mga nagkalat kong libro napulot na niya yun at ngayon inaabot na sa akin yung kamay niya.
Halos tumulo naman laway ko sa lalakeng nagaalok sa akin ng tulong.
Inabot ko na lang yung kamay ko sa kanya at tinulungan na niya akong tumayo sabay abot ng mga nahulog kong gamit.
"Oh hi there Ms. Ever Green Smith"
Sabay ngiti ng lalakeng mukhang anghel
BINABASA MO ANG
Unexpected
RomanceThis is a story of a girl torn between two lovers. Though she was sure about this guy that she thought would NEVER hurt her, she then realize that she made the biggest mistake of her life.